Nakapalumbaba ako at tahimik na nakatingin sa labas ng bintana habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay ko. Nandito na ako sa room at bored na pinagmamasdan ang isang ibon na nakatambay sa sanga ng puno na nasa harap lang nitong bintana na tinitignan ko. Late kasi si prof---na naman, hays.
Bumuntong hininga ako bago humikab. Inaantok pa ako, hays. Tapos yung panaginip ko kanina, bitin pa.
Umayos ako ng upo nang muli kong maalala ang salitang lumitaw sa utak ko matapos kong gumising kanina.
"Laparza?" mahina kong sambit sa aking sarili. Ano yun?
Narinig ko ang pag bukas ng pinto at biglang pagtahimik ng mga kaklase ko hudyat na nandyan na si prof. Pero hindi ko kaagad nagawang tumingin sa harapan, iniisip ko pa rin kung ano yung Laparza na yun.
Parang pamilyar na hindi.
Narinig ko na nag simula na mag bulungan ang mga kaklase ko habang nag sasalita si prof sa harapan, hindi ko iyon maintindihan kaya tumingin na ako sa harap.
Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang katabi ni Prof na lalaki. Iyon yung nakita ko sa gitna ng pasilyo kanina na nakatingin sa akin. So hindi siya multo?
"Introduce yourself." sabi ni prof at umupo sa upuan niya.
Humarap naman yung lalaki sa mga kaklase ko, "I'm Agustine Salazar, but you can call me Agos for short." sabi nito at matapos nun ay agad siyang tumingin sa akin dahilan para umawang ang bibig ko.
Para saan yun? Bat kailangan may biglaang pag tingin?
Hindi na siya pinatagal ni Sir De Guzman sa harapan at pinahanap na ito ng mauupuan dahil masasayang na raw ang oras, eh paano late siya tss. Ang ibang mga kaklase kong babae ay hindi na mag kamayaw, at ang iba pa ay pinapaalis ang kanilang mga katabi para doon paupuin 'tong bago naming kaklase.
Pero itong nag ngangalang Agustine or Agos ay dumiretsyo sa likod at umupo sa tabi ng kaklase kong lalaki.
So, he is a tranferee student? Nakakapagtaka dahil second semester na ng taon at ilang buwan na lang ay gragraduate na kami. Tyaka malapit na yung midterms kaya paano siya makakahabol? Hindi ko alam na puwede pa palang lumipat? Sabagay, mukhang ma-pera naman siya. Kaso bakit naman kaya siya lumipat?
Ugh! As if naman na may paki ako.
"Gosh, ang guwapo niya beh." sabi sa akin ni Sarah na katabi ko.
Napailing ako at kinuha na ang notebook ko, "Hindi naman, maamo lang ang mukha." sabi ko. Pero mukha kasi siyang may lahi or what kaya siguro parang iba yung dating niya. Ano kayang breed niya?
"Oo kaya, nasasabi mo lang yan kasi may jowa ka na. Naol na lang talaga." Sabi niya na ikinatawa ko. Muli siyang lumingon sa direksyon nung Agos, "Kaso mukhang lalaki din ang gusto niya." dagdag pa niya.
Natawa ako, "Ikaw, gusto kita." sabi ko dahilan para humarap siya sa akin habang nakangiwi.
"Ew! We're not talo Flaire." sabi niya at umayos na ng upo para makinig sa harapan.
Gano'n na rin ang ginawa ko pero hindi ako makapag-concentrate sa sinasabi ni prof dahil ramdam ko ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin.
Lumingon ako sa puwesto ni Agos at tama nga ako dahil nakatingin siya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay pero mukhang matibay ang isang ito dahil hindi parin siya umiwas ng tingin. Nakaramdam na ako ng inis at ako na lang ang umiwas ng tingin dahil hindi na ako komportable sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
LAPARZA
FantasyFlaire lives a wonderful life with her family, friends, and her boyfriend. But her life turns upside down when her dreams turn into reality. Out of a sudden, her life became a nightmare. Will she be able to change it back? Or will she accept the rol...