Chapter 11
Ynna's POV
Di ko alam kung dapat ba akong maawa o mainis sa nakikita ko ngayon. Biruin mo yung taong dapat na nag-aalaga saamin ay yung pang naging dahilan ng aming muntikang kamatayan.
Bakit naman ito gagawin ni Ms.Lim ? Anong kasalanan namin ?
Matapos ang mahigit kalahating oras ay natauhan na rin ako.
Wala na si Ms.Lim ibig sabihin wala ng killer.
Agad akong tumakbo pabalik sa dorm. Yes , buti naman at ligtas na kami . Pagpasok ko dorm ay dumiretcho na ako sa kwarto para sabihin sa kanila ang balita .... pero pagkabukas ko pa lang ng pinto ay may tumambad na sa aking kalunoslunos na pangyayare.
Nakatiwarik ang katawan ng isang babaeng tinuturing ko ng kapatid.
Bakit? bakit sya pa?
Wakwak ang leeg at halos bumaha na ng dugo sa na nagmumula sa hiwa sa leeg nya.
"J-j-je-jessa " puno ng hinagpis kong bigkas.
Parang sirang gripo ang mata ko dahil sa pag-agos ng aking mga luha . Wala na sya ... wala na ang matalik kong kaibigan.
Habang umiiyak ako ay bigla na lang may sumagi sa isip ko... sino ang may gawa nito? Patay na ang killer . Papaano nangyare to?
Paano? Bakit? Hindi ko na kaya ...
"Aaaaaahhhhh" bakit ? bakit saamin pa to dapat mangyare.
"Ynna ba.." di na natuloy ni kuya jason ang sasabihin nya ng makita nya ang katawan ng kapatid nya.
"JEEEEEEESSA" hinagpis ni kuya jason.
Dumating na ang iba naming kasama. Kagaya namin parehas lang din kami ng reaksyon. Kahit sino di makakayanan ang nakikita namin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ibinaba nila christian at zen ang katawan ni jessa. Habang si kuya jason ay di parin makapaniwala sa nangyare. Kahit ako ay di parin makapaniwala na wala na si jessa... na tinuring ko ng kapatid... na naging kasangga ko nung mga panahon na malungkot ako.
Ngayong wala na sya... di ko na alam kung kanino pa ako kakapit. Sino na ngayon magpapakatiwalaan ko sa mga sikreto ko. Wala na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Day 2
Pausbong pa lang ang liwanag ng magising ako. Nakatulog pala kagabi sa kakaiyak dahil kay jessa. Parang kahapon lang binabantayan nya ako.
Samantala sya di ko man lang naprotektahan. Pero paano nga ba naiwang mag isa si jessa? nung umalis ako magkakasama pa sila. Paano umalis sila kuya jason na hindi kasama si jessa.
Tumayo na ako at lumabas sa silid. Nandito parin kami sa dormitoryo. Pero nilagyan na namin ang mga bintana at mga posibilidad na daanan ng salarin.
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko agad si zen na nakatayo sa tapat ng pinto ko. Lumingon sya saakin.
"Ano ginagawa mo dito? Nasaan na sila? " tanong ko sa kanya.
"Umalis sila jason at christian. Ang sabi nila bantayan daw kita baka raw bumalik ang killer" sagot nya.
"Ahh ganon ba? Saan naman sila pupunta? "
"Kuha lang daw sila ng makakain natin. Halos buong araw tayong walang kain kahapon. Kailangan nating magpalakas para kung sugurin man tayo ng killer ee makakapalag tayo" paliwanag nya.
Sa sobrang takot namin na baka mapatay kami ng killer. Nakalimutan na tuloy namin kumain. Pero dahil sa mga nangyare hindi na namin naramdaman ang gutom.
"Nasaan na kaya yung iba? patay na rin ba sila?" bigkas ko.
"Siguro ... Baka ... basta mahirap malaman lalo na kung hindi parin natin alam kung sino ang salarin" sya.
"Ang sigurado ako na hindi lang sya nag iisa" ako.
"Ha? bakit mo nasabi? " naguguluhang tanong nya.
"Kahapon. Yung taong gustong pumatay saakin. Nakita ko sya. Wala ng buhay. At si Ms.Lim yun"
"Ha? si Ms.Lim ? papaano?" Maski sya ay di rin makapaniwala.
" Oo alam kung naguguluhan ka rin. Pati rin ako hindi makapaniwala pero yun mismo ang nakita ng dalawang mata ko" pagpapaliwanag ko sa kanya.
" Pero... bakit?? bakit nya saatin gagawin to?" litong tanong nya.
" Hindi ko rin alam. Pero sa tingin ko may dahilan kung bakit nangyayare saatin ito ngayon. At aalamin ko yung rason." lumakad ako palayo sa kanya.
" Saan ka pupunta?"
" Aalamin ang puno't dulo nito. Sabihin mo sa kanila pumunta kayo sa old library" sabay dampot ng isang matalim na kutsilyo sa sahig. Sapat na tong proteksyon.
" Pero Ynna... Delikado! sasama ako"
"Wag na ... please zen ! dito kana lang. Aalagaan ko ang sarili ko"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito na ako sa tapat ng lumang library. Kung tama ang hinala ko makakakuha ako ng sagot dito at sisiguraduhin kong makakaalis rin kami dito.
Papasok na ako ng biglang may narinig akong sigaw.
.
.
.
.
mula sa loob.
Hindi ko na hahayaan pang may pahamak saamin. Hinanda ko na ang sarili ko. Buong lakas kong sinipa ang pinto.
(Booogsh)
" Miss me? " patayan na kung patayan.
BINABASA MO ANG
DEATH TEST
Mystery / ThrillerSi Ynna ay babalikan ng nakaraan nya at iisa-isahin sila ... pero ang gumagawa nito ay malapit lang sa kanya ! Kakayanin nya kaya ang kototohanan kapag nalaman nya kung sino ang pumapatay ? :D