Chapter 2: Fetching the gods

4.4K 161 27
                                    

Chapter 2 - Fetching the gods

            Kaya mo bang iimagine na magdinner sa depressing na mundo na tulad ng Underworld? Kung saan laging mainit at maalinsangan ang pakiramdam? At may kung anu-anong mga sigaw at iyak ang naririnig mo kung saan. Well, huwag mo na iimagine dahil hindi maganda sa pakiramdam.

            Pero kailangan kong maparito.

            "Kumain ka na ba?", iyan ang bungad sa akin ni Persephone.

            Ehem. Okay. Si Persephone ang goddess of spring growth at siya lang naman ang asawa ni Hades. Nakabraid ang kanyang buhok, nakasuot siya ng simpleng itim na shirt at jeans. Kahali-halina ang kanyang kagandahan, makinis at siya'y matangkad.

            Agad akong pinapasok ni Persephone at Hades sa kanilang animo'y haunted house na tirahan. Para bang ang buong mansyon ay hindi pa naaabot ng Meralco, dahil parang puro kandila lang ang nagpapailaw sa napakalaking lugar.

            Actually, ineexpect ko na hahablutin ni Persephone ang buhok ko, o sampalin niya ako o gawin niya akong palay o bigas o kung ano pa man, instead, winelcome niya ako ng kanyang magandang ngiti at inviting na presensya. Pero ramdam mo pa rin ang lungkot na nagrereflect sa kanyang mga mata...may kabigatan.

            Pinipilit niyang maging masaya, dahil si Hades ay hindi gaano. Sa buong dinner ay parang detached siya sa amin, pati si Persephone ay hindi niya pinapansin, nakasalumbaba lang siya at nakatingin sa malayo habang ako'y kumakain ng Pasta Ala Embalsamo na thankfully ay hindi laman ng tao ang sangkap.

            Nasa likod ng upuan ni Hades si Persephone at pinapanuod niya rin ako.

            "Madami akong narinig tungkol sa iyo."

            Napatingin ako sa kanya.

            "Talaga po? Sana magaganda."

            "Oo naman! Mahilig magkuwento si Hades tungkol sa iyo."

            Teka, alam naman siguro niya na si Hades...ay well...may gusto sa akin, hindi ba? Pero bakit? Bakit nakangiti pa rin siya at kinakausap ako? Obviously, isa lang ito sa nagpapatunay na wala sa katayuan ang kabuuan ng tao, este, god (example: si Zeus at Hera ay mga aroganteng gods kahit sila ang nasa higher state. Pfft.)

            Pinunasan ko ang sauce sa aking bibig at inusog ng kaunti ang dinner, ayos na ako. Tumingin naman ako kay Hades habang si Persephone ay nakangiti pa rin.

            "Hades? Natanggap mo ba ang sulat?"

            Nasa adult form siya ngayon kaya mas malala pa ang kanyang pagiging mukhang sinakluban ng mga ulap. Mga ilang segundo bago siya magrespond sa akin.

            "Ah? Oo.", sabi niya na para bang kakasalita ko lang. "Oo. Actually natanggap namin ito right away, matapos mong isend ito. Natagalan ang aming response dahil naghahanda kami."

            "Naghahanda?"

            Si Persephone ang sumagot sa akin, "These past few months ay busy ang mga gods sa paghahanda, sa kung anong sinabi sa propesiya. Inaassemble na ang mga army at ang mga major at minor gods ay nagiikot at naghihikayat ng mga maaring masama sa ating army."

            "Persephone. Hindi mo kailangang sumingit.", sabi ni Hades, cold.

            Nagtaka ako. Napakagat ng labi si Persephone at tumiklop na parang makahiya.

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon