Chapter 10
Ynna's POV
Pakiramdam ko sobrang sakit ng katawan ko . Di ko man lang magawang maidilat ang mga mata ko .
" Okay na ba sya ? bat hanggang ngayon di pa sya nagigising ? " nag-aalalang tanong ni zen.
" Oo , nasa mabuti na ang kanyang kalagayan . Tumama lang siguro yung katawan nya sa pader nung naganap ang pagsabog " tugon ni Kuya Jason.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata...
" A..a..anong nangyari ? Aww.. " Daing ko.
" Teka lang wag ka muna gumalaw , medyo masama yung pagkakatama mo sa pader . Magpahinga ka muna " Payo ni kuya jason .
" Ano ba kasi nangyari sayo ? anong ginawa mo sa kusina at bat sumabog yung oven ? " nag-aalalang tanong nila.
Kung di ako nagkakamali ... hinabol ako kanina nung killer . Oo , tama hinabol nya ako tapos nagtago ako dun , tapos sumabog yung oven ... teka...
" Yung killer ? nasaan yung killer ? " tanong ko sa kanila .
"Ha? anong killer ? saan ? " nag-aalalang tanong ni zen saakin.
" Kanina ... hinabol ako ng killer kaya nagtago ako sa kusina . Kahit na sa loob na ako alam kong makakapasok rin sya mamaya kahit ilock ko pa. Kaya naghanap ako ng panglaban sa kanya pero wala akong mahanap. Wala na akong ibang maisip kaya nilagay ko na lang yung nakita kong color spray sa loob ng oven at in-on ko ito sabay tago sa loob ng storage room . Bago pa nya ako mapatay sumabog na yung oven kaya nasaan na yung killer ? yung katawan nya ? sa lakas ng pagsabog alam kong di sya makakaligtas dun ! " natataranta kong paliwanag.
" Pero wala na kaming ibang nadatnan dun bukod sayo "
" Pero wala na kaming ibang nadatnan dun bukod sayo "
" Pero wala na kaming ibang nadatnan dun bukod sayo "
" Pero wala na kaming ibang nadatnan dun bukod sayo "
Tila parang sirang plaka itong nagpaulit-ulit sa isip ko. Papaano ?
" H-h-hindi ma-a-ari ... papaano ? Hindi pwede ! PINATAY KO NA SYA ! yung hayop na yun ! PINATAY KO NA SYA ! ALAM KO YUN " Nagwawala na ako sa sobrang pagkadismaya.
" Huminahon ka lang ... ynna humihon ka lang " pagpapakalma saakin ni jessa.
Hindi talaga maari ... bakit pa kasi kailangan pa saamin ito mangyari .
" Ang mabuti pa magpahinga ka muna bess , wag ka mag-alala dito lang ako sa tabi mo " jessa.
" Maraming salamat bess " at unti-unti ko ng pinikit ang aking mga mata . Kakayanin namin to !
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Third Person's POV
Nanghihinang naglalakad ang salarin . Maraming dugo na ang nawawala sa kanya gawa ng nangyaring pagsabog . Habang naglalakad sya ay di nya alam na nakasunod pala sa kanya yung kasamahan nya pangpumapatay .
" Psst .... "
Nilingon nya ito . Ngunit wala naman . Humarap na sya para magpatuloy sa paglalakad ng biglang ...
" Ang sabi ko sayo wag mong sasaktan si ynna ! " sabay hampas ng itak sa ulo nya.
Bumulagta ang katawan nya. Di na nag-atubiling itabi ang katawan nya at iniwan na lang sya nito habang naliligo sa sarili nyang dugo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ynna's POV
Maghahapon na nang magising ako. Pagmulat ko ay nakita ko naman ang mga kasama kong mahimbing na natutulog . Ramdam ko na ang gutom kaya tumayo na ako , ayoko naman na gisingin pa sila dahil alam kong napagod sila sa kakabantay saakin.
Tumayo ako at dumiretcho palabas ng kwarto . Bigla na lang sumagi sa isip ko yung nangyari kanina . Nasaan na sya ? Kaya di na ako nag-alangan na pumunta muli sa kusina para icheck ko kung talagang wala na ang katawan ng killer . Pagdating ko dun naabutan ko ang isang magulong kusina ... talagang grabe ang pinsala ng nangyaring pagsabog na yun kaya magatataka ka talaga kung meron pangmakaligtas mula dito na nangyari pa talaga sa harapan nito.
Dugo ? merong mga bakas ng dugo sa sahig ... papunta ito sa may bintana . Di na ako nag-alangang sundan ito . Alam kong di yung nakaligtas . Habang sinusundan ko ito ay tila ba nanigas ang katawan ko saaking nakita .. Nakahandusay sa sahig ang katawan ng killer , wala ng buhay . Dahan dahan akong lumapit rito . May taga sya sa ulo ? Nang makalapit na ako ay di na ako nagdalawang isip na tanggalin ang maskara nito . Sino ba sya ?
Laking gulat ko ng matanggal ko ang maskara ..........
" MS. LIM !!! "
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[ A/N: waaahhhhhhhhhhhhh ! sorry talaga sa sobrang tagal na update :D busy po kasi ako sa school ee ... sorry ^_^V ]
♥vote♥comment♥be a fan♥
BINABASA MO ANG
DEATH TEST
Mystery / ThrillerSi Ynna ay babalikan ng nakaraan nya at iisa-isahin sila ... pero ang gumagawa nito ay malapit lang sa kanya ! Kakayanin nya kaya ang kototohanan kapag nalaman nya kung sino ang pumapatay ? :D