The Letter

167 3 1
                                    

CHAPTER 3

Ynna's POV

Nakisabay na ako kila Jessa sa pag-uwi. Hinatid nila ako bahay at kalaunan umalis na rin sila.

Pagkapasok ko dun nakita ko si Kuya Carl Marx sa may sala. Nakatingin lang sya sa hawak nyang papel parang nag-iisip sya. Ano kaya yung hawak nya?

" Kuya ano yang hawak mo? " Tanong ko sa kanya.

" Oh! Ynna ang aga mo naman ata? " Tanong nya sa akin.

" Maaga akong nakauwi kasi napasa ko yung test para sa Cullens University Scholar Students Program " ako.

" O___________O " sya.

" Oh! kuyabakit? " Takang taka kong tanong sa kanya.

Tss.Mukhang di naniniwala sa akin si kuya ahh. (-__________- ") tss. Kahit naman din kasi ako ee di rin makapaniwala. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong binuhat.

" Woahh!  Congrats Ynna :D ang galing mo. Ang hirap kaya ng test dun " Tuwang tuwa nyang bati sa akin.

" Thanks Kuya carl ^3^ " tugon ko sa kanya.

" Ayy ynna, may kilala ka bang Marco? May nag-iwan kasi dito ng sulat sa labas ng bahay ee ,para sayo " Natigilan ako sa sinabi nya.

" A-anong si-sinabi nya " Natatarantang tanong ko sa kanya.

" Ikaw nang bumasa " sabay abot nya ng papel sa akin.

Inabot ko yung papel. At nagulat ako sa aking nabasa. ' Ynna malapit na akong bumalik. Magkikita na tayo ' nabitawan ko na yung papel. Di to maari!.

" Kuya naalala mo si coco? " Tanong ko sa kanya.

" Si coco? yung ex mong namatay? oo naman " Sagot nya sa akin.

" Kuya! si-ssi c-o-co at m-ar-co ay iisa lang " ako.

Maski sya ay natigilan din sa sinabi ko. Paano yun nangyari ? matagal na syang patay, di pwedeng buhay pa sya ngayon.

~~~~~~~~~~~~~flashback~~~~~~~~~~~~~~~~

Gabi nun nung pumunta ako sa burol nya. Di ko pa rin matanggap na wala na sya. Pagpasok ko pa lang sa pintuan nila ay nag-umpisa ng nagbagsakan yung mga luha ko. Lumapit ako sa kabaong nya.'bakit sya pa ' yan ang tanong ko sa isip ko.

Habang nakatayo ako sa harap ng kabaong nya. Bigla na lang may sumampal sa akin, paglingon ko nakita yung mama nya pala ang sumampal sa akin. Mas lalo na akong napahagulgol. Di ko sya matignan ng diretso.

" Anong ginagawa mo dito? Ang tigas ng mukha mong magpakita dito " Galit na galit na tanong ng mama ni coco sa akin.

" Tita sorry po " humahagulgol kong pagpapaumanhin sa kanya.

" Sorry? matapos mong iwan ang anak ko sorry lang ang sasabihin mo? NAGPAKAMATAY SYA NG DAHIL SAYO! WINAKASAN NYA ANG BUHAY NYA NG DAHIL SAYO! TAPOS SASABIHIN MO SORRY LANG? ANG KAPAL NG MUKHA MO! UMALIS KANA DITO AT BAKA DI AKO MAKTIMPI AT IKAW NAMAN ANG PAGLAMAYAN NG PAMILYA MO " di ko na kinaya pa ang mga sinusumbat ng mama nya kaya tumakbo na ako palabas.

~~~~~~~~~~~~End of flashback~~~~~~~~~~~~

Di pa rin Ako makapaniwala. Sino ang gumawa nito. Bat nya to ginagawa.Agad-agad akong tumakbo papuntang taas at di ko na napigilang di mapaiyak. Nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko sa kanya.

Di ko na namalayan nakatulog na pala ako kakaiyak.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Third Person POV

Nakatayo sya ngayon sa puntod ng kapatid nya. Di nya mapigilang di mapaiyak.

" PAGHIHIGANTI KITA MARCO! IPAGHIHIGANTI KITA " bulong nya sa kanyang sarili habang umiiyak.

DEATH TESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon