Chapter 32: Hiking (Part 3)

115 3 2
                                    

DARWIN'S POV

Time: 2:18pm

Naglalakad na kami papunta sa pupuntahan namin paakyat.

Tawang-tawa kami sa isa dito, kilala niyo na siguro kung sino. Bakit kami natatawa? Well, alamin niyo nalang...

Nagmumukhang tanga tong pinsan namin. Lol HAHAHA

AUTHOR'S POV

"Baby." kalabit ni Keiden kay Blythe na nasa unahan niya na nakakapit kay Kiven. Hindi siya nito pinapansin.

"Gusto mo ng tubig, baby? Mainit kasi kaya dapat uminom ka." Keiden pero napakamot nalang ito sa ulo niya nang di parin siya pinapansin ng dalaga.

"P-fft! Gumamit ka ng Clear para sa dandruff choi." pang-aasar ng apat niyang pinsan sa kanya.

"Napakalaki niyo namang tulong." sarkastikong sabi ni Keiden sa mga ito na nagpatawa pa lalo sa mga ito.

"Baby, inom ka ng tubig oh!" panggagaya ng apat kay Keiden na ikinasama ng tingin ni Keiden sa mga pinsan niya.

"Isa pa, sasamain kayo sakin. Mark my words fuckers." diin na sabi ni Keiden sa mga ito na ikinatikom ng bibig ng apat di dahil sa natakot sila kay Keiden kundi pinipigilan nila ang tawa nila. Alam niyo ba bakit di sila natatakot sa pinsan nilang ito kahit na nagagalit na? Dahil alam nilang di nila kayang saktan ang isa't-isa. Sila ang isa sa mga magpinsan na hanggang salita lang pero di kayang magsakitan. Ganun nila kamahal at pinapahalagahan ang samahan nila bilang magpinsan. Solid.

Panay tawag parin sa atensyon ni Blythe si Keiden pero ayaw talaga siya nitong pansinin.

"Isa! Papansinin moko o hahalikan kita?" Keiden.

"Halikan mo yang nakahawak sa arm mo kanina pa, tutal gusto mo rin tss." Blythe na sumagot na nga pero galit naman.

Agad-agad naman tinanggal ni Keiden ang kamay ni Samantha sakanya baka kasi mas lalo pang mainis yung isa pero ayaw bumitaw ni Samantha.

"Just let me, it's so mahirap kasi akyatin dito baka mafall ako sa baba eh if di ako hohold sayo!" maarteng sabi ni Samantha na ikinaikot ng mata ni Blythe.

Arte ng pesteng to! Blythe's mind.

~*~*~

BLYTHE'S POV

Nakarating na kami dito sa taas (summit) tapos ang oras ay 4:48pm. Akalain niyo yun? 2pm kami umakyat papunta dito tapos medyo madilim na ng makarating kami ngayon.

Pagkatapos ng sigawan session namin dito sa taas (kasi diba masarap sumigaw kapag nasa tuktok ka?) ay nagkasundo kaming bababa na kasi malapit ng dumilim ng tuluyan. Nag-usap-usap kasi kami na hindi kami dito sa summit mag-tetent, delikado daw kaya dun na kami sa medyo baba nitong summit pero hindi yung baba kung nasaan ang helicopter namin nakapwesto ah? Dyan lang sa medyo malayo-layo dito para safe. Actually, gusto lang talaga namin ma-experience yung nandito ka sa summit feels pero yung main purpose talaga ng hiking na'to ay makapag-tent dito sa kagubatan kemi like nung sa mga movies pero wag namang yung tipong may wrong turn, jusme. Kasi diba bawat movies na makikita mo na nag-hihiking kemirut ay merong wrong turn din o kung ano pamang mga demonyong yan sa gubat? Tapos hindi na makakauwi ng kumpleto yung barkadahan kasi kinain na ng masasamang nilalang. Meron pa yung tipong isa nalang makakauwi tas meron ding akala mo lang pala pero sa huli, namatay din yung isang yun. Nakakatakot pa naman kapag mga ganun lalo na kung ganitong maraming damo. Pero siguro, di naman totoo yung ka-echossan na yun no? Ah basta, palabas lang naman yun at mas malakas parin si Lord kumpara sa kahit anong masamang elemento.

~Fast forward~

Time: 5:28pm

Finally, dito na kami sa pwesto talaga namin. Grabi ang hirap ng pataas tapos pati ba naman pababa? Nakakatense. Kinakabahan ako kanina baka kasi mahulog ako bigla pababa, medyo madulas kasi yung daan tapos kahit yung mga bato na aapakan mo pero buti naka-alalay naman sakin si Kiven. Wag niyo na itanong sakin yung isa, nakakainis lang tch.

So ayun nga, yung mga lalaki yung nagtayo ng mga tent namin. Ayy, anim pala silang lalaki kaya naman kayang-kaya nila tapos dalawa lang kami ni Samantha na babae kaya bale 8 kaming lahat. Di ko lang sure kung babae ba talaga yan. Bakit? Mukha kasing bakla, oops kidding HAHAHA. Kalmahan ko lang pala, wag ipapahalata na sobrang inis na.

Time: 6:13pm

Ayun, tapos na nilang itayo ang tents namin. Gumawa na sila ng bonfire para naman hindi madilim dito. Honestly, natatakot ako dito kasi baka may ahas eh tas gagapang sa loob ng tents namin kapag natulog na kami pero sana wag naman sakin juskopo! Dun nalang kaku siya sa kalahi niya na si Samantha nyay.

Apat lang yung dinala na tents. Ewan ko ba sa apat na assholes, yan trip nila e. Dahil dyan, by pair kami sa isang tent. Sabagay, good for two naman yung tent na nabili namin.

Maaga pa para matulog at gusto namin e-enjoy to kaya naman napagkasunduan namin na mag-ihaw ng manok. Well, may dala kaming mini cooler para sa ulam na lulutuin namin. Nandoon yung mga karne. Di kasi pwedeng delata lagi uulamin namin dito. Ilalagay ko pa nga sana yung softdrinks at chocolates ko dun eh kaso hinarang ako ng limang assholes dahil pabigat lang daw yun at importante yung ulam. Nagtampo ako nun pero naintindihan ko naman, ang immature ko naman kung hindi.

LIVING WITH FIVE ASSHOLES (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon