This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Simula
Hindi naman natin maikakaila na nagkagusto na tayo sa isang tao. Lahat naman tayo ay may nagugustuhan na lalaki o babae. It's normal, right?
My eyes are glued to the swarm of people that were chitchatting, drinking wine, and busy introducing their children to some known people.
I'm sitting at my bay window overlooking our front yard. Medyo marami ang mga tao. It's my mom and dad's wedding anniversary. They invited a lot of important and notable people here in Negros and a little in Iloilo.
Ricote's known because of my papa. He had a lot of projects concerning houses and buildings. He's a renowned engineer not just in Negros but also in Iloilo.
He's the reason why my Kuya Nathanielle took Civil Engineering as a course in college. He's happy, of course. Kasi ang kauna-unahang anak nito ay sumunod sa yapak niya.
And he's quite disappointed in me. I remembered our talk about which path I would choose in college.
"Ikaw, Nadia Maria, anong gusto mong kunin sa kolehiyo?" tanong nito sa akin. Sa tono nitong pagkahambog ay alam kong inaasahan nito na susunod ako sa yapak niya.
I felt my Mama Ada's hand on mine. Tumingin ako sa kanya at isang ngiti ang nasa mukha nito. Na parang nag-udyok na huwag akong matakot sa kung anong daan ang tatahakin ko.
Nilunok ko muna ang nginunguyang pagkain at binigyan ng tingin ang papa.
"Gusto ko pong tumulong sa nakakarami... kaya gusto ko sanang kumuha ng Nursing," sabi ko dito.
Marahas na binitawan nito ang kubyertos. There. The disappointed was painted on his face. Bumuga ito ng marahas na hininga.
"Frederico Roy!" my Mama Ada spat angrily.
"What, Ada Julia? Kinukunsinti mo naman itong anak mo! Alam mo naman na hindi 'yan nagta-top sa klase at ano?! Ipapakuha mo sa kanya ang Nursing? Ikakahiya lang ng pamilya natin pag 'yan binalita na hindi nakapasa!" tumayo ito at mabilis na lumisan ng kusina.
"E, alam mo naman pala na mahihirapan itong si Nadia, bakit mo pa ipapakuha sa kanya ang Civil Engineering na kurso?!" pahabol na sigaw ni Mama Ada.
Marahil nakalayo na ng tuluyan ang Papa Frederico dahil hindi ko na iyon narinig na sumagot. Gano'n naman palagi. Pag nag-aaway sila ni Mama, ito ang parating nauunang umalis.
"Ma, tama na. Pag-iisipan ko na lang po sa mga susunod na araw. Meron pa naman akong ilang taong natitira, baka magbago pa ang isip ko," sabi ko dito.
"Pagpasensyahan mo na ang papa mo, Nadia. Pinangangalandakan kasi sa mga kakilala at kasama na kukuha ka ng inhinyero. Ayaw sigurong mapahiya 'pag lumihis ka ng kurso."
Hindi na ako sumagot. Hindi lang iyon, marami pang ibang pagkakataon na binubuksan nito ang topic tungkol sa kurso. Kahit sa mga party ay ganoon din. Pinapakilala ako sa mga kaibigan nito na susunod sa kanya at kay kuya, at maging tanyag na pamilya kami na kumuha ng arkitektura at inhinyero.
I sighed. I smoothen the wrinkles of my dress. I just want to sit here all night and watch how people get busier and busier in our front yard.
I'm only thirteen years old. Pero bakit nasa balikat ko na ang mundo? Akala ko sa unang anak iyon binibigay. Bakit ang kuya ko hindi ko man lang nakitaan na naghirap ito sa pagpili ng desisyon sa buhay nito?
BINABASA MO ANG
Pain of the Past (Lacson Series #2)
RomanceSanay sa karangyaan si Nadia. Ang mama at nakakatandang kapatid na lalaki ay payag sa kahit na anumang luho nito. Pero isang tao, ang papa nito, ang ayaw na ayaw itong palakihin base sa kung ano ang gusto nito. He wants his only daughter to follow h...