"Coincidence"
Snow POV
Pabalik na kami ni Reven sa dorm. Tulad lang ng nakasanayan tinawanan nalang namin ang 'malabong galawan' ni Reven. Ewan ko ba sa kanya kung anong trip niya. Pero napapaisip din naman ako kung sakaling may gusto nga siya sa akin.
Papasok na sana ako ng dorm nang bigla akong pinigilan ni Reven.
"Oh?"
He looked at the side.
Napatingin naman ako roon. It's Jea and Zeus. Nang makita nila kami agad naman bumitaw si Reven at saka tumakbo papalapit si Jea.
"Friendship goals ha?" makahulugang sabi ni Jea.
"Una na 'ko," ani Reven saka tumalikod at dumiretso sa dorm nila.
"Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga chats ko magkasama pala kayo ni Monsieur," dagdag pa ni Jea.
Zeus coughed on the side.
Jea sighed. Lumapit siya't bumulong sa akin.
"Kaya mo 'yan Sis," aniya.
Napakunot-noo naman ako sa mensahe niya. Kaya ang ano?
"Zeus una na 'ko. Snow lavarn lang," natatawang sabi pa niya saka tuluyang pumasok ng dorm.
I looked at Zeus. He's piercing his eyes on me. Did I do something wrong?
"Let's talk," ani Zeus.
Sumunod naman ako sa kanya. Umupo kami sa bench na malapit lang sa dorm. Nabibingi ako sa hindi pagsasalita ni Zeus.
Is he mad at me?
Or is he jealous of Reven dahil magkasama kami kanina.
"Okay ka lang Z?" tanong ko.
He gave me an envelope.
Kinuha ko naman iyon. I checked what's inside. It's a letter from PMA. It's an acceptance letter. Ibig sabihin pasado si Zeus sa PMA? That's so nice.
"Wow! Congrats Z," bati ko.
He smiled a bit.
"Bakit naman parang hindi ka masaya?" tanong ko.
He looked away.
"You know what's PMA right?" mahinang sabi niya. "I'm leaving soon. Hindi na tayo magkikita. I'll be busy in the academy."
I thought it's about Reven.
"Okay lang 'yon Z. It's your dream," sabi ko naman.
"It's not the only dream I have Pup. You're part of my future. You're a dream as well," he said sincerely.
Nanlambot naman ang puso ko sa mga binitawang salita ni Zeus. I am his dream. I am his future. Niyakap ko naman siya. Nakakagaan sa pakiramdam ang mga salitang binitawan niya.
"I'll be fine Z," I gave him assurance.
"We only have seven months left together Pup," aniya.
Pitong buwan.
Matagal na 'yon.
"Then we'll savour every moment we're together," nakangiting sabi ko.
After our talk, bumalik na kami sa kanya-kanya naming dorm ni Zeus. Hindi ako dumiretso ng kwarto ko kundi kay Jea. Kaagad naman niya akong pinapasok.
I walked inside and sat on her bed. Doon ko na inilabas lahat ng luha ko. I cried loudly.
"Shit Snow! Grabe namang atungal 'yan. Baka isipin sa kabila may kinakatay ako rito," reklamo ni Jea.