Simula

29 1 13
                                    

"Pres. Duterte announces a nationwide lockdown due to Covid-19. Everyone are asking to stay at their home..."


"What is happening to our world? Parang kahapon lang ang saya saya pa namin ng mga classmates ko, tapos ngayon gan'to na ang nangyayari. End of the world na ba?" sigaw ko ng makita ko ang balita.

"Constancia Lauren! Ang aga-aga sigaw mo yung naririnig ko, baka mareklamo na naman tayo ng mga kapitbahay natin dahil sa sigaw mo. At anong end of the world?" sabi ni Mama. " Ikaw, kung ano ano ang lumalabas d'yan sa bibig mo. Hali ka ritong bata!" 


" Aray, 'nay! Ang sakit po." daing ko.  Piningot ka ba naman sa singit,  sinong hindi  masasaktan diba. 


" Masakit po 'yun, 'nay."  habang hinihimas ang tengang nasaktan.


" Aba'y 'wag kang sumimangot d'yan dahil namumukha kang patong 'di naarawan."


" Hala't pumunta ka na sa kusina at mag almusal" sabay halik sa tuktok ng aking ulo. Napangiti na lamang ako habang papunta sa kusina dahil sa gawing iyon ni nanay. Sadyang gawi na talaga ni nanay iyon simula ng bata pa kami at nakasayanan na rin namin hanggang ngayon. 

Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na maisip 'yong ibinalita kanina. Oo, masyado akong sensitive pagdating sa mga bagay na gan'on. Ewan ko rin kung bakit, siguro kasi curios ako sa mga bagay bagay at nangyayari sa paligid ko.

"Nay,  nakita mo na 'yong balita kani-kanina lang?  B'at gan'to 'yong nangyayari sa mundo natin ngayon?" tanong ko.

"Anong nangyayari? Iyong tungkol ba doon sa corona virus ba 'yon?" pabalik na tanong.

"Opo, siguro pinaparusahan na tayo sa mga ginagawa natin. May mga predictions nga na may end of the world o zombie apocalypse" saad ko.

"Ay jusko 'nak, 'unta di man mangyari iton, ginhihinua ko pala iton yana nanggigirabo na ako. Pray lang lagi and trust Him. Kaya ikaw, magsimba ka. Huwag 'yong puro selpon ka lang d'yan." sabi ni Nanay.

"Si nanay naman, nasingit na naman yan. Nagsisimba naman ako, grabe ka sa'kin, 'di mo na ba ako love?" Natatawa ko pang sabi kasi parang baata ko iyong sinabi. " Sige na nga po, liligo muna ako tapos gawin ko mamaya yung pinapagawa mo." 

" And 'nay, ako na po ang maghuhugas ng pinagkainan natin." May flying kiss pa 'yong kasama.

Habang papunta sa aking kwarto ay naisipan kung buksan ang messenger account ko at baka kasi may update regarding sa lockdown dito samin. Upon scrolling the messages, nasabi na ng teacher namin na suspended na ang classes until further notice na pwede na balik-eskwela na.

Little Quarantine Where stories live. Discover now