KABANATA XIX

10 5 0
                                    


Lumipas ang tatlong araw na pag sasanay kasama si Agos bago niya sabihin na mag papahinga muna kami ngayong araw dahil kailangan ng mag handa sa pag alis naming dito. Kaya nang magising ako ay imbes na pumunta sa lugar kung saan kami magsasanay ay dumiretsyo ako sa lugar kung saan malapit sila Sir William.

Nang makarating ako ay naabutan ko si Ms. Agnes na nakangiti habang nakatingin sa kung saan. Tumingin ako sa tinitignan niya at nakita ko si sir William na nakikipag laro sa mga bata sa labas ng Rubas.

"Puwede pala silang lumabas?" tanong ko.

Tumingin sa akin si Ms. Agnes, "Oo, basta wag lang silang lalayo. Tyaka kasama naman nila si Agos." sagot niya kaya tinignan ko si Agos na nanunuod lang din at nakasandal sa isang puno sa labas. "Wala kayong training?" tanong niya.

"Sabi ni Agos, mag pahinga muna kami ngayon." Sagot ko, "Weird." sabi ko habang nakatingin kay Sir William.

"Bakit?" tanong ni Ms. Agnes.

Tumingin ako sa kanya, "Ang weird lang na makita si Sir William na nakikipag laro sa mga bata haha." sabi ko. This is the first time na nakita ko siya na may kasamang bata kasi sa college campus lang naman siya palagi at puro kaedad ko ang tinuturuan niya.

Natawa si Ms. Agnes sa tabi ko kaya tinignan ko siya. " He is full of surprises." sabi niya at tumingin din sa akin.

"Ilang taon na po pala kayo Miss?" tanong ko, "26 na ako." sagot niya.

Tahimik akong nag bilang sa utak ko, "Bale 8 years na po kayong magkakilala ni sir?" tumango siya bilang sagot. "May something na po ba kayo?" tanong ko. Alam kong wala ako sa lugar para itanong yung bagay na yun pero knowing that little background about kay Sir napaisip ako na he still deserves to be happy and to be love.

Ngumiti ng tipid si Ms. Agnes at tumingin sa lupa. "I don't know."


AGNES'

"Yes ma'am, opo." sagot ko sa kabilang linya habang pinipigilan ang excitement ko at nakatingin kay William na nakangiti habang inaabangan ang balita.

"Well see you on monday then Ms. Domingo." Sabi ng Secretary sa university na inaplyan ko.

"Opo ma'am, thank you po." sabi ko at binaba na ang tawag. Agad akong tumingin kay William ng nakakagat sa labi.

"Anong sabi niya? Hoy!" excited niyang tanong.

"I'm hired!" sigaw ko at tumalon.

"Sabi sayo makakapasok ka eh--!" bigla ko siyang niyakap sa sobrang tuwa na ikinatigil niya.

"Thank you, William. Thank you so much." sabi ko at naramdaman ko naman ang dahan-dahan niyang pag yakap sa akin pabalik.

"Sobrang proud ako sayo." aniya at niyakap ako ng mahigpit, di ko na napigilan na maiyak sa dibdib niya dahil sa sobrang saya. Matagal ko na 'tong pangarap at hindi ito matutupad kung hindi dahil sa tulong niya.

Kumalas siya sa pag kakayakap at tinignan ang mukha ko, "Bakit ka umiiyak?" Takang tanong niya.

Umiling ako, "Sobrang saya ko lang. Sana alam 'to nila Inay at Itay." sagot ko dahil alam kong matutuwa din sila pag nalaman nila na magiging guro na ang anak nila.

Ngumiti siya sa akin, "Sigurado akong nakikita ka nila ngayon at alam kong masaya sila para sayo. Kaya wag ka ng malungkot! Let's celebrate!" sigaw niya at tinaas pa ang kamay bago ako hilain.

~*~

Sumandal ako sa upuan ko habang nakatingin sa laptop ko, anong oras na at hindi pa ako tapos sa ginagawa kong lesson plan, paano... hindi ako makapag focus sa ginagawang ingay ng babaeng dinala ni William sa kuwarto niya. Pangatlo na yan ngayong araw.

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon