03

14 1 0
                                    

Alejandro Clint De Jesus: Constancia Lauren Matipig, you're beautiful inside and out and that's why I like you.

That phrase kept on running in my mind for a couple of hours now. Like men, bakit ganun yung comment niya? Hindi ba niya alam na andaming may gusto sakanya, tapos ganun pa yung sinabi niya. Gusto ko siyang batukan, suntukin, tadyakan sa bayag pero hindi ko magagawa kasi obviously hindi ko siya kasama. Kung kasama ko lang siya s- WTF CL!!! Don't you ever say that words. Nakakangilo.

At yun nga dahil sa ginawa ng aircon na yun, tadtad ng sandamakmak na messages yung Facebook account ko. Pati na rin sa Instagram account ko hindi nila pinaligtas. Want to know kung ano yung laman ng messages nila? Okay, let me drop some.

Wow naman CL, ano ka blogger?

@chuchubaba: Ate, anong relationship mo kay Bebe AC ko? Alam mo bang akin siya.

Sana all bebe ng bayan. Edi iyo na ate girl, saksak mo po sa esophagus mo po.

@klrclr: Hoy!!! ANG KAPAL NG MUKHA MO AH. KALA MO KUNG SINO NA NAMENTIONED LANG NAMAN NI ACE.

Alam kung makapal yung mukha ko kasi 'di ako mahiyain. No need to mention that. Kapal pala ng make up mo dear, btw.

@mamanana: HOY!!!! AABANGAN KITA, SINO KA PARA AGAWIN SAKIN SI AC!!!

Me:Sige ate, saan mo ako aabangan? Sa kanto ba? Gusto ko po pag-aabangan mo ako i-gagrab mo yung kamay ko tapos ihihilig mo ako bigla sa pader sabay sabing "HI". Yieeeee kinilig ka?

That was the most cringe message I've ever sent to someone. Men, I ain't like that. But, I kinda like messaging them with that phrases because it was funny. I guess.

Pero nabwebwesit talaga ako sa AC na yun. Kasi ang tahimik ng buhay ko, ang payapa and then sisiraan ng dahil sa comment niya. Parang nasa langit ako sa tahimik na buhay at papaya na phrases ah.

Ah basta, magtutuos kami mamaya ng AC na yun. Matitikman niya ang bangis ng aking ganti. Rawr.

"Oy!!! Beshy!!! Bakit yang mukha mo parang nagsasabing may papatayin ka?" Ay bwesit din iyong babaing ito oh.

"Oo, nag-iisip ako ng 100 ways kung paano kita papatayin. Bwesit". Ginagalit mo ako, bwesit. Pero tuloy pa rin yung pagpatay sa aircon na yun. Insert, evil laugh and smirk.

Okay, waley

•••••••••••••
The day past so fast katulad ng pag-ibig niya sayo. Joke. Puro lang kami kwento ng bruhilda kong kaibigan na walang ginawa kundi inisin ako. Tsk, what's new ba? Siya yung happy go lucky samin at ako naman yung parang laging galit sa mundo. I'm not the one who said that but our classmates.

7 in the evening and obviously umuwi na yung bwesit kong kaibigan. Ewan ko ba kung bakit ko yun naging kaibigan. Baka totoo nga yung sabi nila "Expect the things you aren't expecting for".

I'm at my room, reading a book. A Mythology book. Lately, I've been so immersed with this book and I don't know why. Maybe, I love their history or I'm just bored. But, pabayaan nalang natin 'cause I'm enjoying it naman. Having some time like this is a breath to the last few months I've been spending for my studies.

Tutok na tutok ako sa pagbabasa ng maputol Ito ng isang katok.

"Ate, nagchat si Kuya AC sakin. Sabi mag online ka raw. May sasabihin siya"

"Sino ba siya para utusan ako? Ang kapal ng mukha niya ah" naiinis na sabi ko.

"Sabihin ko raw na future boyfriend mo raw pag nagtanong ka ng ganyan" natatawang sabi ni Liam.

Little Quarantine Where stories live. Discover now