Chapter 6: Amalthea

3.8K 117 3
                                    

Chapter 6: Amalthea

Si Paris ang nakakita sa akin, halos pabagsak na ako sa lapag dahil sa aking mga sugat, at sa hilong aking nararamdaman. Agad niya akong inakay at sinabing dadalhin daw niya ako sa Infirmary ng Mount Olympus. Blurred lang ang nakikita ko, mabilis. Kita ko ang mukha ni Paris habang sumisigaw sa akin.

"Amber! Amber, ayos ka lang?! Amber!"

Ang sunod ko na lamang naramdaman ay malambot sa aking likod. Kama. May iba pang mga mukha akong nakita, si Nathan, si Monsieur, sila Laelaps, Delphig at ilang taong hindi ko kilala. Nakatingin sila sa akin, may mga pagaalala sa kanilang mga mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Paris at nagsalita.

"Sila Zeus, ang Big Three...kailangan nilang maparito."

At ako'y nagblackout na.

***

Pagkagising ko ay mas maayos na ang aking pakiramdam. Mabilis akong nagsit-up sa kamang aking hinihimlayan. Iginala ko ang aking mata sa paligid. Maraming kama, hilehilera. At may napakalaking bintana. Walang tao. Malamang mga oras din akong nakatulog. May mga nakarating na bang mga kalaban dito? Sana wala pa.

May kirot akong naramdaman sa aking lalamunan. Ang aking pamilya...napapabayaan ko sila, ang kanilang kaligtasan. Mga ilang oras na rin noong nagsimula ang invasion. Ano na ang nangyari sa kanila?!

Tinignan ko ang aking mga kamay at matapos ay ang iba ko pang parte ng mukha. Wala nang mga sugat. Dinampi ko ang kamay ko sa aking mukha, wala na rin ang dugo at ang kalmot ng Harpy. Masakit na lamang ang aking mga kalamnan, dahil siguro ito sa pagatake sa akin ni Hera. Tumayo ako at tumungo sa pinto, bago ko pa mahawakan ang door knob ay bumukas na ito nang magisa.

At bumungad sa akin ang mukha ni Zeus.

"Amber!"

Binalot niya ako ng kanyang mga yakap at tumama ang aking mukha sa kanyang dibdib. Matapos ay inalog alog niya ako.

"Ayos ka lang ba? Anong ginawa sa iyo ni Hera?"

"Mabuti na ang kalagayan ko ngayon, Zeus. Tungkol kay Hera, wala na yun, tapos na."

"Pero --"

"Ang kailangan nating gawin ngayon ay unahan siya sa Ophiotaurus."

"GUARDIAN!", iyak ni Poseidon.

May nagshove kay Zeus pagilid at agad siyang nawala sa paningin ko, ang pumalit ay si Poseidon, agad niya rin akong niyakap, may mainit na likidong tumutulo sa aking balikat. Luha ni Poseidon.

"I hate Hera! Are you alright? Nang dumating sa amin ang balita ay agad naming iniwan ang aming mga post at tumungo rito."

"Ayos na ako.", balik ko.

Habang niyayakap ako ni Poseidon ay nakita ko si Hades sa may pintuan, may lungkot sa kanyang mga mata, para bang ineexpect na niyang mangyari ito. Pero ginawa niya ang lahat para maglabas ng ngiti.

"Ayos ka na ba?", tanong niya.

"Oo, Hades."

Bumitaw na si Poseidon at tumingin siya sa akin.

"I will avenge you!"

"Poseidon --"

"Ako rin.", sabi ni Hades. "No offense, Zeus pero hindi na talaga maganda ang ginagawa ng asawa mo."

Ngumiti si Zeus deviously.

"None taken. At isa pa, hindi ko na asawa si Hera at wala na akong pakialam sa kanya. Ang kailangan lang natin gawin ngayon ay tapusin siya.", sa mga huling kataga ni Zeus ay nakaramdam ako ng alinlangan, para bang pinipilipit ang kanyang lalamunan. Asawa pa rin ni Zeus si Hera kahit anong mangyari...kahit anong mangyari.

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon