Chapter 31: Hiking (Part 2)

137 8 1
                                    

DARWIN'S POV

Aamin kami.

"Mga choi, isang tanong isang sagot. Nagkagusto ba kayo kay Blythe?" ako.

"Anong klaseng tanong yan? Di ba halata?" Justin habang natatawa pa sa sarili.

"Naks! Lakas ng loob ah?"

"Ako paba?"

"Yan ba ang malakas? Eh di nga nakaamin ng harapan sa babae." pang-aasar ni Geon kay Justin.

"Tangina mo, choi! Fuck you with respect!" Justin.

Nagtawanan nalang kami.

Kung nagtataka kayo ba't kami lang dito, nagpahinga pa kasi sila sa helicopter. Tulog pa si Blythe at nakasandal kay Kiven tapos si Keiden ayun kulang nalang bumuga na ng apoy sa galit pero di din makaalis kasi nakahiga din si Samantha sa balikat niya. Kami, nandito sa may malaking puno sumilong kasi ang init. Mga 2pm na daw kami aakyat pataas ng Mt. Apo kaya pahinga muna kami. Charge daw muna ng lakas. Ewan ko lang sa isa kung may lakas pa yun, kanina pa kasi nanghihimutok na dapat siya ang katabi ni Blythe.

Balik ulit tayo sa aminan session.

"Sino pa ang aamin?" ako.

"Ako, unang kita pa lang nagustuhan ko na---maganda e." Geon.

"Nice." me.

"Ikaw Darwin? Ramdam namin choi kaya wag kang magkamaling magsinungaling." Justin na namumuking.

"Gago! Oo ang sagot ko jan. Bat ako magsisinungaling?" me.

"Tapang ah!" sila na kinantyawan pa ako.

"Teka, may isa atang nanahimik dito." ako na sinabayan naman ng pang-aasar nitong dalawa kay Stephen.

"W-hat?" Stephen.

"Pare, walang masama kung aamin." ako.

"Well, absolutely yes. Lahat naman siguro tayong magpipinsan nabihag niya? Naknamputa ang bading pero OO NAGKAGUSTO AKO sakanya. Gusto ko siya pero hindi ko na tinuloy...I mean, pinigilan ko kasi hindi ko kayo kayang ipagpalit kahit ikasakit ko ang desisyon na yun. No matter what, I'll always choose you guys over anyone or anything else." Stephen.

"Ahhhhhhh nakaka-touch fafa Stepheeeeen!" arte naming tatlo na parang bading na kinasama ng tingin ni Stephen samin dahil mukhang nandiri pa amputa HAHAHAHA.

Sabay sabay kaming nagtawanan dahil sa pinagsasabi namin. Literal na mga siraulo.

"Ano yung narinig ko ha?" biglang sulpot ni Keiden na ikinagulat namin.

Nagsiyukuan naman yung mga gago sabay kamot sa batok dahil nahiya ata na narinig ng isa jan ang sinabi nila.

"N-arinig mo ba lahat?" Geon na mukhang hiyang-hiya talaga.

"Oo." Keiden na di ko mawari ang ekspresyon ng mukha kasi blanko lang naman...

pero nagulat nalang ako ng humagalpak siya ng tawa at isa-isa kaming tinapik sa braso. Huh?

"Hinahangaan ko kayo mga choi. Mahirap makahanap ng kagaya niyo na nagpaubaya nalang dahil mas pinili niyo ang samahan natin over anything. Swerte ko sa inyo sa totoo lang. Salamat mga choi." Keiden.

"Pero yung huli kong narinig wengya!" pahabol pa ni Keiden na tinutukoy yung pag-arte namin kanina na tats na tats.

"Yun ba? Wag ka ng magselos fafaaaa Keiden!" asar naming tatlo sakanya, hindi nakisali si Stephen dahil nandiri rin HAHAHA

"TANGINA! TIGILAN NIYOKO!" Keiden na sinalpak nalang ang earphones sa tenga niya kesa makinig sa kagaguhan naming tatlo.

HAHAHAHA

LIVING WITH FIVE ASSHOLES (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon