04

2 1 0
                                    

I'm still thinking about what he said last night, or rather, what he confessed to me. Is it possible for that freck Alejandro Clint De Jesus to like me? He even confessed to me on the spur of the moment? Or maybe he is just playing a prank on me just because he thinks I'll fall for it?

What are the justifications? What was it about me that he liked? What caused it to happen? When did he get that feeling? Those are the kinds of questions that have been bothering me since last night. I can't imagine lang talaga. Is this some sort of drama or scene from a book in which school enemies become lovers?

Definitely not!! Why would I consider it? CL, buang kana? Consider him your adversary, not someone who-ARRGHHH!!! But, why does my little heart continue to beat whenever I think of him? WHAT DO YOU MEAN BY THAT, HEART? TRAITOR!! Definitely not!!!

Napapa-English pa ako dahil sakanya. Ganto ba ang epekto niya sakin? Alejandro Clint Syndrome? Hindi, hindi!! Malala na 'to. Punyeta naman kasing Alejandro Clint De Jesus na yan, 'di ako pinatulog ng maayos tapos guguluhin pa pag-iisip ko. Hindi Ito maganda, as in to the H-I-N-D-I.

"ATE!!! 'BAT SIGAW KA NG SIGAW? KANINA KA PA. ANDITO SI KUYA AC SA BABA, HINAHANAP KA." sigaw ng bubwet kong kapatid.

But, what is it? Is it true that I just said it aloud? And he's at in our living room? Narinig niya ba ako? Shuta!!! Nakakahiya ka CL!!! Itatakwil kita!!!

"And by the way Ate, kasama niya si Tita Ainna at narinig nila yung pinagsisigawan mo" natatawang sabi niya.

"Sabi pa ni Tita, pananagutan ka naman ni Kuya AC and boto sila sayo kaya no worries ka"

And Tita Ainna is with him. Putangna na talaga!! Ang stupid mo Constancia Lauren!! Nakakahiya ka!!

" Hindi ka pala pinatulog ni Kuya AC ah. Masabi nga sakanya" dagdag niya pa.

Bago ko pa siya maabutan ay naririnig ko na ang nagmamadaling mga yabag niya. Punyeta Liam! Lagot ka sa akin mamaya.

MOTHER EARTH, LAMUNIN MO NA AKO HUHU!!!

Hindi ko alam kung bababa ako or pabayaan nalang itong tiyan kong kanina pa nag-iingay. Pero gutom talaga ako.

Sige, final decision na talaga ito. Bababa na ako at kakain, bahala na yung hiya-hiya na yan basta ang importante nakakain ako.

Isa, dalawa, tatlong hakbang pa lamang ang aking nagagawa pero yung ngatog ng tuhod ko ay grabe na. Para akong matandang may rayuma.

Kaya mo 'to, CL. For the your kagutuman, kaya mo ito. Wag kang papatalo sa hiya, AJA!!

" 'Nak- NAY!!" gulat na kong saad dahil sa biglang pagsulpot niya sa harapan ko.

"Para kang tanga diyan, salita ka ng salita ikaw lang mag-isa"

"Eh, kasi 'nay. Andyan pa po ba sila Tita Ainna?" kinakabahang tanong ko sakanya.

"Oo. Kaya nga ako pumanhik dito para sana yayain kanang kumain ng tanghalian. Nakakahiyang paghintayin yung bisita natin" pangaral niya sa akin.

"Sorry po 'nay. Halika ka na po, alam ko namang namiss mo ng sobra si Tita Ainna" masayang aya ko sakanya.

"Siya, hali kana at yung manliligaw mo-NAY NAMAN!!" pasigaw na saad ko.

" Aba't sinisigawan mo na ako. Kaya mo ng pakainin ang sarili mo"

" Hindi sa ganun 'nay, sa nagulat ako sa pinangsasabi mo. 'Di ko nga po yun manliligaw and never will" pinal na sabi ko.

"Talaga lang ah? Bakit kanina sigaw ka ng sigaw tungk- Nay, halika na po at masamang pinaghihintay ang grasya"

Nawiwindang ako sa pinagsasabi ni nanay. Juice colored, yung lalaking yun, manliligaw? Pinayagan ko ba?

Little Quarantine Where stories live. Discover now