01

21 2 0
                                    

"Ay Punyeta!!! He's serious with this?" pasigaw na pabulong na sabi ko.

Sino ba naman ang di masa-shocked diba.
Kasi naman, we never add/follow each others social media accounts and we never had a long conversation.

We're more like civil to each other, yung pinakamahaba lang ata naming pag-uusap is noong debate last year kung saan natalo niya ako.

Kaya nakakaschocked siya, opo. But then I'll accept nalang his request baka sabihin pa nito pafame ako at may grudge sakanya.

After accepting his request, may nagpop up na chat head galing sakanya.

Alejandro Clint: Hey there Ms. Matapig. WYD?

Me: Huh? WYD?

Him: Ay wala lang bang 'HI' dyan hahaha. WYD means what you doing.

Me: Mr. President alam ko ibig sabihin nian, tsaka ano bang paki mo kung anong ginagawa ko. Sino ka ba?

Him: Uy, chill ka lang naman. Just wanna be friends with you and end that so called feud between the two of us.

Me: Yang feud na sinasabi di yan mawawala lalo na pag ikaw ang magiging kaaway. And friends? Kaibiginan mo sarili mo, gago.

Him: Opps don't say bad words Ms. Matapig, I don't like it especially coming from you. And yeah, I want you to be my friend or much better more than friend.

Me: Neknek mo, ano bang paki mo ah. Wag mong madala dala sakin yang president attitude mo, wala akong paki dyan. Pweee.

Him: Hahaha y'know what, I like you. It makes me feel to want you more.

Me: Ambastos mo!!!, anong I want you more? Anong kala mo sakin marupok, abay loko ka ah.

Him: No that's not what I meant with that. Ang ibig kung sabihin is I wanted to know you more. Like getting to each other?.

Me: Getting, getting to know each other. Wag ako Mr. De Jesus, kung bored ka sa buhay mo maghanap ka ng ibang taong makukulit mo.

Him: Ayaw ko gusto ko ikaw lang. Ikaw lang sapat na hihi.

Me: Alam buang kana. Pag ito malamaan ng mga so called AC babies mo baka masura sira sayo
; AC babies amputs, aircon babies haha. Sabagay mahangin ka naman include mo na din sila kaya bagay lang.

Him: Masura? Baka mas lalo silang mafall sakin atsaka wag kanang magselos sakanila ikaw naman original baby ko eh.
; Wag kanang magselos baby ko ah, okay?

Me: Pisteee kaaaaa!!! Baby mo bukha mo at di ako nagseselos. Kung si Strane ka pede pa!!!!
; Lubayan mo akong ogag ka!!!!

Him: Wahhh, ang cute mo talaga pero nanggigil ako sa Strane na yan. Sino yan baby?

Me: ASAWA KO!!!!
;Byeeeeeeee

Hindi ko na siya hinintay na magreply pa baka may bwesit lang ako lalo sakanya at makulam ko siya ng 'di oras.

Halatang babaero eh, galawang breezy amputs. Baby ng mukha niya, tsk alam ko na kung bakit siya nanalo.

Pweee kala niya mauuto niya ako sa paganyan niya, aba matibay ito.Lahing Matapig, lahing matatapang.

Pero nab-bwesit talaga ako, skl bago me matulog. Good night.

•••••
Rise and shine mga kaganda. Bagong araw sa magandang buhay. Kahit may nararanasan tayong worldwide pandemic at nationwide lockdown patuloy lang tayong lumaban. Unos at problema lang yan, tao tayo at andyan Siya para gabayan tayo.

Again, doing my usual morning routine para fresh tayo. So, since nasa bahay lang kami ngayon edi magiging 'taga' tayo every day and every night.

Taga-laba, taga-walis, taga-luto, taga-plantsa at higit sa lahat TAGA-HUGAS. Ang dakilang trabaho ng anak na pasaway. In short, magiging 'taga' ka with free lodging, clothing, foods and other necessities. Charot hahaha.

"Aloha brother, how are you today? Are you good? 'Cause me hahaha I'm perfectly good and bea-ARAYYYY" shuta binatukan ako mga brad.

"Bat mo ako binatukan ha?!!!!" galit kung tanong sa bwesit kong kapatid.

"Ate naman kasi ang aga-aga ang ingay mo 'di ka ba nahihiya sa kapitahay natin, araw-araw nalang tsk" saad niya

"Aba aba nagmamagaling kana sakin ah!! Hoy! FYI self love ang tawag dun, piskat ka"

"Oh ke aga-aga abot sa kabaling kanto boses mo, pakihinayan ng unti 'nak at baka magalit si Aling Sally sayo. Alam mo na matanda na yun, kailangan kompleto ang tulog at di maiistorbo" birong sabi ni Mama.

"Uy ma, hinaan mo din po boses mo baka marinig ka nun at girahin ka dito hahaha. Mano po nay. Saan po pala kayo galing?" kinuha ko na yung basket na dala niya.

"Ay galing ako sa brgy. hall, nagpatawag si kapitan ng pulong ukol nga sa lockdown o quarantine na mangyayari" sagot niya sakin

"Ay bat ang aga naman po ata?"tanong ko sakanya.

"Anong ang aga ate, alas diyes na kaya at kailangan mo ng magsaing" sabat ng bwesit ever kong kapatid.

"Ay alas-diyes na pala hahaha okay, but ikaw na bakla ka kung maka-utos ka parang ikaw panganay ah"

Hindi naman po ata halatang may galit kami sa isa't-isa ng kapatid ko 'no.

"Panganay ka nga, bansot ka naman hahah-ARAY NAYY!!" sinabunutan ko siya mga ateng.

"Sumosobra kanang hagmang ka, punong-puno na ako sayo!!!" let the battle begins.

Edi nagsabunutan kami at dehado ako mga brad huhu.

Sabunot here and there. Nagkalmutan din kami, alam niyo nagdududa me talaga sa kapatid ko kung bakla ba 'to o ano. Ang galing mangalmot eh.

"Mga anak ano ba naman kayo ke aga-aga nag-aaway kayo, ay siya tulungan niyo na akong magluto't makakain tayo ng maaga" pagsuway niya samin "Pag 'di kayo tumutigil kukurutin ko singit niyong dalawa"

"NAY WAG MASAKIT YUN!!" sabay na sabi naming dalawa.

"Kaya magtigil kayong dalawa" sabi niya.

"Sige nay, susunod nalang po ako. May kukunin lang ako sa kwarto" sabi ko.

Kumakantang pumanhik ako sa kwarto. Syempre dahil maganda boses ko edi ibinirit ko na.

"Ate wag kang mag-alolong ang aga pa!!" piskat talaga, epal as always.

Imbes na sumabat pa, pumanhik na ako sa kwarto at kinuha ang sadya. Yung cellphone lang talaga kinuha ko.

As usual, makikibalita ako sa mga classmates ko kung okay ba sila o ano. Syempre concerned ako sakanila.

Pero unang kita ko palang nawalan na ako ng gana.

Tsk, isang maling desisyon 'tong ginawa ko. Maling desisyon.

Alexander Clint: Baby sino si Strane?
;Uy sino yun?
;Galit ka ba? Baby?
;Baka nga galit sakin, sige baby tulog kana.
;Good night, dream of me hahaha

Oh diba bwesit agad, replies niya kagabi agad pambungad.

Pero 'di lang yan mga brad, meron pa. Kani-kanina lang.

Alejandro Clint: Hi baby, good morning :)
;I dreamt of you.

Bwesit talaga nitong lalaking ito. Bagay sakanya tawagin ng








GAGONG BWESIT NA AIRCON

••••••
A/N: Sorry for a very very late update. Busy po me sa oc tas lame pa 'tong update. Pagtiyagaan niyo nalang po muna sa ngayon hehe. Labyuu all mwaaa

Little Quarantine Where stories live. Discover now