Ch. XXVII

33 1 0
                                        

"Falling"

Snow POV

It's our Christmas vacation. We're supposed to go to Aklan but hindi ako sumama kina Mom and Dad. Gusto ko rin naman sana pero I promised dates with Zeus. At may mga projects ako na kailangang tapusin. Zeus helped me with those projects.

"Tatlong buwan na lang Snow matatapos mo na ang Junior High. Anong plano mong kunin na strand?" Zeus asked me when we went out.

"Hindi ko pa alam," sagot ko.

Hindi ko naman kasi talaga sigurado kung anong gusto kong kunin sa kolehiyo. Hindi ako tulad ng iba na may future plans na agad. I don't really see myself in the future. Si Zeus nalang ang bahala.

"Hindi ba dati gusto mo maging accountant? Why not take ABM?" he suggested.

Napailing naman ako dahil wala na kasi sa isip ko ang pangarap na 'yon. Hindi naman ako bagay maging accountant.

"Malalaman ko rin sa susunod kung ano ba talaga ang gusto ko maging. Ikaw ba?"

He took out his keys and show me his chains. I was surprised.

"You want to enter military?" gulat na tanong ko.

I don't know why I feel bad about his plan. Hindi ko kasi iniexpect na iyon ang gusto niya.

"Nakausap ko na si Mama tungkol dito. She's supportive. Mag-eexam ako next year for PMA. Backer ko 'yong kaibigan ni Mama na Captain sa PMA kaya sigurado naman akong pasok ako," masayang sabi niya.

I'm happy for him and for his plans. Pero alam ko kasing mahirap ang PMA. There's a lot of anomalies inside the campus. Maraming mga bullies at senority. Isa pa miminsan lang sila lumabas ng PMA. Hindi rin sila masyadong makakakontak sa labas ng campus.

"Aren't you happy for me?"

Nag-aalangan naman akong ngumiti sa kanya.

"Masaya siyempre. I know you can be the best kahit saan ka pa ilagay," sabi ko.

Buong gala namin naiisip ko ang plano ni Zeus. Okay sa Mama niya ang desisyon niya. Pero sa akin tagilid. Natatakot ako para sa kanya. We still have a year together. Pero sobrang bilis lang ng panahon. Magkakahiwalay kami after a year dahil sa pagpasok niya sa academy.

Pagkahatid niya sa akin ay dumiretso ako kaagad sa kwarto. I want to think of my own plans. Kailangan ko rin na magkaroon ng sarili kong mga plano. Umupo ako sa study table ko at nagbrowse ng mga courses na pwede kong itake.

Wala akong problema sa Acads pero kulang ako sa passion. I messaged Jea about this.

@lovesnow_: Anon strand kukunin mo next year?

Sobrang tagal niyang magreply even she's online. Nagbasa nalang muna ako ng mga posts sa feed ko. I stopped by Reven's post. It was his pictures since he was a kid. Sobrang daming hearts ang nakuha niya.

I read his caption.

Reven Monsieur
@revenclaw I think of my childhood photos as my sons'. Upload yours so I can see my daughters'

Nabitawan ko ang phone ko sa sobrang gulat. Ofcourse I'm so surprised with his caption. He's just turning 19 yet he had thoughts about having family. Kung si Zeus iniisip ang pangarap niya siya naman iniisip ang ganoon. They're totally different.

@crypticB
OMG! Sige wait lang mahal!

@simplysteffi
grabe naman love futuristic masyado

Napapailing nalang ako sa mga comments. He had so many fan girls from Prima. Marami rin naman siyang fan girls sa Shis pero mas marami talaga sa dati niyang school. Nagulat ako nang magvibrate ang phone ko.

Manipulate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon