Chapter 28: Visit

158 7 0
                                    

BLYTHE'S POV

Nakaabang na kami dito na dumating yung apat na assholes, mixed emotions ako ngayon...andun yung "saya" dahil makikita ko na ulit ang mga yun, "kaba" dahil di ko alam kung paano sasabihin sa kanila na okay na kami ni Keiden at dahil di ko alam ang magiging reaction nila, "excitement" dahil di ko pa naranasan yung hiking stuff tapos bukas mangyayari na at gustong gusto ko na din mamili ng mga needed para dun.

AUTHOR'S POV

Makalipas ang ilang minuto ay nakita na ni Keiden at Blythe ang apat na assholes na palapit at mukhang hinahanap na sila ng mga ito kaya naman dali-dali nila itong nilapitan...nagyakapan silang lahat dahil sa labis labis na tuwa dahil sa muli nilang pagkikita. Pagkatapos ng dramahan session nila HAHAHA, umuwi na ang mga ito patungo sa mansion. Nang narating na nila ang kanilang tahanan ay nag-unahan silang anim sa pagpasok sa pinto...mga may saltik kasi talaga ang mga ito kapag nagsama kaya pagpasensyahan niyo na. Kaya ikaw na nagbabasa, kung miss mo ang samahan nila dati aba'y ito na ang para sayo...mas may ibabaliw pa po sila sa mga susunod pang kabanata. Back to the present pfft, lumapit agad ang apat na assholes sa sofa at humiga...sinabihan ng mga ito si Keiden at Blythe na hayaan muna silang magpahinga dun ng konti dahil medyo pagod sila at masakit ang ulo dahil sa biyahe---kaya naman hinayaan nalang nila ang mga ito doon. Napagdesisyon nila Blythe na mamaya nalang kumain para sabay silang lahat.

KEIDEN'S POV

Napag-isipan namin ni Blythe na pumunta muna sa may pool kasi wala naman kaming gagawin sa loob. Andito na kami ngayon sa pool at kinandong ko si Blythe, ayaw niya sana pero di ko pinakawalan pfft...kaya sa huli ay wala na din siyang nagawa dun---hinayaan niya nalang ako. Inamoy ko batok niya "Bango mo naman, baby." medyo namula siya "S-top it! Ang manyak mo heh!" Na manyak pa tuloy pfft. Ginulo ko lang yung buhok niya never minding her remarks. Dati, hindi naman ako ganito ka lambing sa babae. Puta kapag naiisip ko pa nga lang kumukulo na dugo ko. Tama naman kasi yung sabi ng mga pinsan ko na allergy ako sa babae. I just don't like the idea of falling inlove lalo na towards stubborn lady---pero tingnan mo naman ngayon? Grabi yung puso ko ayaw paawat HAHAHA ang bading putek!

BLYTHE'S POV

Naninibago ako kay Keiden. Simula nung nag confess siya sakin ay napaka-clingy na niya tapos ang lambing, di naman kasi siya ganun dati pero siguro nga tama yung sabi na "Kapag nagmahal ka, there are things that happened unexpectedly...dahil ganun kalakas ang kapangyarihan ng LOVE."

~3 hours later~

Time check: 10:22am

So, kumain na kami ngayon dahil mga 11am ay bibili na kami ng kakailanganin para bukas...hindi na kami magpapahapon sa pagbili para makapagpahinga kami ng maaga para naman may energy kami bukas. Bess, hiking ang usapan okay? Kaya need talaga ng maraming energy kundi baka di pa kayo nakaabot sa gitna ay lantang gulay ka na.

-MALL-

Andito na po kami ngayon sa mall. Nanguha na kami ng cart tapos kukuha na din ng dadalhin para bukas. Grabi ang lilikot din ng mga assholes pati si Keiden nadala na---parang mga bata jusko!

LIVING WITH FIVE ASSHOLES (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon