Fighter Ynna

102 2 1
                                    

Chapter 12

Ynna's POV

"Miss me?" patayan na kung patayan.

Nakatayo sya sa harapan ni patrice. Habang pinapako nya ang mga kamay nito sa silyang inuupuan. Kung sa ibang pagkakataon ko pa ito nakita siguro nagsisigaw na ako sa takot. Pero hindi ngayon ang oras para sa takot.

Humarap saakin ang killer na may clown na maskara at nakahood. Old style na suot ng mga killer sa palabas pero wala kami ngayon sa palabas.

Napayoko ako agad ng biglang ibato nito ang martilyong hawak nya. Dumiretcho sa labas ang binato nya. Muntikan na yun. Pagkaangat ko ng ulo ko ay tumatakbo na ito palapit saakin.

Agad naman akong tumakbo palabas. Sinusundan parin ako nito. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo . Alam kung nakasunod parin sya kaya hinanda ko na ang plano ko.

Huminto ako at humarap sa kanya sabay takbo palapit sa kanya. Kinuha ko ang kutsilyong dala ko sabay tutok sa tyan nito. Hindi nya siguro inaasahan nagagawin ko yun kaya napahinto sya pero bago pa sya makagalaw ulit ay bumaon na sa tyan nya ang kutsilyong hawak ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit kasabay ng pagbabaon ko pa lalo sa patalim na hawak ko.

"Hindi mo na kami mapapatay pa!!"

Pero di ko pala namalayan na may hawak syang kutsilyo. Na dahilan para masaksak nya rin ako sa aking tyan.

" Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!! " sigaw ko.

" Sabay tayong mamatay Ynna hahahahaha " bulong nito saakin.

Napahiwalay ako sa kanya at napahawak sa aking tyan. Ang raming dugo ... sobrang raming dugo. Napahiga ako sa sahig. Tinignan ko ulit sya ... Nasan na sya?

Nakatakas pa sya? bwesittt !!!

Habang tumatagal ay lumalabo na ang paningin ko. Pero bago pa ako napapikit ay naanig ko pa si zen na palapit saakin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Zen's POV

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon... nakikita ko ngayon ang duguan si ynna. Nakahandusay sa sahig.

"Ynna ... ynna "

Agad agad kong nilapitan ang katawan nya. Hinawakan ko ang pulso nya... Buhay pa sya. Binuhat ko sya na para bang bagong kasal kami. Shitt ang raming dugo na ang nawawala sa kanya. Tumakbo na ako pabalik sa kanila. Kailangan naming maagapan si ynna.

Makalipas ng ilang minuto ay nakabalik na ulit kami sa dormitoryo.

"ZEN !! ANONG NANGYARE?" jason.

"Di ko alam.. na.. nakita ko lang sya na duguan malapit sa lumang library. Kinalaban nya siguro yung killer." paliwanag ko.

"Tian , kunin mo yung first aid kit. Pati maligamgam na tubig."

"Sige .. " sabay takbo ni christian palabas ng kwarto.

"Jason, masyadong marami ng nawawalang dugo sa kanya. Baka kung mapano sya."

"Ganun din ang inaalala ko. Pero paano natin sya gagamutin. Wala tayong gamit. Kailangan natin syang madala sa hospital."

"Na imposible naman nating magawa. Kailangan nating makahingi ng tulong."

Kailangan may gawin na ako. Hindi ito ang inaasahan ko.

"Jason, ikaw na muna bahala kay ynna. May gagawin lang ako."

Hindi ko na pinatapos magsalita si jason at agad na akong lumakad palabas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Third Person's POV

Hindi nya inaasahan na kakalabanin sya ni ynna. Parehas silang sugatan ngayon. Pero agad nya ring naagapan kaya't hindi ganun karami ang nawalang dugo sa kanya. Wala sa plano nyang patayin agad si ynna. Mas gusto nyang unahin muna ang malalapit na kaibigan nito para mas masakit ang mararanasan ni ynna. Matatapos agad ang plinano nila pag nagkataon.
Naghahanda na sya muli pabalik papunta kay patrice para tapusin na ang buhay nito ng biglang bumukas ang pinto.

"Bakit mo sinaksak si ynna? Wala sa plano natin yun."

"Hindi ko sinasadya. Nabigla rin ako. Sinalubong nya ako ng patalim. Ano gusto mong gawin ko mapatay nya ako? HAHAHAHA uunahin ko na lang sya bago nya ko mapatay."

"Pero ikaw muna ang uunahin ko kapag may nangyareng masama kay ynna."

Hindi na nakaimik ang isa. Lumabas na ang kasama nya paalis. Habang sya naman ay hindi makapaniwala na kayang traydurin ng kasama nya. Kaya may naisip syang plano.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ynna's POV

Sobrang sakit ng sugat ko sa tyan. Ramdam kong bagong tahi pa lang ito. Nanghihina ako... di ako makagalaw. Biglang bumukas ang pinto (Booogshhh)

Hila hilang pumasok sila Zen at Marco ng isang taong kamaskarang puti na puno ng dugo. Hawak nya pareho sa batok sila. Tinulak nya ito pabagsak sa sahig.

Napatayo ako agad. Ahhh.. pakiramdam ko bumuka yung sugat ko.

" Kamusta Ynna? HAHAHA ngayong araw meron kang isang pagsusulit na gagawin. Sa dalawang ito, sino ang gusto mong mabuhay sa kanila? " sabay labas ng itak.

Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila. Parehas silang importante sa buhay ko.

" Ynna , ako piliin mo. MAHAL NA MAHAL KITA YNNA! mag umpisa tayong muli." marco.

"Ako ynna, ako ang piliin mo. Diba mahal mo parin ako? diba? ynna ipagpatuloy natin ang nasimulan natin." zen

" Ze..zen.. Mar..co.. ??" Di ko alam kung sino pipiliin ko sa kanila.

"Tagal mo pumili. Para mabilis parehas na lang silang mamamatay" sabay taga nya sa ulo nila zen at marco na dahilan ng pagsirit ng mga dugo sa kwarto.

" HIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINDIIIIIIIIIIIIIIIIII!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEATH TESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon