CHAPTER 5
Zen's POV
Kung tatanungin nyo ako kung ano ang ginagawa ko? Nakatingin lamang ako kay Ynna . Sa totoo lang di ko naman niloloko si Ynna ee, Mahal na mahal ko yun! Ang kaso yung malanding si Patrice ay bigla akong tinulak papasok sa CR ng mga babae nung dumaan ako dun. Di ko inaasahan na nandoon pala si Ynna sa loob ng cubicle at tamang pagkabukas nya ay bigla na lang ako hinalikan ni Patrice.
Kahit anong gawin ko'ng pagpapaliwanag ay di nya rin naman ako papakinggan. Pero di ibig sabihin nun ay susuko na ako sa kanya. Gagawa ako ng paraan para maging kami uli.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ynna's POV
" Okay Class! nandito na tayo sa destination natin " Sir.
" Haha ano to FINAL DESTINATION " Manolo.
" Why not? " Jc.
" Anong why not? Its not a funny joke Jc and manolo... ' weirdo' " Pagrereklamo ni Patrice.
Kahit kailangan talaga ang arte nyang si Patrice na yan (-_- ") .
" Okay! ihinto nyo na yang bangayan nyo at bumaba na tayo " Pag-aawat ni sir sa kanila.
At kagaya ng sinabi ni sir bumaba na kami.
-____________-
0___________0
Woahhh talaga bang ito yung University? Sobrang laki naman at ang ganda pa.
" Alam nyo wag na kayo magtaka kung bakit ganyan ka laki ang cullens university. Aside sa isa syang school ay may mga kwarto rin jan para sa mga estudyante in short Cullens University is a Boarding School " paliwanag ni sir.
Ahhh kaya pala! pero wow lang ha, sobra naman ata ito sa inaasahan namin.
Pinasunod kami ni sir sa kanya at nakarating kami sa gymnasium.
" Okay class! as you can see tayo tayo lang ang nandito. September pa ang pasukan ng mga estudyante dito kaya naman mas malaya tayong libutin ang buong school pero hahatiin ko kayo sa 3 grupo para sa darating na mga araw ay may katuwang kayo sa mga activities natin and also yan din ang mga magiging kasama nyo sa Room na tutulugan nyo " sir.
" Group 1 : Patrice, Julia, Janna, Manolo, and Jc.
Group 2: Jason, Christian, Kylie, Gerlain, and Sharry.
And Group 3: Clark, Zen, Ynna, Jessa, and Alyssa. " sir.
Nice roommate ko si bess ^_^ .
" Uyy bess! roommates tayo. " Jessa.
" I know bess ! twitte na this " agad kung kinuha ko yung phone ko para mag twitte.
" Hala bat walang signal? " ako.
Kinuha rin ni Jessa yung phone nya para tignan din kung may signal ang phone nya.
" Wala rin sa akin bess " malungkot nyang sabi.
" Hayss hayan mo na lang bess, hanap na lang tayo ng signal mamaya " sabi ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Third Person POV
Pinapunta na sila sa kanilang grupo pero sya ay di pa rin pumupunta sa kwarto nila.
Nakatago sya sa likod ng hagdan at tilang may inaabangan syang dumaan para maumpisahan na ang plano nya.
Mamaya pa ay dumaan si manolo. Kinalabit nya ito, Di alam ni Manolo na may hawak pa lang baseball bat na hawak ito.
" Oh! anong ginagawa mo dito? pinapapunta tayo ni sir sa auditorium. " Manolo.
Tinanguan nya lang sabay hampas ng hawak nyang baseball bat sa ulo ni Manolo. Nawalan ng malay si Manolo kasabay ng pagdugo ng ulo nya.
Hinila naman ng salarin ang katawan ni manolo at dinala ito sa loob ng basement.
" Down 1 ,13 mores to go hahahaha " Bulalas nya.
BINABASA MO ANG
DEATH TEST
Mystery / ThrillerSi Ynna ay babalikan ng nakaraan nya at iisa-isahin sila ... pero ang gumagawa nito ay malapit lang sa kanya ! Kakayanin nya kaya ang kototohanan kapag nalaman nya kung sino ang pumapatay ? :D