05

6 0 0
                                    

Until the morning comes, hindi pa rin nagsink in sakin lahat ng sinabi ni AC kagabi. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng sinabi niya yung tumatak talaga saking isipan ay yung titigil na siya. Bakit siya titigil kung kailan mayroon na? Kung kailan pwede na.

Oo, aaminin ko. Sa una pa lamang ay may gusto na ako sakanya, sadyang gusto ko lang kalimutan dahil sa nangyari dati na ayaw ko ng balikan. Masyado siyang masakit para sakin kahit sabihin na nating bata pa ako ng panahon na yun. Masakit na pati yung pagkakaibigan namin ay kinalimutan ko and suddenly, all those memories keep rushing in my mind when he called me the name he used to. The name I used to love too.

Lauren. He called me that kasi sabi niya ang tandang pakinggan ng first name ko at yung CL naman ay tawag daw ng karamihan sakin. Gusto niya naman daw mapa iba kaya Lauren ang tawag niya sakin.

Parehong rason kung bakit Clint yung tawag ko sakanya dati. Pang matanda kasi kung pakinggan ang Alejandro at common na yung AC kaya Clint nalang.

What an irony nga naman. We even carved our names on the tree saying 'Clint&Lauren 4ever', masyadong jejemon pero para sakin napaka sentimental. Nong araw din kasing yun ay ayon din kasi yung huling pagkakataon, huling araw na nag-usap kami ng matino, yung walang bangayan at away.

Up until now, pumupunta pa rin ako kung saan nakatanim yung punong pinag-ukitan namin ng aming pangalan. Sa may parke lamang iyon pero masyadong tago kaya kami lang ang nakakaalam.

Hindi ko maitatanggi na bawat pagpunta ko roon ay puro iyak lang ang aking ginagawa. Reminiscing everything he said, he promised to me na hindi na matutupad.


"Lauren!!" tumatakbong tawag sakin ni Clint habang kumakaway na nakangiti. Ang cute niya talaga.

" Clint, bakit ka pumunta rito ng tirik ang araw?" nag-aalalang sabi ko sakanya.

Syempre nag-aalala ako sakanya hindi dahil crush ko siya, dahil ang layo ng bahay namin sakanila, mga dalawang kanto pa. Tapos tirik na tirik ang araw, wala pa siyang dalang paying o kahit sombrero man lang.

" Hali ka nga muna sa loob. Uminom ka muna ng tubig, hinihingal ka" aya ko sakanya.

" Ano ba kasing pumasok sa isip mo at pumunta ka rito?" panenermon ko sakanya.

" Oh, ito tubig ay pamunas" sabay bigay sakanya ng mapansin kung nakangiting nakatitig siya sakin.

" Bakit ganyan ka tumingin? Para kang tanga diyan" naiilang na saad ko. Sino ba namang hindi maiilang diba? Tinitigan ka lang naman ng crush mo. Kinilig yung 12 years old self ko *tawang clown*.

" Wala lang, ngayon ko lang narealize na kahit anong gawin pangit ka talaga" sabay tawa na animo'y baliw, may hampas pa.

" Bwesit ka, lumayas ka na nga lang. Wala kang utang na loob" galit na turan ko.

" Ikaw na yung pinainom ng tubig at binigyan ng pamunas, ikaw pa may ganang manlait. Sige, lumayas ka nalang" dagdag na sabi ko na nagtatampo.

" Hindi, joke lang yun. Ang ganda kaya ng best friend ko. Ngi-ngiti na siya, yiee" nakangiting pang-aalo niya sakin.

"Sige na, ngumiti kana. Please, sorry na 'di ka naman pangit eh. Nakapaganda kaya ng number one best friend ko sa buong mundo"

" Bobo, anong number one best friend? Ako lang best friend mo" Ang bobo talaga, ako lang naman bes friend niya unless.

" Wait, number one? So, may iba ka pang best friend? Sino? " Pang-uusisa ko sakanya. Hindi ko 'to matatanggap kung meron man, ako lang dapat.

Little Quarantine Where stories live. Discover now