Chapter 1: My visit to the world of the dead

6.9K 187 25
                                    

Chapter 1 -  My visit to the world of the Dead

            Sa panaginip ko, ako ay tumatakbo. Tumatakbo nang walang tigil. Di ko alam kung bakit ako tumatakbo, hindi ko alam. Pero matindi ang kabog ng aking dibdib, ramdam ko ang dugong dumdaloy sa aking ulo.

            Ang aking tinatapakan ay basa --basang lupa, pero ang kakaiba ay nasa gubat ako. Ang buong gubat ay nilalamon ng apoy. Ang bawat halaman at branch ay natutupok at ako'y wala pa ring tigil sa pagtakbo.

            Nakakalagpas ako sa matitinding kurtina ng apoy...na walang sugat...na walang takot. Para bang mayroon akong kailangan gawin at hindi ako mapipigil ng isang nasusunog na kagubatan.

            Hinawi ko ang isang bush at ako'y nasa ibang lugar na...semento na ang aking tinatapakan. Wala nang apoy sa kahit saan. Nakatayo ako sa Luneta Park. Tumingin ako sa paligid...ang monumento ni Rizal ay nakabagsak na. Ang buong paligid ay itim, para bang kakatapos lang masunog ng lugar.

            Tumingala ako at nakitang makulimlim ang langit, acidic, parang may napakalaking bagyong darating. Walang laman ang Maynila, walang mga sasakyan o mga buhay na nilalang.

            Tumingin ako sa mga building sa di kalayuan, may mga usok na lumalabas mula rito...ang mga establishments ay walang laman. Isolated. Paang aftermath ng giyera.

            "Wala kang magagawa...KATAPUSAN NA!"

            Isang matinis na boses ng babae ang nagpalingon sa akin. At nakita ko ang isang puting pigura, walang mukha pero alam kong makapangyarihan siya...ngunit grabe rin ang kasamaan.

            Biglang nawala ang kinakatayuan ko at ako'y nabalot ng itim...nalaglag ako sa animo'y isang balon...nalalaglag ako nang walang katapusan...

            At doon ako nagising. Ito lagi ang panaginip ko. Halos kabisado ko na nga eh. Dumating ito matapos kong matanggap ang propesiya mula kay Oracle...si Oracle...ano na kaya ang nangyari sa kanya?

            Matagal na rin simula noong pinadala ko ang sulat para sa mga gods pero hanggang ngayon ay wala pa ring reply. Mga busy siguro. Pero hindi ba nila agad papansinin ang mga nakakagimbal na propesiya na isang babala na katapusan na ng mundo?

            Tumayo ako at tinignan ang orasan: 7:15 na. Shepherd! Alas siyete ang pasok ko! Hindi ako ginising ng kapatid kong si Johnny (ang stepbrother kong star player ng school) na walang pasok ngayon. Agad akong tumayo para maghanda...habang naliligo ako ay napapaisip ako...mabigat sa pakiramdam ang propesiyang iyon, hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isip ko.

The home of the gods shall fall

Until nothing's left except rubble

Three beings will take the challenge

Of something that will break their knowledge

The foe will come from the same loins

And someone will fall like coins

A startling revelation might break them all

A new chess piece that will respond with the call

            Ilang beses ko nang sinubukang idecipher ang mga ito, pero nagbrabrainbleed lang ako eh. Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis at kinuha ang aking bag, painting tools at canvas. 3rd year college na ako ngayon at thankfully ay maganda naman ang momentum ng academics ko.

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon