KABANATA XVIII

7 5 0
                                    


3 weeks later.

Lumapit sa akin si Ms. Agnes at tinulungan akong makaupo matapos niya akong pabagsakin. Ngumiti siya, "You did better today." Aniya. "Magpahinga na tayo, bukas ulit." Sabi niya.

"Sige po, mauna na kayo." Sabi ko at pinag masdan siyang pumunta sa mga gamit bago ko pagmasdan ang kahoy na hugis espada sa tabi ko.

Huminga ako ng malalim at muling humiga sa damuhan at pinag masdan ang kulay kahel na langit dahil papalubog na ang araw. It's been 3 weeks and I'm still a loser. I can't even beat her.

Although may natututunan naman ako, kaso sadyang mas magaling siya sa akin. Palaging may bago sa mga moves na ginagawa niya.

Tinakpan ko ang mukha ko, "ARGH!!" sigaw ko dahil sa frustration.

"Anong problema?" tinanggal ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at tinignan kung sino yung nag tanong. Si Agos. Umupo siya sa tabi ko na may isang metro ang layo.

Muli akong tumingin sa langit, "Nothing." Pag sisinungaling ko. Sumilip ako sa kanya at nakitang nakatingin lang siya sa akin. "What?" Nakita ko ang pag ngisi niya bago umiling at tumingin din sa sunset. Bumuntong hininga ako bago mag salita, "Pakiramdam ko walang nag babago." Sabi ko, "Ayoko ng tumakbo lang, ayoko yung mag hihintay na lang ako ng kung sino para iligtas ako. Gusto kong lumaban." Dagdag ko pa at napatulala sa langit.

Binalot kami ng katahimikan sa loob ng ilang minuto bago ako makarinig ng kaluskos kaya tumingin ako sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. "Hayaan mong ituro ko ang nalalaman ko." Sabi niya na ikinagulat ko. I'm sure na mas magaling siya kesa kay Ms. Agnes pero wala naman sigurong maling humingi ng tulong sa kanya.

Umupo ako mula sa pagkakahiga sa damuhan at pinagpagan ang likod ko. Bigla niyang inilahad ang kamay niya sa akin pero tinitigan ko lang 'yon dahil alam kong bawal ko siyang hawakan. Napatingin ako sa kahoy na espada at kinuha 'yon para iyon ang iabot sa kamay niya. Nang hawakan niya iyon ay agad niya yung hinila para tulungan akong makatayo.

Nag simula na siyang mag turo at mag paliwanag ng mga bagay tungkol sa galaw na gagawin ko. Nag pakita din siya ng iilang moves na hinahayaan niyang gayahin ko. Chill lang ang galaw niya kaya maayos akong nakakasunod sa galaw niya. Saka ko lang bibilisan kapag nakabisado ko na kung paano. Hindi niya ako hinamon na kalabanin siya after, nag patuloy lang siya sa pag tuturo hanggang sa masanay ako.

"Akala ko ba ayaw mong matuto akong mag self-defense?" tanong ko habang inaayos niya ang puwesto ng braso kong nakaangat sa ere. Naka long sleeve naman ako kaya hindi naming nasasaktan ang isa't isa.

"Hindi sa ayaw ko." Sabi niya at pumunta sa harapan ko, "Obligasyon ko na protektahan ka at siguraduhing ligtas ka. Pero kung ito ang nais mo, wala akong magagawa kung hindi ang suportahan ka." Aniya habang pinagmamasdan kung tama ba ang puwesto ng paa ko, bigla siyang nag angat ng tingin sa akin dahilan para magsalubong ang mga mata namin. Bigla siyang ngumiti na ikinalaki ng mata ko, "Ngunit asahan mo na hindi ko parin hahayaan na mapahamak ka." Dagdag niya at umalis sa harapan ko pero nanatili parin akong gulat dahil sa nakita ko.

Nakikita ko siyang ngumingisi pero yung genuine smile? Kanina lang niya ginawa. And I won't deny, he looks better when he does that. I wonder tuloy kung anong personality ni Agos kung sakaling... normal na tao lang siya? Yung Agos na hindi lumaki sa mundong may gera? Siguro pala ngiti din siyang tao.

Umiling ako sa naisip ko at nag focus sa ginagawa ko.


~*~

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon