Chapter 26: Heart to Heart

290 15 2
                                    

WARNING: SPG alert!

BLYTHE'S POV

~5 months later~

It's been 5 months since kinasal ako kay Keiden. Kasal na malayo sa inaasahan ko. At ganun na din katagal na hindi ko nakakasama o nakikita man lang ang family ko. Nakakausap ko naman sila through call pero di sila pumapayag na kahit videocall man lang at di ko alam kung bakit ganun.

Limang buwan na ding hindi nagparamdam man lang ang apat na asshole. Ewan ko sa mga yun.

Ganun na din katagal na nakasama namin si Kevin dito sa mansion. Masaya siya kasama at close na din kami. Naaalala ko kasi sakanya ang mga tukmol kong kapatid. Magaan naman ang loob ko kay Kevin pero ewan ko dun sa isa... lagi kasing mainit ang dugo niya kay Kevin. Sinasabihan ko nga na wag siyang umasta ng ganun kasi kaming tatlo na nga lang sa bahay tapos ganun pa ang pakikitungo niya pero binalewala niya lang ang sinabi ko. Wala paring progress ang pagsasama namin ni Keiden.

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Si Keiden andun sa kitchen nagluluto. Nakipag-compete kasi yun kay Kevin. Alam niyo naman yun ayaw patalo. Honestly, mas masarap magluto si Keiden---pero syempre ayokong sabihin sa kanya baka mas lalo pang lumaki yung ulo. Si Kevin naman ay umalis. Pinatawag kasi siya ng dad niya, di ko alam kung ano ang dahilan kasi di naman sinabi. Ang sabi lang ni Kevin na di daw siya uuwi mamaya at bukas na.

~Fast Forward~

Tanghali na. Tumambay lang ako dito sa kwarto ko.

Nagpagulong-gulong ako dito sa kama ko dahil sa boredom. Subalit, tumayo naman ako nang may naisip na gawin. Kinuha ko ang laptop ko at naghintay na bumukas. Nung bumukas na ay nag log-in ako sa Instagram account ko and few minutes later may nag pop na message which is "Vc tayo chai." na ikinabigla ko dahil galing kay Geon---ang isa sa mga asshole. Naiyak pa ako konti sa tuwa kasi sa tagal tagal na panahon nagparamdam din. Finollow ako ng mga to sa IG bago kami pumunta ng airport at finollow back ko naman sila syempre. Di ko na nakwento sa inyo yun pero yun nga.

~After the videocall~

The four assholes called and said they were going home to visit. They said they missed me and Keiden. They invited me to go hiking kapag nandito na sila. Wag daw muna akong bumili ng kakailanganin kasi gusto nilang sumama sa pamimili. Bukas daw ang uwi nila at sobrang saya ko tapos excited na akong makasama sila ulit---namiss ko mga yun eh. Although, 3 days lang daw ang pwede nilang itagal dito. I told them about Kevin who was with us here at home temporarily, they were surprised why we had someone here with us... sinabi ko sa kanila na it's dad idea at tanging nod nalang ang naresponse nila. One time, pumunta dito si dad sa mansion at may napag-usapan kami. Di nga niya sinama sina mommy at mga kuya ko eh---siya lang mag-isa nun. Kinumusta niya lang ako nun kaya siya nagpunta pero syempre may konting chika chika. Sinabi niya na mayaman daw talaga ang limang assholes na yun. Napilitan lang daw tumira dun kasama ko kasi utos ng parents nila. Mababait na anak pala ang mga yun huh. Pero sanay daw ang mga yun sa bukid kasi sa parents pala nila yung lupa at mga pananim dun. At ito pa... business partners ni daddy ang parents ng lima kaya madali para sakanya na hingan ito ng favor. Bukod pa dun 8years na palang kaibigan ni dad ang mga yun. Sa larangan kasi ng negosyo, mahirap magtiwala at magkaroon ng totoong kaibigan kaya swerte daw si dad na nakilala niya ang mga ito. Marami daw kasi silang similarities---sobrang down to earth din ang mga ito. BTW, 5hours din kaming nagkausap ng apat na assholes kasi marami kaming napagkwentuhan kaya 6:42pm na ngayon.

Naisipan kong lumabas sa kwarto ko at pumunta sa kusina.

-KITCHEN-

Wala si Keiden dito at nung dumako ang tingin ko sa ref ay may nakadikit na sticky note na may nakasulat na...

LIVING WITH FIVE ASSHOLES (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon