CHAPTER 2
Third Person POV
Habang nag-aaway sila zen at ynna ay tuwang tuwa naman ang isang taong nagmamasid sa kanila.
" Tama yan! mag-away kayo ng saganon ay wala na ang mga tiwala nyo sa isa't isa " bulong ng taong nagmamasid sa kanila.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ynna's POV
Matapos ng nangyari kanina ay nawalan na ako ng ganang kumain kaya't naisipan na lang namin na bumalik sa room.
Pagdating namin dun ay halos kami na lang pala ang hinihintay. Magkasunod lang din kaming dumating ni zen kasama ang kaibigan nya.
Di ko maiwasang mapatingin sa kanya. Bat ganun? kahit na masakit yung ginawa nya sa akin.. di ko parin maikakaila sa sarili ko na mahal ko pa rin sya <//3
Maya-maya pa ay dumating na rin si Sir jonathan. Yung adviser namin, may hawak syang papel.
" Okay! class may kaunting pagbabago ang magaganap. Dapat bukas ko pa iaannounce kung sino-sino ang mga nakapasa sa test pero ang sabi ng principal ay kailangan na daw bukas makapunta na ang mga Rep. ng school natin para sa Cullens University Scholar Students Program. So as I call your name you can go home and pack your things " Pagpapaliwanag ni sir jonathan.
Hala agad-agad? Nubayan ang bilis naman -_- tss lalo tuloy akong kinakabahan ee. Sana talaga matawag yung pangalan ko.
" Okay ito na yung mga pangalan ng mga nakapasa: Patrice Ortega, Julia Rodriguez, Janna Silva, Jc Orlando, Manolo Racal, Jason Tan, Jessa Tan, Sharry Castillo, Alyssa Borton, Christian Ali, Zen Pedrosa, Clark Vincent, Kylie Perez, Gerlain Dixon, and the last is Ynna Brosas. Congratulations sa inyong labing lima pwede na kayong umuwi" sir.
O______O?? HA! anu daw? talaga bang nakapasok ako? Wehh di nga? seryoso? Wag na kayong magtaka kasi maski ako di rin makapaniwala
^____________^ yesss! mas malaki na ang chance ko'ng makapasok sa CU (Cullens University)
" Uyy Congrats Bess nakapasok ka! " Bati sa akin ni jessa.
" Ikaw din kaya bess nakapasok ka rin! " Sabi ko sa kanya.
At ayun mukha na kaming timang sa sobrang saya. Halos magsigawan kami sa sobrang saya.
" Ladies puputulon ko muna yang celebration nyo at kailangan na nating umuwi " Biglang singit ng kuya ni Jess, si Kuya Jason.Pagkatapos nun ay umuwi na kami para mag ayos ng mga gagamitin namin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Third Person POVKung gaano kasaya ang lahat ay mas doble naman ang saya nya kesa sa iba.
" Lahat ay umaayon na sa plano ko, I can't wait to see them suffering from death " Bulalas nya.
" What the hell are you talking about? inatake ka na naman ng ka weiduhan mo hahahahahaha " Tawa ni Manolo.
Sa isip-isip nya 'Tawanan mo lang ako, Ikaw ang uunahin ko' at nginitian nya na lang si manolo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[A/N: yow! haha guys kapag naka Third Person Pov po yung side ng villain yung sinusulat ko ;) yun lang]
BINABASA MO ANG
DEATH TEST
Mystery / ThrillerSi Ynna ay babalikan ng nakaraan nya at iisa-isahin sila ... pero ang gumagawa nito ay malapit lang sa kanya ! Kakayanin nya kaya ang kototohanan kapag nalaman nya kung sino ang pumapatay ? :D