Prologue

3.5K 52 4
                                    

Prologue

“Ava nariyan ba si Lola Pising?” Tanong sa’kin ng kapitbahay namin. Matamis ang ngiti niya. Mayro’n siyang hawak na mangkok. Ulam nanaman siguro ang kaniyang dala.

“Pasok ko kayo Aling belen.” Magalang kong sabi.

“Aling Pising!” Dali-dali siyang lumapit kay Lola. “Ito ho. Nilagang manok. Luto ko ‘yan!” Tahimik ko silang pinapanood.

Magiliw na kinuha ni Lola ang ulam. “Salamat dito Belen.”

“Naku, Aling pising!” Humampas siya sa hangin. Lumapit pa siya kay Lola ng kaunti para bumulong. “Utang na loob ko sa inyo kung bakit nagka-tuluyan kami ng Mister ko at ngayon  may lima ng anak.” Humagikhik si Aling Belen. Ngumiti naman si Lola.

“Trabaho ko naman talaga ang magbigay ng dekalidad na gamot.” Taas noo niyang sagot na siyang nag pangiti sa’kin.

Maging ako man, labis kong pinag-mamalaki si Lola.

Sikat siya sa aming probinsiya dahil sa kaniyang mga produkto. Pero ang pinaka-mabenta rito ay ang kaniyang gayuma.

Oo. Matagal ng gumagawa ng ibat-ibang klase ng gamot ang lola ko gamit ang maraming uri ng halaman at pinag-halong orasyon.

Masasabi ko rin na epektibo ang mga ito dahil  isa ako sa saksi. Bata pa lamang ako, ito na ang pinagkakakitaan namin. Wala pang bumalik rito na galit dahil hindi gumana ang mga gamot ni Lola. Lahat satisfied.

“Siya nga pala Aling Pising. Meron akong kilalang mayamang matrona! Nirekomenda kita sa kaniya. Handa raw siyang magbayad ng malaki. Meron kasi itong natitipuhang lalaki.”

Lumaki ang butas ng ilong ni lola.
“Talaga?! Dapat magkausap na kami kaagad sa bagay na ‘yan.”

"Sige. Ako na ang gagawa ng paraan para makapag-usap kayo.”

“Ayos!” Nag-apiran silang dalawa. Napailing na lang ako.

Ilang araw matapos ang naging pag-uusap ni Lola at no’ng costumer niyang isang mayaman, napapansin ko na ang palagi niyang pagkatulala, mukhang problemado. Sa totoo lang, natural na kay Lola ang gano’ng itsura pero ngayon, nararamdaman kong meron siyang matinding pinagdaraanan.

“Ayos ka lang po?”

Kasalukuyan kong nilalapag ang basket ng mga halamang pinakuha niya sa’kin sa bundok. Dahil may katandaan na si Lola, ako na ang gumagawa ng paraan upang makahanap ng mga kailangan niyang sangkap.

Tinampal niya ang kaniyang noo saka napailing. Nag-alala tuloy ako kaya hinawakan ko siya sa balikat. “Malaki ang problema ko Apo.” Nag-tsk pa siya ng ilang ulit. Talagang ngayon ko lang siya nakitang ganito. “Sobrang laki!”

“Ho? Bakit po? Mamatay na po ba kayo?” Nagpanik ako at halos maiyak na pero tinapunan ako ng masamang tingin ni lola at pinitik sa noo.

“Patay agad? Wala na bang ibang pagpipiliin? Grabe siya.”

“Sori ho.” Napa-kamot ako sa ilong. “Kung gano’n ano po ang problema ninyo? Kayo po ba'y nagme-menopause na—aray ko po!” Kinurot niya ako sa tagiliran saka pinanlakihan ng mata.

“Matagal na akong hindi dinadatnan! Ano ka bang bata ka.” Napalitan ng pagkaamo ang mukha niya saka niya hinaplos sa mukha. “Ang problema kasi ay ganito.” Taimtim naman akong naghintay ng kaniyang sagot. “Matinding gayuma ang kailangan kong gawin para tumalab! Ang kaso isa lang ang lugar na meron ang kinakailangan kong pinaka-importanteng sangkap.”

“Ho? Sa’n po ba ‘yon mahahanap? Sa ilalim ng dagat? Sa tagong kweba? Sa itaas ng--.” Tinapik niyang muli ang aking nuo.

“Ako kaya’y patapusin mo muna sa pagsasalita!”

The Taste of Potion ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon