Chapter 4: The Beginning of the End

4K 149 12
                                    

Chapter 4 - The Beginning of the End

            Kumakabog ang dibdib ko nang ako'y naglalakad sa mala-gatas sa kulay na hallways ng ospital. Napakagat ako sa aking labi. Agad akong tumungo sa may reception at tinanong sa Head Nurse kung nasaan ba si "Agnes Vega", Vega dahil ito ang apelyido ng kanyang bagong asawa, si Ronald. Wala naman akong masasabi sa kanilang relasyon, ayos lang sa akin, though minsan ay naiinis ako kay Tito Ronald dahil parang ang dumb niya.

            Pero kung saan masaya si mama ay masaya na rin ako. Kahit gaano pa kacliched ito.

            "Sa Room 8B po siya.", sabi ng Head Nurse.

            Nagpasalamat ako at unti-unting naglakad papunta sa Room 8B, hindi ko alam ang ieexpect ko. Sa may pintuan ng kwarto ay nakita ko na si Tito Ronald, matangkad ito at 5 years na mas bata kay mama. May kausap siya phone.

            "Oo...ayos na siya, huwag kayong magalala."

            Binaba niya ito at siya'y nagpaikot-ikot sa hallway. Lumapit ako at tinapik ang kanyang balikat, umikot siya.

            "Oh, Amber! Nandito ka na rin."

            "Si Mama? Ayos lang ba siya?"

            "Oo, ayos na siya. Ayos na ang kapatid mo. Nagpapahinga na siya ngayon.", sabi niya.

            Napabuntong hininga ako, halatang relieved. Niyaya niya ako sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko si mama, nakahospital gown, nakahiga, parang hinigop ang kanyang dugo sa sobra niyang putla. Tumakbo ako sa kanyan at hinawakan ang kanyang nanginginig na mga kamay.

            "Amber...anak.", mahina niyang tugon.

            "Ano na? Ayos lang po ba kayo?", tanong ko. "Ang kapatid ko?"

            Ngumiti siya at hinimas ang kanyang malaking belly.

            "Mabuti na ang lahat. Malakas ang kapit niya. Parang ikaw dati."

            "Ano? Muntik na rin ba akong malaglag noon?", nagwonder ako.

            "Hmm, oo. Pero malakas ka anak. Alam ko yun. Para kang isang matingkad na ilaw sa loob ng aking tiyan, mainit, nagaapoy."

            Ngumiti na rin ako sa wakas. Ilang taon prior to this ay galit ako sa kanya, pati na rin sa aking papa. Dahil pakiramdam ko iniwan nila ako noon, pero wala silang choice. Sadyang kailangan nilang gawin iyon. Dahil hindi pwedeng pilitin ang kanilang relasyon, ang kahit anong bagay na hindi maaari, nagbabago ang tao at nagbabago ang panahon. Ang oras ay hindi titigil para sa kahit na sino.

            Matapos ay hinayaan ko na siyang magpahinga. Pumunta ako sa canteen para bilhan siya ng pagkain dahil ang pagkaing niroronda sa ospital ay parang karton lang ang lasa. Pagkabalik ko ay kumain siya at nagusap kami ng kaunti, pati na rin kami ni Tito Ronald.

            "Anak, huwag mo na sasabihin sa papa mo ito ah."

            "Opo."

            "Baka kasi magalala iyon. At mainlove na naman sa akin."

            Natatawa ako sa sinabi niya. Imposible na iyon. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay mama noong gabi na, dahil nakatulog na siya. Nang paalis na ako ay hinawakan ni Tito Ronald ang kamay ko.

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon