Chapter 27

216 11 4
                                    

AUTHOR'S POV

Gumising si Blythe na masakit ang ibabang parte ng katawan niya. Halos hindi niya ito maigalaw dahil sa sakit. Naalala niya pa na ngayong araw pala nila susunduin ang apat na assholes sa airport gaya ng sabi nito kahapon through videocall na bibisita at nag-aya nga na mag hiking. Naisip niya kung pano niya yun gagawin kung ganito ang kanyang sitwasyon? Mapalikod at yung private part niya ay masakit dahil sa nangyaring sagupaan kagabi, you know what I mean HAHAHA. Malinaw parin sa isip niya yun. Akala nga niya panaginip lang. Oo, siguro sasabihin ng iba na napaka easy to get niya pero ano naman? Asawa niya si Keiden at walang mali sa ginawa nila. Actually, hindi siya nagsisi kahit katiting na naibigay niya ang kanyang pinakainiingatan dito. By the way, hindi naman ngayon agad-agad yung hiking...kasi syempre magpapahinga pa ang mga yun galing biyahe at mamayang hapon naman ay bibili si Blythe kasama ang mga ito ng mga kakailanganin nila para bukas, ewan niya lang kung sasama si Keiden. Ngayong umaga ang uwi ng apat.

Tumingin si Blythe sa may tabi niya at nakita ang natutulog niyang hubby. Nakayakap ito sa kanya at nakasiksik ang ulo nito sa may leeg niya. Nakikiliti siya sa ginawa nito pero di siya nagpaapekto kasi baka saan na naman sila mapunta. Akmang babangon na siya nang yumakap si Keiden sa kanya ng mas mahigpit, halatang ayaw siya paalisin. "Keiden? Tayo kana." tanging ungol lamang ang isinukli ni Keiden sa kanya palatandaan na antok pa ito. "Baby, please wake up! Meron pa akong hindi nasabi sayo." nag-angat ito ng tingin sa kanya na may inaantok na mga mata. "What is it baby?" tanong ng lalaki sakanya "Nakausap ko ang mga pinsan mo kahapon. Yung apat na assholes." Tumango lang ito at nakikinig sa kanya kaya pinagpatuloy niya ang kanyang sasabihin...

"Uuwi daw sila ngayon. Bibisita lang ng 3 days at inaya tayong mag hiking and I already said yes."

"Hm, dapat naman talaga umoo ka dahil I won't say no to my cousins also, plus the fact na namiss ko na din sila."

"Aww. So cute naman of you baby."

"I'm not cute, I'm handsome." *winks*

Pinaikutan niya nalang ito ng mata dahil sa kahanginan nito pero tama naman siya dun HAHAHA.

Tumayo na si Blythe at ganun din si Keiden, dami niyang ginawang pamimilit mapatayo lang po siya sa hinihigaan niya---nakaglue ata pwet nito sa kama. Ayun nag almusal na sila and everything. Sabay din silang naligo pero walang nangyari ah, behave muna sila ngayon kasi may gagawin pa. Pagkatapos nilang magbihis ay pumunta na sila sa airport.

BLYTHE'S POV

-AIRPORT-

~Phone Rings~

Napatingin ako kay Keiden nang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino at nakita ko siyang ngumiti. Aba! Sino kaya ang tumawag dito at may pangiti-nguti pa tong nalalaman, psh. After the call, nakita ko pa ang multo ng ngiti niya habang binaba ang tawag.

"Sino yun? Bat may pa ngiti-ngiti kapa? Hoy Keiden! Ibinigay ko na sayo ang lahat ah, wag mo sabihing may lakas kapang mangabet? After all that I've done just for you to be happy? Hah!" me.

"Shhh. Ingay mo naman mahal. Kung anu-ano pumapasok sa isip mo pfft. Si Darwin yun, he told me na malapit na daw sila." Keiden.

Bigla akong natahimik, nahiya ako sa inasta ko.

"Selosang asawa pfft. I love you mahal." *killer smiles*

Kinilig ako hayop!

"I l-ove you too." me.

Noon, pangarap ko lang si Keiden. Oo maganda ako, pero hindi yun tumalab kay Keiden. Medyo woman hater kasi to nung nakilala ko---sabi nga ng apat na assholes na "allergy sa babae". Dahil dito kay Keiden ay natutunan ko na hindi pala lahat ng lalaki ay nakukuha sa ganda lang...sigurado kasi akong di ang ganda ko ang nakakuha sa kanya. Kung ano man yun, hindi na mahalaga---ang importante ay 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢. Sobrang swerte ko sa hubby kong to. Hindi siya vocal sa feelings niya gaya ng mga kuya ko. Di ko nga nahalata na mahal niya na din ako eh, anggaling lang. All my life, di ako nakaramdam ng ganitong saya towards boys...maski yung kilig sa tuwing kasama ko siya ay kakaiba.

LIVING WITH FIVE ASSHOLES (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon