"Dorm"
Snow POV
Hinintay ni Zeus matapos ang training ko ng classical. I texted him na pinayagan na nila ako mommy na mag dorm at sa dorm ang tuloy ko ngayon.
"Akin na 'yang bag mo," aniya sabay kuha ng bag ko.
We're heading to Dine Paradise. Plano naming mag dinner muna. He insists actually. Pero wala rin naman akong balak na magskip ng meal umuo na rin ako.
Same spot kami pumwesto.
"Order lang ako witch," paalam niya.
Hinayaan ko nalang siya sa pagtawag ng witch sa akin. Parang wala rin naman kasi siyang balak na tigilan 'yon. Pagbalik niya may pinakita siya sa aking clip.
"Ano 'yan?"
"Frost clip,"aniya saka pumwesto sa likod ko.
Napangiti ako ng inayos niya ang buhok ko at nilagyan ng clip. Pagkatapos umupo na siya sa upuan niya't nagsimula na kaming kumain.
"Nga pala kamusta ang IQB review niyo?" tanong ni Zeus.
"Okay naman. Wala nga lang si Reven kanina," sagot ko.
"Umuwi siya sa kanila. He might withraw from IQB. Family conflict," ani Zeus.
Napatango na lang ako. Wala rin naman akong masabi. Ayoko rin namang isipin ni Zeus na interesado ako kay Reven. Isa pa masyadong personal na bagay kasi 'yon.
His family probably worries na magkikita sila Reven at Simone sa Interschool. Pero hindi naman 'yon maiiwasan. It's already a tradition.
"May gusto ka pa bang kainin?" tanong niya nang matapos kami.
"Grabe! Wala na. Busog na ko Z," sabi ko.
"I miss that," nakangiting sabi niya.
"Miss ang?"
"Pagtawag mo sa akin na Z," aniya.
"Sus tara na. Baka pagsarhan pa tayo ng gate," sabi ko at inakay na siya pabalik ng dorm.
Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Hinayaan ko lang kasi malapit na rin namang maging kami. Nang makarating kami ng girls dorm yumakap siya sakin ng sobrang higpit.
"Pwede sa field na lang tayo matulog. I still want to be with you babe," parang batang pagmamaktol niya.
Hindi ko mapigilang hindi matawa. Niyakap ko rin siya pabalik.
"May bukas pa Z. Balik ka sa dorm niyo," sabi ko.
He really looked sad habang naglalakad sa katapat na dorm. Kung iisipin sobrang lapit lang ng dorm namin. Probably he's missing me because of the years we're not together.
Papasok na sana ako ng dorm nang mapansin kong may nakaupo sa labas ng dorm. It's a few meter away pero maaaninag namang may tao nga. Lumapit ako roon at unti-unti kong naaninag ang mukha ni Reven.
"Reven!"
Kaagad akong lumapit sa kanya. May kaunting mga pasa siya't sugat. Umupo ako kaagad sa tabi niya't kinuha ang ointment, disinfectant, at bandage sa bag ko.
