Ch. XXXII

33 2 6
                                    

"Just Friends"

Snow POV

Magaan ang pakiramdam ko pagpasok ng school. Siguro dahil wala kaming gaanong assignments. Dahil maaga pa naman pinuntahan ko muna ang kwarto nila Zeus. Sabi kasi niya kahapon sabay kaming maglalunch ngayon. Parang nakasanayan ko na rin kasing pumunta sa building nila.

Wala pa gaanong studyante sa loob ng classroom nila. Wala rin si Zeus kaya paalis na sana ako. But I heard Reven's voice. Kaya bumalik ako at hinanap siya sa classroom. Gusto ko sanang lapitan siya pero kausap pa niya ang kaklase niyang babae.

"Hala parang ang hirap naman niya Rev," sabi ng babae.

Reven even smiled. Anong atake 'yon? So friendly na siya? Kaya naman pala 'friend' niya rin ako.

"Madali lang 'yan. Wag mo lang isipin na mahirap," nakangiti pang sabi nito.

"Sige na nga. Thank you Rev," nakangiting sabi pa ng babae.

"Welcome," ani Reven.

Tumayo siya't napasulyap sa akin. Inilihis ko naman ang tingin ko para hindi niya maisipang nakatingin ako sa kanila kanina pa.

"Snow," napalunok ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin.

Papalapit siya sa pwesto ko kaya't napatakbo ako palayo. Hindi ko alam kung nakasunod ba siya sa akin o hindi basta ang gusto ko lang ay makalayo. Halos maubusan ako ng hangin pagkarating ko ng classroom. Kunot-noo namang napatingin sa akin si Jea.

"Galing ka ba sa marathon? Ang aga-aga tumatakbo ka," aniya.

Umupo naman ako sa tabi niya habang pinupunasan ang mga butil ng pawis ko.

"Gusto ko lang magpapawis," sagot ko naman sa kanya.

"Talaga ba? Eh bakit kasama 'yang si Monsieur?"

Agad naman akong napalingon sa pintuan. Naroon nga si Reven. Pinagkrus niya pa ang mga braso niya't nginisihan ako. Gusto ko sanang balewalain na lang siya pero baka bigla siyang pumasok ng room namin. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya at kaagad naman akong tumalima.

Kabado pa rin ako ngayong magkaharap kami. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya kung bakit bigla akong tumakbo kanina.

"Bakit ka tumakbo?" parang naguguluhang tanong niya.

"P-para exercise," palusot ko.

He looked at me unbelievably. Kahit sino naman siguro hindi maniniwala sa palusot ko.

"Pinaglololoko mo ba ako?"

"Witch!"

Pareho naman kaming dalawang napabaling sa tumawag sakin.

Zeus!

Kaagad naman akong lumapit sa kanya. Buti nalang at dumating siya. Kung hindi ay nagisa na talaga ako ni Reven.

"Ang aga-aga magkasama na naman kayong dalawa," nanibago ako sa sinabi ni Zeus.

Reven probably noticed that too.

"Dahil ang aga aga takbo ng takbo 'yang girlfriend mo," Reven reacted.

There's really no escape anymore. Bwisit na delinquent jerk na 'to. Talagang nag sumbong pa.

"May problema ba?" tanong ni Zeus naman sa akin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Buti nalang at palabas ng ko kwarto si Jea.

"Nagtext kasi si Jea. Akala ko emergency," nagulat naman si Jea sa biglang pagbanggit ko sa pangalan niya.

"Ako?"

Manipulate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon