Ch. VII

22 0 0
                                    

"Different Show"

Snow POV

Napasulyap ako kay Reven na nagsisimula nang kumain. Why he has my school ID? Nagpunta ba siya ng bahay but we're not close? Saan niya 'to nakuha? I am pretty sure that I have my school ID at home. May itinatago talaga ang Reven Monsieur na 'to. Sigurado ako.

Nang maiserve na ang lunch ko sabay kami ni Jea na bumalik sa table. Magkaharap kami ni Jea at tulad kanina nasa tabi ko si Reven. Nagkatinginan naman kami ni Jea. Para bang tinatanong niya kung ba't nandito si Reven.

Nagsimula na kaming kumain ni Jea. Tahimik lang at nagmamatyag sa kinikilos ni Reven. He's probably stalking me. He's too suspicious.

I almost had a heart attack when Reven looked at me. I'm probably caught looking at him. Inilihis ko ang tingin ko at tumutok na sa pagkain.

Napatingin lang ako ulit sa kanya nang nilagay niya sa plate ko ang tatlong macaroons at dalawang brownies.

Pareho naman kaming napatingin ni Jea sa kanya. We're both confuse about his actions.

"See you later," sabi niya lang bago tumayo dala ang tray.

What the hell was that?

"Oh my God! Si Reven ang boyfriend mo?" pagconclude naman ni Jea.

"Sira! Hindi a. Hindi kami close no'n," pag tanggi ko.

"So bakit may pa-macaroons?"

"Maybe hindi niya gusto or hindi niya maubos," sagot ko naman.

Hindi na sumagot pa si Jea pero pinanliitan niya 'ko ng tingin. She's still suspicious of me kaya nilagay ko sa plate niya ang ibang macaroons ang cookies. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang hinala ko kay Reven pero baka sabihin niyang assuming lang ako.

"Anong see you later?" tanong pa ni Jea.

Oo nga naman. Bakit naman kami magkikita? Wala naman siyang sinabi sa akin na lakad. At hindi kami ganoon ka close para magkasama.

Ah!

Ang exhibit nga pala nila Zeus! 'Yon pala ang tinutukoy ni Reven. Nakalimutan ko ang tungkol do'n buti nalang ni-remind ako ni Reven. Excited na 'ko mapanood si Zeus. Hindi naman ako masyadong mahilig sa martial arts but I like how Zeus do taekwondo. Kaya nga napakarami niyang fangirl na schoolmate namin. He's great catch.

"May exhibit ang club nila Zeus mamaya. Baka 'yon nga. Inimbitahan siguro siya," paliwanag ko.

"Gosh! This is dream come true. Maraming gwapo do'n 'di ba?"

Napailing na lang ako sa sinabi ni Jea. Hindi ko alam kung anong gusto nitong si Jea. Mahilig sa gwapo pero kapag niligawan inaayawan niya naman.

Mabilis lang naman natapos kaya pumasok na kami sa afternoon class namin at nang makapunta kami kina Zeus. As expected maraming pumunta sa activity hall. Hula ko ang iba rito umabsent pa. Hinanap ng mga mata ko si Zeus at kaagad ko naman siyang napansin. Magkatabi sila ni Leni. Nawala ang ngiti ko nang pareho silang uminom sa tumbler nila.

Pareho kasi ang disenyo at kulay lang ang naiba. Parang naka couple tumbler lang sila. Reven really did gave the tumbler to Leni. How I wished I didn't agreed to him to buy something for Leni. Bakit nga ba hindi ko 'yon naisip dati? Ayoko namang bawiin pa kay Zeus ang binigay ko.

Sinikap kong hindi mawala sa konsentrasyon pero hindi ko maiwasan.

I really get jealous.

Nagpaalam ako kay Jea. Idinahilan ko na lang na hindi pa naman nag-uumpisa. I was excited about the showcase but seeing Leni with him? I feel like I'm out of the picture.

Manipulate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon