Chapter 5: I wrestle with a goddess

4.3K 127 6
                                    

Chapter 5: I wrestle with a goddess

In a matter of seconds ay agad  naubos ng Big Three (na nasa teenager form) ang lahat ng monsters sa buong loob ng school. Nailigtas namin si Nathan mula sa Cyclops. Happy na ang lahat! Wrong. Dahil mas maraming dumarating na Harpies, at habang dumadami sila ay mas malalaki na ang kanilang mga dalang monsters. Isang dosenang Harpies ang hirap na hirap na nagbagsak ng isang higante sa aming harapan.

Pinapunta ako ni Hades sa isang tabi, at sumunod na lang ako, akay akay ang half unconcious na si Nathan, sino ba naman ang hindi halos mawalan ng ulirat kapag pinisil ka ng isang Cyclops.

Masaya at siyempre nakakatakot na makita ang Big Three in action. Si Zeus ay nagpriprito ng mga new arrivals na Skeleton Warriors. Si Hades ay mabilis, biglang nawawala sa ere, siya'y nagbleblend sa mga anino, matapos ay sasaksakin niya ang monsters gamit ang isang mahabang iron blade.

Isang pitik lang ni Hades ng kanyang daliri ay may mga ghouls at zombies na lumabas mula sa lupa, upang kalabanin ang kanilang mga pinsan na Skeleton Warriors.

Si Poseidon ay ang mga higante naman ang tinira, ang ibang mga higante ay binalot niya sa yelo. Ang iba ay binigyan niya ng isang napakasarap na mumog sa bibig. Ang iba ay simple niya lang tinusok ng kanyang trident.

Nakita kong sumigaw si Zeus at lalong dumilim ang mga ulap, ZAAPPP! Napakaraming stream ng boltahe ang bumagsak sa lupa, pinatay ang mga halimaw sa dark side. Nagkaroon ng thunderstorm. Si Poseidon ay para namang isang fireman na nagiispray ng maitinding tubig sa mga nagrarally. Ang mga higante, mga Skeleton Warriors at mga dracnaes (mga babaeng ahas) ay tumitilampon sa kung saan-saan, may nagsurfing pa nga eh.

Tinignan ko si Nathan at sinampal sampal siya.

"Nathan! Nathan! Gumising ka!"

"Ahhh...", nakita kong dumilat ang mata niya.

"Hindi ito panahon para matulog! Gumising ka na! Nasa panganib tayo!"

Nagimbal ako nang nakarinig ako ng pagsabog, pero hindi ito mula sa aming school. Mula ito sa labas, sa city. Sa kung nasaan ang mga tao. Maraming tunog ng sirena akong narinig: sa mga pulisya, mga ambulansya at firetrucks. Naku, hindi.

WHIRR! WHIRR! Tumigil na muna ako sa paggising kay Nathan, sumulyap ako sa langit at nakita ang dalawang helicopters na umiikot ikot, malamang reporters o army. May dalawang Harpies ang sumugod sa isang helicopter hanggang nawala na ito sa aking paningin.

Patuloy pa rin ang courtyard apocalypse. Mas tumitindi ang laban. Hindi lang ito basta isang laban, alam ko ito, kumakabog ang aking dibdib, simula pa lang ito. Lutang ang aking pakiramdam, totoong giyera. Puro matinding ilaw, pagsabog at mga iyak ang aking nakita at narinig. Tumingin ulit ako kay Nathan, paano ko siya iaalis sa lugar na ito?

Teka, ang pamilya ko. Hindi maaari. Inabot ko ang bag ko, pero wala, naiwan ko sa classroom dahil sa panic. Nandoon ang cellphone ko. Umiikot ang aking paningin, si mama, ang aking buntis na mama at aking kapatid. Ang aking papa at mga step- siblings, kailangan ko silang malayo sa gulo. Pwede kayang...pwede kaya sila sa Olympus?

Sa tindi ng aking emosyon ay nakaramdam ako ng init sa aking loob, masakit. Kailangan kong kumilos. Hindi na ako nakapagisip, sinampal ko na lamang si Nathan at doon siya nagkamalay tao.

"Ah -- teka, anong nangyayari?"

"Nathan, ayos ka na ba?"

"What in the Greenpeace?", napansin kong nakatingin siya sa nangyayaring laban sa likod ko lang.

"Kailangan mo nang umalis!"

"Saan ako pupunta?"

"Wala ka ba talagang mapupuntahan?"

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon