UMPISA

65 9 2
                                    

Natanaw ko sa malayo ang isang bundok at merong mga kabayo ang pababa mula dun. Nagulat na lang ako nang biglang nasa tuktok na ako ng bundok at nakita ang isang lalaki na nakasakay sa puting kabayo at may suot itong itim na cloak. Nakatingin siya sa baba kaya lumapit ako para silipin kung ano ang tinitignan niya.

"Woah." sabi ko dahil sa pagkamangha matapos kong makita ang view sa baba. Sobrang ganda at maaliwalas ang paligid na para bang paraiso.

Nilingon ko yung lalaki na kasama ko, seryoso lang siyang nakatingin sa baba, ni hindi man lang ako pinansin. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang mag salita siya.

"Mahahanap din kita." sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Sino--" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang may biglang sumabog sa harapan ko.

Dahil dun ay napasalampak ako sa sahig at iniharang ang braso ko sa mukha ko. Nang ibaba ko ang braso ko ay nagulat ako nang mapagtanto na nasa gitna na ako ng gubat na nasusunog.

Ang kaninang maaliwalas at maliwanag na paligid ay sobrang dilim na ngayon.

Teka, anong nangyari? Nag teleport ba ako?

Nakarinig ako ng nag crack kaya tumingala ako at nanlaki ang mata ko nang makita na may malaking puno ang pabagsak na sa puwesto ko. Shit!

Agad akong kumilos para hindi ako madaganan. Nang makatayo ako ay bumagsak 'to sa mismong harapan ko kaya umatras ako, tinakpan ko rin ang ilong at bibig ko dahil kumakapal na ang usok sa paligid. Sandali, nasaan ba ako at bakit ako nandito?

"Ibi iustum est!" Lumingon ako kung sa'n nanggaling 'yong sigaw. Pero wala akong makitang maayos dahil bukod sa ang laki na ng apoy ay nag hahalo na din ang dilim ng gabi at makakapal na usok sa paligid.

Nakarinig ulit ako ng pagsabog at sigawan sa likod ko kaya lumingon ako doon, pero wala akong nakita dahil lumalaki na ang apoy sa paligid. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumakbo patungo dun. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay nakarinig na ako ng kaluskos mula sa gilid ko. Lumapit ako dun ng kaunti at nakita ko ang isang babae na nakasandal sa malaking puno. Hinahabol niya ang kanyang hininga na halatang galing lang sa pagtakbo.

"Nasaan na siya?" nag tago din ako sa isang puno na malapit sa tabi ko nang makakita ako ng iilang mga lalaking may hawak na tanglaw na malapit sa puwesto nung babae.

Siya kaya yung hinahanap nila?

Sumilip ulit ako sa puwesto nung babae kanina at nanlaki ang mata ko nang mapansin na papunta ang mga lalaki sa puno kung saan siya naroon.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, pero hinihiling ko na sana 'di nila siya makita.

"Sandali, doon siya nag tungo!" sigaw ng isa pang lalaki dahilan para tumingin sa kanya ang mga kasama niya.

"Sigurado ka?"

"Oo, natanaw ko siyang tumatakbo patungo sa lugar na iyon!"

"Kung gano'n, eam citius!" matapos isigaw yun ng parang namumuno sa kanila ay agad silang kumaripas ng takbo papunta dun sa tinuturo ng lalaki kanina. Pero ang nakakapag taka ay nag paiwan yung lalaking yun at agad na pumunta sa babae.

Ohh! He knows that she's in there! Ang angas naman ng nakikita ko, para akong nasa movie.

Napaupo ang babae habang umiiyak, doon ko lang din napansin na meron siyang hawak na bagay na nakabalot sa tela.

Kinausap siya nung lalaki, pero hindi ko yun marinig dahil mahinang boses lang ang ginagamit nila. Nakita kong umiling ang babae habang nakatingin sa lalaki pero maya-maya pa ay dahan-dahan din itong tumango bago muling tumayo.

Pareho silang sumilip sa pinuntahan ng mga lalaki kanina bago nag simulang tumakbo ang babae papunta sa kasalungat na direksyon.

Umalis na rin ako sa tinataguan ko at sinimulang humakbang para sundan yung babae pero para bang hindi ako gumagalaw sa puwesto ko. Wait, gusto ko siyang sundan. Tangina naman oh!


"Flaire!" bigla kong iminulat ang mata ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Nana mula sa labas ng kuwarto ko. "Flaire!" ulit pa niya at kinatok ang pinto ng kuwarto ko ng pagkalakas-lakas.

"Po?!" sigaw ko rin para malaman niya na gising na ako pero hindi pa ako bumabangon.

"Tanghali na, ano ka ba?" rinig kong tanong niya.

"Tao." bulong ko sa sarili at pumikit ulit dahil sa antok.

"Flaire!"

Bigla akong napaupo sa kama dahil sa irita sa sigaw ni Nana pero nakapikit parin ang mata ko, "Bumangon na!" sabi ko.

"Dalian mo na." sabi niya.

"Opo!" sigaw ko ulit.

"Naku, ang mga bata talaga ngayon oo! Ke-kukupad bumangon ng kama." rinig ko pang sabi niya bago ko marinig ang mga yabag ng paa niya na papalayo mula sa kuwarto ko. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Inaantok pa talaga kasi ako.

Pabalik na sana ako sa pagtulog nang bigla namang tumunog ang cellphone ko. Talaga bang hadlang na ang universe na pabalikin ako sa tulog? Di ba puwedeng 5 minutes pa?

"Hmm." kinuha ko ang unan ko sa gilid para itakip 'to sa mukha ko dahil wala akong balak sagutin yung call. Pero habang patagal ng patagal, tila ba lalong lumalakas ang tunog nito sa tainga ko.

Inalis ko na ang unan sa mukha ko at inabot ang cellphone. May tumatawag pero hindi ko malaman kung sino dahil hindi pa nakakapag adjust ang paningin ko. Pinindot ko na lang ang kulay green na bilog, na siguradong accept button. Hindi ako nag salita at hinayaan lang mag salita ang nasa kabilang linya.

"Good morning, Flaire." wala sa oras ay napangiti ako nang marinig ang boses niya kahit na sabog pa ako. Mas magandang pamungad 'to sa umaga kesa sa bunganga ni Nana.

"Good morning." sabi ko na sa tono na inaantok pa.

"Kagigising mo lang? Anong oras na?" tanong niya pero hindi ako sumagot. "Bangon na Flaire, susunduin pa kita."

"5 minutes pa." sabi ko kahit na alam ng lahat na isang malaking kasinungalingan lang yun.

Natawa siya ng mahina, "Dali na, I'll be there in 15 minutes." aniya dahilan para idilat ko ang mata ko at napaupo ulit sa kama.

"Teka--"

"I love you." matapos niyang sabihin yun ay binaba na niya ang tawag. Binaba ko naman ang cellphone at napahilamos ako sa palad ko.

Ano ba naman 'to? Bitin pa yung tulog ko. Tapos ang ganda ganda na nung panaginip ko eh! Susundan ko pa yung babae!

Napatulala ako habang kinakamot ang kilikili ko at inalala 'yong panaginip ko. Sobrang weird lang dahil detalyado parin 'to sa utak ko na para bang hindi ito isang panaginip.

Tss, baka natuluyan na ako, or puwede ring panis lang yung ininom kong gatas kagabi?

Napailing ako sa naisip ko at tumayo na. Pero nakakailang hakbang pa lang ako papunta sa banyo ay huminto ako sa paglalakad nang biglang may lumitaw na isang salita sa utak ko.


"Laparza." 














This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon