A/N: Tsaka ko na ifoformat ng maayos. Enjoy!
Ngayon ko lang napagsama sama ang animo'y jigsaw puzzle na buhay ni Nathan, ehem, Pan. Ang kanyang pangalan,
Nathaniel Ureta. Nat Ure. Nature.
Siya si Pan, god of the nature, god of the wild.
Bakit ngayon ko lang napagtanto? Siya ang god na makakatulong sa amin! Ang Panic na inihatid niya sa kalaban
ay hindi basta basta. Hindi ko mapigilang ngumiti.
Sa ngayon ay natigil pansamantala ang giyera. Ang army ni Hera ay nasa kanilang mga barko, nagmamatyag. Ayon
sa mensahe ni Hermes ay natigil din ang pagatake sa bawat parte ng mundo. Hindi ko maimagine ang takot at
gimbal na nararanasan ng mga mortal na tao ngayon. Ang buong isla ng Olympus ay muling tinakpan ng mas
matigas at mas makapal na barrier. Pero hindi pa rin maaalis na makakapasok si Hera kahit kailan niya gusto,
dahil isa pa rin siyang Olympian, pwera na lamang kung bumaba siya sa trono.
Ngayon ay nagiisip ng paraan si Zeus at Hades kung paano mapipigilan si Hera. Matapos ang pagretreat ng mga
kalaban ay agad kaming tinipon ni Kronos sa throne room. Ang Olympus army ay nagsimulang maghanda muli, mas
tinatalasan ang mga armas, nagpupush-up, naggagamot ng mga sugat at naguupdate sa facebook.
Hindi maiwasan na may ilang mga buhay ang nawaldas. Habang paakyat kami sa hagdan patungo sa Olympus ay
nadaanan namin nila Zeus, Hades, Kronos at Pan ang mga nakahandusay na mga katawan, duguan, ang iba ay
wala na ang ibang parte ng kanilang katawan. Nakita kong ayaw tumingin ni Zeus.
Ang iba ay nilalagay na sa stretcher, ang iba ay tinatakpan na ng kumot upang iburol. Mabuti naman at walang
nasaktan sa malalapit sa akin. Ang tangi ko na lamang pinagaalala ay ang aking pamilya sa mortal na mundo at
si Poseidon, ano na ba ang ginawa nila sa kanya? Si Nathan, este, Pan ba ang makakatulong sa amin?
Muli nang nagkaroon ng magical barrier ang taas ng Olympus. Patuloy pa rin ang pagpapatrol ng mga warrior
at mga pegasus sa ere.
Tahimik lamang si Pan, ang kanyang usual self. Pag tinitigan ko siya ay para bang may tumutunog na flute
at may vines na lumalabas sa kanyang likuran. At ang kanyang mukha ay parang nagiging elfish.
"Halika kayo.", anyaya ni Kronos.
Pumasok kaming lahat sa throne room at nakita ang ilang warriors na tumatakbo para magreport, para gamutin
ang ilan at para magbigay ng nectar at ambrosia. Kaming lima ay pumunta sa may tabi ng hearth. Sa aking
paglingon lingon ay nakita ko si Athena at Ares, wow, nandito na sila? Nasa harap sila ng isang mahabang mesa,
may hawak silang blueprint at tila naguusap ng stratehiya.
"Ngayon, sabihin mo sa kanila.", sabi ni Kronos kay Pan.
Umubo si Pan at nagsalita "Marahil ay naaalala niyo na ako ngayon."
"Oo nga, kakaiba, bakit noong dati kitang nakita ay parang wala man lang akong naramdaman mula sa yo. Pero
ngayon nang sinabi mo kung sino ka, bumalik ang alaala ko tungkol sa iyo.", sabi ni Zeus.
BINABASA MO ANG
Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book III
FantasyKatapusan na ba ng Big Three at ng buong mundo ng Greek mythology? Nang makatanggap si Amber ng propesiya ng katapusan ay muli niyang nakasama sina Zeus, Poseidon at Hades. Pero hindi magiging madali ang lahat, isang army ng kalaban ang nagsisimulan...