Chapter 13

221 20 7
                                    

BLYTHE'S POV

Paglabas namin nakita namin yung apat na nagbabatuhan ng damo. Mga baliw talaga. Psh.

Tumuloy na kami sa paglalakad at I don't have any clue kung where ba kami pupunta. Bahala na.

Huminto sila sa paglalakad kaya nag stop din ako at tiningnan ko yung unahan. Whoaaaaaaa! Nangunguha sila ng mga prutas. Ang daming tanim dito.

"Hoy! Ano tinutunga-tunganga mo jan? Kumuha ka ng basket dun at manguha ka gaya ng ginagawa nila. Di ka makakakain kung di ka magtatrabaho." Keiden said.

"Gago! Wag kang harsh sakanya. Hinay hinay lang naman par." sabi ni Stephen na natatawa pa.

"Whatever." balewalang sabi ni Keiden.

Wengyang yan. Ba't ba ang sama ng ugali mo Keiden?

Binigyan ako ng basket ni Darwin.

Nag-umpisa nalang akong manguha. Baka mag-alburuto nanaman ang isa jan. Mahirap na. Papatulan ko na talaga to kapag ako napuno. Tss!

"Chai, try mo to. Masarap to." sabi ni Justin sabay abot ng ewan ko ano to basta mahaba na kulay pula tapos antaba.

"Ano yan?" tanong ko.

"Pfft. Saging ko."

"Hoy gago! Kung ano-ano tinuturo mo jan kay chai." sabat naman ni Geon matapos batukan si Justin.

Problema ng mga to? Parang mga tanga. Pfft.

Kinuha ko na yung saging daw tapos kakainin ko na sana ng bigla akong pigilan ng dalawa.

"Putek! Chai babalatan yan. Sa'ng planeta kaba galing? HAHAHA" tawang tawa niyang sabi.

Kingina mo! May araw ka din sakin.

"Inaano kita? Kapag ako naasar babalatan ko ulo mo choi." *glares*

"Whoaaa easy chai! Ikaw naman kasi legit ka magpatawa pfft."

"Titigil ka o titigil?"

"O"

"Abaaaa't"

Akma ko na siyang babatukan ng magsalita si Keiden.

"Mamaya na harutan. Oras ng trabaho." sabi niya sabay alis.

"Balatan mo yan chai ah? Bago mo kainin. Pfft laughtrip." dagdag pang sabi nitong si Justin.

Mga peste!

"Gusto mo din ba mabalatan choi? Wengya kayo lumayas layas na kayo sa harapan ko!"

Tawa tawa naman silang umalis.

Peste! peste! peste!

Nilagay ko muna yung saging sa basket at nagpatuloy na sa trabaho. Mahirap na baka magalit na naman yung impaktong Keiden.

Medyo madilim na nung natapos kami sa trabaho namin. Tinawag na kami nung babae at pinapapunta dun sa may kahoy na bahay na mas maliit pa sa bahay ng apat na impakto para daw kumain.

Whoaa! Gutom nako.

Inakbayan agad ako nitong isa, si Darwin. Nakigaya naman yung tatlo. Mga gaya gaya talaga tong mga impakto na to.

"Tss!"

Reklamo nanaman yung isa jan. Problema nito?

"Tara. Pasok kayo sa loob. Pasensyahan niyo na bahay namin. Yung iba jan lang sa labas kakain kasi di na kakasya dito." sabi nung matandang babae.

"Okay lang po, nay." sagot ni Keiden.

Sus. Kunyari mabait pero hindi. Psh.

"Sige sige pasok na kung ganun. Madami akong hinandang pagkain lalo na ang paborito niyong apat."

"Wow! Masarap yan! Arat kain!" masiglang sabi nitong apat na patay gutom.

Nasa loob na kami ng bahay. Luh! Cr lang namin to.

"Iha? Ano ba paborito mo? Sori di ko alam e."

Sasagot na sana ako nang...

"Hayaan niyo na po siya, nay. Kakain siya kahit anong luto jan. Wala siyang choice."

Tumahimik nalang yung matanda.

Bastos talaga bibig nito ni Keiden. Mas mabuting wag na lang magsalita. Buset na yan!

"Nye nye nye." pang-aasar ko.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko panget mo."

"Lie."

Di man lang marunong magpa humble ang kingina.

LIVING WITH FIVE ASSHOLES (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon