Chapter 12: To a better future

2.7K 144 25
                                    

Chapter 12: To a better future


A/N: Epilogue + Book 4 Sneak Peak Next Week!

Comments are wholeheartedly appreciated!


Ang mga Furies daw mismo ang kumuha sa bangkay ni Hades at ummiyak daw ang mga ito. Sayang at wala na akong

panahon para makita pa ang bangkay ni Hades, mapasalamatan siya ulit at makapagpaalam.


Si Hera, Prometheus at Hecate ay sinundo ng ilang Underworld guards na kasama ni Persephone, nilagyan sila

ng mga chains sa paa at kamay. Si Hera ay nakakasindak na ang itsura at halatang hirap na hirap, si Prometheus

ay tila nabaliw at si Hecate ay nagmamakaawa, "peer pressure" lang daw.


Habang dinadala sila Hera pababa nang Olympus ay nakatingin si Zeus sa kanila, tila may halo ring lungkot

sa kanyang tingin.


Lumapit sa akin si Persephone at niyakap ako.


"Pasensya na, Amber. At nahuli kami."


"Ah! Hindi po! Napakalaki niyo pong tulong! Maraming salamat sa lahat."


"Salamat din, Amber. Magiging masaya si Hades dahil nagtagumpay tayo."


"Sinabi sa propesiya na ang Olympus ay babagsak pero hindi naman sinabi na mananatili tayong ganun. Tayo'y

babangon.", sambit ko.


Ngumiti muli siya at napakaganda niya.


"Kailangan na naming umalis."


Naglakad siya papalayo sa akin, nakangiti siyang tumingin sa Olympians at siya'y sumunod na sa Underworld

guards na hawak sila Hera.


Nang matalo na ang kanilang masters ay agad na ring nagsurrender ang Hera's army at sama sama silang ipapatapon

sa Tartarus. Nagulat ako nang makaramdam ako ng init at balat. Pagtingin ko ay niyayakap ako ni Zeus at Poseidon.

Yumakap na rin ako. Matapos ay tinignan nila ako.


"Magaling, Amber. At maraming salamat.", sabi ni Zeus.


"May sakit ka ba, Zeus? Himala at nagpapasalamat ka!"


"Aba! Anong sabi mo?"


"Guardian Amber! Yee. Ikaw ba talaga si Hestia? Kaya pala! You're really my sister!"


Niyakap muli ako ni Poseidon at nagsalita si Zeus.


"Oo nga. Kapatid ka pala namin. Muntik na tayong magcommit ng incest.", sabi ni Zeus.

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon