Run, Run, Swim

117 4 6
                                    

CHAPTER 6

Third Person POV

Matapos hilain ng salarin ang katawan ni Manolo papuntang basement. Kinuha nya ang karayom at sinulid.

Dahan dahan nyang tinatahi ang bibig ni Manolo. Hindi pa rin nagigising si Manolo. Patuloy na dumudugo ang ulo at bibig ni Manolo.

At bago pa magising si Manolo ay inilipat na sya ng salarin sa loob ng isang malaking kulungan ng Aso. Nasa gitna ito ng Swimming pool kung saan ito ay nakalambitin.

Matapos naman mailagay ng salarin si Manolo sa pwesto nito ay agad na syang pumunta sa Auditorium.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ynna's POV

Nandito kami ngayon sa loob ng auditorium. Pinapunta kasi kami ni Sir para daw ipakilala yung teacher na magbibigay ng mga test at activities daw saamin.

Lahat kami nasa loob na ng auditorium pero si Sir wala pa. Maya-maya pa ay may isang babaeng sa tingin ko mga nasa 20-23 years old pa ito.

Umakyat sya sa gitna ng stage at inabot ang microphone.

" Okay class! I know you don't know me that's why I will introduce myself. I am Ms. Margaux Lim your watcher for 5 days. Ako ang magbibigay ng mga test and activities and also ako ang magbibigay ng grade sainyo para makapasok kayo sa CUSSP ( Cullens University Scholar Students Program ) . So I expect na lahat kayo ay magagaling at matatalino " Pagpapaliwag ni Ms. Lim.

Maya maya lang ay biglang nag open ang malaking monitor. Naagaw nito ang aming atensyon pati na rin si Ms. Lim.

Nagulat kami saaming nakita . May isang lalaking nakakulong sa loob ng malaking kulungan ng aso at nakalambitin ito sa gitna ng pool. Si--

" Si Manolo yun diba? " sigaw ni Jc.

" Oo nga noh! " pagsangayon nila.

Takang taka kami kung ano ang nangyayari. Pero meron akong napansin, bakit naka--

" Ahhhhhh!!  oh my god guys tignan nyo yung bibig ni manolo, nakatahi! " sigaw ni Janna.

Oh my god!  Oo nga noh! shitt whats going on? Maya maya pa ay biglang tumunog ang speakers.

* Hahaha di na ba kayo nagsasawa sa puro test? Ayaw nyo bang subukang mag pawis naman kayo at mapagod!  nakakasawa na kasi na lagi na lang kayong nakaupo at pinipiga nyo yang mga utak nyo *

Gulong-gulo na talaga kami sa nangyayari.

" Kung sino ka mang letche ka itigil mo na to!  Hindi magandang biro tong ginagawa mo! " sigaw ni Ms. Lim.

* Hahaha sana lang talaga nagbibiro ako! pero hindi *

Naging seryoso ang boses nito.

* Para sainyong unang pagsubok. Gusto kung malaman kung sino ang marunong lumangoy sa inyo?  *

Walang nagtangkang magsalita.

* Ayaw nyong magsalita *

Nagulat kami ng biglang bumagsak yung kulungan kung saan naka paloob si Manolo palubog sa pool.

" Shitt " sigaw ni Zen.

Bigla naman itong tumakbo palabas. Agad din naman sinundan nila Christian at Jason si Zen.

* Ipagdasal nyong mas mabilis pa sa kidlat yang kasama nyo . And one more thing sana alam nila na nasa loob ng auditorium ang susi ng kulungan *

F*ck!  Oo nga paano nila yun mabubuksan!. Agad naman naming hinagilap ang susing sinasabi nya.

Pati na rin si Ms. Lim Tumutulong na rin.

F*ck wala na kaming oras.

" Guys nakita ko na! " sigaw Alyssa.

Agad naman kaming nagtakbuhan papuntang pool. Medyo naligaw kami dahil di namin alam ang pasikot sikot . Buti na lang tinulungan kami ni Ms. Lim na makapunta doon.

Pagdating dun ay nasa ilalim ng pool sila Jason at Zen habang si Christian naman ay nag aabang sa gilid ng pool.

" Tian!  tumalon ka dun at gamitin nyo tong susi " utos ni Jessa.

Agad namang hinablot ni Christian yung susi at tumalon agad sya sa tubig.

Maya maya pa ay umahon na sila sa tubig kasama si Manolo. Nagsilapitan kaming lahat para tignan si Manolo. Mukhang wala na tong buhay.

Gusto sana namin syang iCPR kaso nakatahi ang bibig nya. Nabalot ng lungkot at takot kaming lahat. Kanya kanya kaming iyakan.

Bigla ulit tumunog ang mga speakers.

* Tss sayang! naligtas nyo na sana sya kung sinunod nyo lang ako ee. Tss by the way bumalik na kayo sa loob ng auditorium at sasabihin ko sa inyo ang susunod na gagawin nyo *

" TIGILAN MO NA KAMI " sigaw ni Julia.

* Oh! julia wag ka ng magalit. Sige ka pag ako nagalit di nyo na makikita sila Jc at Patrice *

Agad namang hinanap ng mata namin si Jc at Patrice. Wala na nga sila! f*ck!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[A/N: Okay ba UD ko ngayon? haha hintay na lang sa next UD ko ]

DEATH TESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon