CHAPTER 4
Ynna's POV
*Kring! Kring! Kring!*
Nagising ako agad dahil sa tunog ng alarm ko. Alas 6 na ng umaga. Nag-unat muna ako bago tumayo.Ngayon pala ang alis namin papuntang CULLENS UNIVERSITY.
Inihanda ko muna ang mga gagamitin ko sa loob ng 5 araw.Pagkatapos ko'ng mag-ayos ng gamit ay dumiretcho na ako sa CR para maligo.
Habang naliligo ako hindi ko pa rin mapigilang mag-isip kung sino yung nagpadala ng sulat. Bakit nya ako pinadalhan nun? Natatakot akong isipin na baka may masamang balak ang pamilya ni marco/coco saakin. Di ko naman kasi sadyang iwan sya, nagkataon lang na hindi ko na sya gusto. Alam ko'ng parang asama ng tingin nyo sa akin pero anong magagawa ko ee mas mahal ko na si Zen nung mga panahong iyon.
Natapos na rin akong naligo . Matapos ko'ng magbihis ay bumaba na rin ako para mag almusal. Pagkababa ko dun ay agad ko'ng nakita si Kuya Carl na naghahanda ng pagkain.
" Goodmorning kuya! " bati ko sa kanya.
" Good morning din! " bati nya rin sa akin.
" Ayy.. kuya Carl hatid mo pala ako sa school ah. Baka kasi malate pa ako pag nagcommute pa ako " ako.
" Okay!" pagsangayon nya.
Agad-agad ko'ng tinapos yung pagkain ko. Mag aalas-8 na nung umalis kami sa bahay. Tamang tama pag dating ko dun ay nandun na yung mini bus na sasakyan namin.
" Bye kuya! tawag na lang ako pag nakarating na kami dun" ako.
" Okay! mag behave ka dun. Iwan mo muna yang pagiging stubborn mo " Kuya Carl.
" Aww.. grabehh naman nang asar kapa paalis na nga lang ako -_- " ako. Grabe lang ah. Napaka supportive nyang kapatid.
" Ynna! aalis na tayo! " Paalala sa akin ni Jc. Napatingin ako sa kanya at nag approve sign na lang ako.
" O sige kuya ! we have to go now " Paalam ko.
" Okay! Bye! " kuya.
Pagkatapos nun ay dumiretcho na ako sa loob ng mini bus.
~~~~~~~@Mini Bus~~~~~~~~~
Pagpasok ko dun ay ako na lang ang hinihintay. Tatabi sana ako kay Jess kaso katabi nya na yung kuya nya. Naghanap na lang ako ng ibang mauupuan at ang vacant na lang ee yung upuan ni Jc. Well okay lang naman kung tabihan ko sya mabait naman sya, weirdo nga lang.
" Uhm.. jc pwede ba ako umupo sa tabi mo " ako.
" Sure ! " Masigla nyang pagsang-ayon.
Agad naman akong umupo sa tabi nya.
" Thanks talaga Jc " ako.
" Haha parang yun lang :D " jc.
Nagkwentuhan lang kami ni Jc. So far di naman pala sya ganun ka weird and guess what marami rin pala kaming similarities like Favorite foods, movies, music, and even colors. Nung bandang nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang nakipagpalit sa akin si kuya jason. Ako na lang daw ang tumabi kay jess. At pagkaupo ko pa lang ay agad na akong nasalang sa hot seat.
" Tell me the truth you like jc noh? why are you so happy kanina? Haha emeged inlove na ulit si bespren ko ^__^ " agad na bungad sa akin si Jess pag-upo ko pa lamang.
" Inlove ka jan? Di pwedeng friends muna? inatake ka na naman na kabaliwan mo :P " ako.
" 4r4y qu Bh3 ! baliw agad? haha matulog ka na nga lang jan pero mamaya magkukwento ka ha! " Jess.
Haha sya rin unang sumuko haha. At kagaya ng sinabi nya ay natulog na nga ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Third Person POV
Di nya maiwasang di mapangiti. Handang handa na sya para sa plano nya. Tinignan nya si Ynna 'Dont sleep my dear, maybe you can't wake up anymore' Isip-isip nya.
BINABASA MO ANG
DEATH TEST
Mystery / ThrillerSi Ynna ay babalikan ng nakaraan nya at iisa-isahin sila ... pero ang gumagawa nito ay malapit lang sa kanya ! Kakayanin nya kaya ang kototohanan kapag nalaman nya kung sino ang pumapatay ? :D