Muli kong nakita ang paglingon ni Agos sa akin pero umiwas lang ako ng tingin. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero matapos nang ginawa ko sa kanya kahapon... hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. At isa pa, sabi ni Sir. William ay wag na akong lalapit sa kanya.
Huminga ako ng malalim at lumapit kay Sir. William, "Sir." Tawag ko sa kanya at tumingin siya sa akin, "Can I talk to you?" tanong ko sa seryosong tono.
Pinauna na niya si Ms. Agnes sa paglalakad kaya lumapit naman ako sa kanya. "Ano yun?" tanong niya.
"Ahm, kagabi kasi nakausap ko si ilus--"
"That bastard, tss. Alam mo bang naiilang na ako dahil tingin siya ng tingin sa akin. Parang bading ang puta." singhal niya. "Anyway, anong meron dyan sa gagong Ilus na yan?" inis na sabi niya.
Huminga ako ng malalim. "Napagusapan naming ang mga tao at buhay sa labas--Ah, actually ako yung nag sabi." sabi ko at umiling naman siya na parang may ginagawa akong masama.
"Sana hinayaan mo na lang ang information ng mga tao sa labas, nandito tayo sa Laparza, hindi naman necessary na malaman niya kung anong meron sa labas.".
"Well, he got curious at gusto ko lang mag kuwento sa kanya tungkol sa akin para kahit papaano mabawasan yung sakit na nararamdaman ko at feeling ko gano'n din siya." Walang ganang paliwanag ko sa kanya.
"Natutuwa ako na binubuksan mo na ulit ang puso mo para mag tiwala at makipag kaibigan, pero gusto ko lang ipaalala na hindi ito mundo ng mga tao para gawin yun at tandaan mo, may gerang magaganap." he said in a serious voice.
Tumango ako at umirap ng palihim, "Yes I get that. Pero doon na lang ba tayo mag fofocus? Puro gera? Hindi ba pwedeng maranasan natin maging masaya kahit papaano? Kumawala sa sakit ng nakaraan?" naiiritang tanong ko at hindi naman siya nakasagot kaagad. "Maybe this world is full of magical stuff, and breath-taking places kaya gustong-gusto ng mga Seyaika na ipaglaban 'to. Pero meron ba kayong pake sa mga kasama niyo na nabubuhay dito? Natatakot kayo na masira ang mundong 'to pero hindi niyo naisip kung paano ang Laparza kapag wala na'ng natira dito. All of you guys were full of hatred and all you want to do is revenge. Maybe that's the reason why Ilus don't know what romantic relationship is. Kasi hindi naman yun nag eexist sa mundong 'to." Halos mag salubong na ang kilay ko habang sinasabi iyon.
Natawa siya ng mahina. "So, you're a love expert now?" tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, hindi ba niya nasesense na seryoso ako? "But you know what, you are right, because we're not supposed to fall in love." sagot niya at nag patuloy sa pag lalakad.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "But why?" sinabayan ko siya.
Bumuntong hininga siya. "Do you believe in angels?" tanong niya.
I nodded, "Yeah, kinda."
"And do you believe that angels do not fell in love?" tanong niya ulit at tumango ako.
"Yeah, but you're not an angel." Sabi ko at natawa siya.
"Masyado akong demonyo para maging anghel." Sabi niya. "Pero hindi tayo nalalayo sa kanila."
"Anong ibig mong sabihin?"
"We are both warriors." Sagot niya. "They are known as warrior of heaven, while we are the warrior of nature."
Kinunutan ko siya ng noo, "I still don't get it. Anong konek niyan sa romantic love?"
Bumuntong hininga siya, "Biniyayaan tayo ng kapangyarihan pero meron iyong kapalit; ang manatiling tapat at pangalagaan ang kalikasan." Napalunok ako ng laway. Kasama ako sa rule na yun tama ba?
"Ano namang parusa kapag nilabag yun?" tanong ko.
"Walang nakakaalam noong una, pero tignan mo ang paligid mo ngayon. Kung ano man ang nangyayari sa mundong ito, kagagawan iyon ng 'pag mamahal.'" sabi niya.
BINABASA MO ANG
LAPARZA
FantasíaFlaire lives a wonderful life with her family, friends, and her boyfriend. But her life turns upside down when her dreams turn into reality. Out of a sudden, her life became a nightmare. Will she be able to change it back? Or will she accept the rol...