"A Thousand Years"
Snow POV
Quarter to six na nang bumalik kami ni Zeus sa Shis. Marami nang mga Shisians ang nasa activity hall. Lumapit kami sa puwesto nina Leni at Jea.
"Tagal niyong nawala," sabi pa ni Jea.
"Nagpa-DP kasi kami," sabi ko.
Pero ang totoo niyan after namin sa DP pumunta kami sa Mommy ni Zeus. She's so proud of Zeus when she knew Zeus won in the Interschool. Ayaw ni Zeus malaman nina Leni ang tungkol sa nangyari kaya hindi na rin naman ako nag paliwanag.
Karamihan na pumunta rito mga nagdodorm ang iba umuwi na rin naman kinagabihan. Magkatabi kami ni Zeus sa upuan sa kaliwa naman niya si Leni. Sa tabi ko naman si Jea.
"May gusto ka bang kainin? Kukuha ako," bulong sa akin ni Zeus.
I gestured no. Busog na rin naman ako. May mga taga dance club na nagsasayaw sa ginawang stage. First time ito na nagpa-victory party ang Shis magmula ng nag-aaral ako. Lagi kasing lumalamang ang Prima tuwing Interschool. Malaking puntos ang nagagawa ng mga major events tulad ng basketball kaya nga nakakatuwang nagchampion ang basketball team kaya naging overall champion ang Shis.
"After next week quarter exam na gusto mo samahan kita sa review?" bulong sa akin ni Zeus.
Malakas kasi ang tugtugin kaya hindi kami gaanong nagkakarinigan.
"Hindi naman ako nagrereview masyado. I knew our lessons. May maisasagot ako sa exam," sagot ko naman kay Zeus.
"Baka pangalan ko ang maisagot mo," bulong pa niya.
Nahampas ko siya sa sinabi niya. Hindi naman ako ganoon. Kahit na kami na priority ko pa rin ang pag-aaral ko. I won't be distracted by him.
"Baka ikaw. Baka kakaisip mo sa'kin Snow ang maisulat mo sa exam mo," balik ko sa kanya.
"Baka nga," aniya habang nakatitig sa akin.
Naagaw lang ang atensyon ko nang biglang lumipat si Leni sa tabi ni Jea. Wala lang naman kay Zeus pero sa tingin ko nasaktan si Leni sa usapan namin ni Zeus. She probably heard us.
Ngayon nasisiguro ko nang gusto nga niya si Zeus. She wouldn't react like this if she's not into Zeus. Tumahimik na rin naman ako at nanatiling nanonood sa programa. Napalunok ako ng sumandal sa balikat ko si Zeus.
I could smell his scent. It's mint. Nanlamig ang mga kamay ko sa sitwasyon namin. May mga Shisians na napapatingin sa amin. Si Leni naman panandalian lang na sumulyap sa amin ni Zeus at saka nakipag-usap kay Jea.
Siguradong maipopost ulit ito sa Shisians Club na group page namin. Maraming maissue sa Shisians. Mahilig talaga silang makialam. Marami kasi sa kanila may gusto kay Zeus. Para namang magugustuhan sila ni Zeus.
Matapos ang presentation ng dance club nagpavoting ang mga Officers para sa Interschool Couple. Walang ganoon sa nakaraang victory party ng Shis sabi ni Jea pero this year they include that. Natapos na kasi ang pagdevelop ng sariling mobile App ng school.
"At this moment Shisians you may now download our app ShisApp," pag-anunsyo ni Pres.
Kinuha ko ang phone ko at dinownload ang App. Kailangan lang namin maglog in using our gsuite account. Napahanga ako nang makalog in ako sa App. Maganda ang features niya at graphics.
"You just have to click Interschool Couple button and you may cast your vote. You only have ten minutes to vote Shisians," magiliw pang sabi ni Pres.
I clicked the IC button at nakita ko nga ang list ng nominees. As expected naroon si Zeus but unexpectedly naroon rin ako.
IC Girl Nominees
![](https://img.wattpad.com/cover/241399114-288-k951498.jpg)