"Courtship"
Snow POV
Agad akong pumunta sa clinic nang mabalitaan kong dinala raw si Zeus doon. Hindi ako mapakali habang papunta ng clinic. Sobra akong nag-aalala lalo pa't hindi naman ugali ni Zeus na makipag-away.
Pagpasok ko ng clinic nakita kong naroon si Reven sa loob. Siguro'y bumisita rin siya pero ayokong magpakita sa kanya kaya't nagtago muna ako sa kabilang bed.
"Gusto mo bang mapaalis sa Taekwondo?" may halong inis na tanong ni Reven.
Hindi ko rin maintindihan kaso ang nangyari. Sinabi lang sa akin ni Jea na may nagkaaway raw sa Pythagoreans. Huli na nang malaman namin na si Zeus pala 'yon.
"They're talking about Leni! What am I supposed to do? Makikinig lang?"
So it's about that lugaw. I want to be upset that Zeus is concern about Leni but I knew he had reason. Sana nga lang talaga tama akong ang pagiging magkaibigan nila ang dahilan.
"Expel them," seryosong sabi ni Reven.
"What?"
Maski ako nagulat sa suggestion ni Reven. Expel para lang kay Lugaw? Ang babaw naman masyado.
"You don't have to use your own fist. You have the power Zeus," dagdag pa ni Reven.
Talagang gusto niya nga si Lugaw para ipilit 'yon. Kung ganoon pati ako dapat alisin dahil ayoko rin naman sa babaeng 'yon. Masyadong pabida.
"I'm not going to do that Mon. How could you suggest something made you suffer? That's not going to work Mon," mahinang sabi ni Zeus.
"I'm not suffering... finally," he said. "Then I'll go ahead."
Suffering?
Si Reven?
Anong ibig sabihin no'n? May problema ba si Reven? Gusto ko pa sanang malaman ang tungkol kay Reven pero hindi na nila pinag-usapan 'yon.
Ilang minuto ng makaalis si Reven nagkunwari akong kakapasok lang papunta kay Zeus. He looked surprise when he saw me. I didn't message him na pupunta ako.
"Why are you here? You should go to your class," sabi pa ni Zeus.
Umupo ako sa silyang malapit sa kanya. Kung saan naupo rin kanina si Reven.
"I just want to visit you. I'm worried," nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. He hugged me before but this one is so different. I'm getting swayed.
"Thank you babe," tinulak ko siya nang mahina pagkarinig ko no'n.
"Babe ka dyan!"
Napatawa naman siya. Injured na nga nagawa pang tumawa ng malakas. Scam na lalaki. But I like him for this.
"Well as I said I'm just practicing," nakangiti pa niyang sabi.
Don't smile Snow. You're the witch why are you acting like bewitched by this man.
"Babe are for couples," I said.
"Soon, we'll be couples," mayabang na sagot niya.
Nakailang kurap ako nang marinig ang sinabi niya. Siguradong sigurado siya na magiging kami. Pero hindi rin naman siya nanliligaw. I mean we're getting closer again but hindi pa namin talaga napag-usapan ang tungkol do'n.
"Are you going to court me?" I bluntly asked.
"I am currently doing the courtship witch. It's present progressive," he even winked.