Chapter 8: Panic

3.6K 129 9
                                    

Chapter 8: Panic

Parang nagdilim ang mga ulap dahil sa mga pilit bumabasag sa barrier. Nagmamadali kaming

lumabas ng Mount Olympus, papunta sa brick stairs. Ang mga nagpapatrol na nakasakay sa

mga pegasus ay mas mabilis na ang lipad.

"Invaders!" sigaw ng iba.

Walang tigil ang pagtunog ng Olympus alarm, parang may napakalaking panganib ang parating. Parang may humingang malamig sa aking batok.

Mga harpy ang pilit bumabangga sa barrier ngunit bumabanda lamang sila at nasusunog. Hindi

lamang mga harpy, merong mga uwak at paniki na kasing laki ng dyip. Masakit sa tenga ang kanilang mga iyak, gustong makapasok ngunit napipigilan sila ng magical barrier. Sinundan naming tatlo si Paris pababa ng stairs, si Hades ay inilabas ang kanyang dagger at si Zeus ay hawak na ang kanyang lightning bolt.

"Kumusta ang army? On-set ba ang lahat?", tanong ni Hades.

"Yes, sir!", sigaw ni Paris.

Napapikit ako at napakagat ng labi, nandito na sila, pipilitin nilang makapasok pero tila

wala pa dito ang aking isip, na kay Poseidon pa. Nasa kalaban siya. Ang tangi ko lang iniisip ay makukuha namin siya or better yet, makakatakas siya. Malakas siya at matapang.

Lumingon ako kay Zeus, pula ang kanyang ilong at mugto ang mata pero other than that ay tila

handa na siya to kick some monster-butt.

"Kailangan na nating tawagin ang ibang Olympians!", sabi ni Hades kay Zeus. Papalapit na

kami nang paplapit sa paanan ng bundok.

"Hindi lahat makakarating. Busy rin ang lahat makipaglaban sa ibang dako ng mundo. Kakayanin natin ito. Kasama niyo si Zeus." sabi niya.

"Si Zeus na iyakin?", hirit ko.

Namula si Zeus.

"Hoy, aba!"

"Ano?", nalilitong tanong ni Paris.

"Wala. Inside joke.", tugon ni Hades.

Napalunok si Paris. "Inside joke", siguro pakiramdam niya ay outsider siya.

"Tama na ang satsat. Humanda na tayo.", sabi ni Zeus.

Nagpatuloy kami sa pagbaba ng hagdan, nagmamadali, sumilip ako sa baba pero nahaharangan pa ito ng hamog at ulap. Ano na kayang nangyayari? Nakapasok na ba ang kalaban? Pero hindi naman sira ang barrier dito sa taas so obvious lang na hindi pa rin sira ang nasa baba.

Dinama ko ang dagger sa aking sheath na nasa belt at plinuck ang string ng aking bow, chinecheck ito. Ako ay nakasuot ng armor pero si Hades at Zeus ay normal clothes lang, tila ang kanilang pagiging malakas ang kanilang tanging Kevlar.

Habang pababa ay tinignan ko ulit si Zeus, sa kanyang pagiging seryoso ay nagtatago ang isang napakaemosyonal na tao. At lumabas iyon kanina. Si Amalthea...bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa kanya, nawala rin siya ng bigla! Wala akong oras para kilalanin siya! Napakamalihim

ni Zeus...lalo na pagdating sa family matters. Doon ko rin naalala si Hera, mabuti na lamang at nasa amin na ang entrails ng Ophiotaurus (tinago namin ito sa isang sagrado at puno ng magic na vault).

Ilang minuto pa ay nakikita ko na ang dulo ng hagdan, ang lupa.

"Dali! Dali!", ang sigaw ni Zeus.

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon