KABANATA VI

10 6 0
                                    

Naningkit ang mata ko habang sinusuri ang paligid, may mga bahay na gawa sa kahoy at maraming puno sa paligid, papalubog na rin ang araw kaya naman ay medyo madilim na ang lugar.

"Ina!" naagaw ang atensyon ko nang may makita akong batang lalaki na siguro ay nasa lima o anim na taon ang edad, tumatakbo ito patungo sa isang ginang. Nag lakad ako papalapit sa kanila

"Saan ka na naman galing?" tanong ng ginang sa bata.

"Sa kakahuyan lang po."

"Ah mawalang galang po," singit ko. "Nasaan po ako?" tanong ko pero hindi nila ako pinansin. Lalapit pa sana ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng lupa.

Agad na binuhat ng ginang ang anak niya at biglang tumakbo. Inilibot ko naman ang paningin ko at nakitang nag sisilabasan na ang mga tao sa mga bahay nila.

Bigla silang nag panic kasabay ng paglakas ng lindol. Susubukan ko na sanang tumakbo pero may malakas na hangin ang sumalubong sa akin na para bang pinipigilan ako sa pag abante ko.

"Takbo!" sigaw ng isang lalaki habang nakaturo sa likod ko.

Lumingon ako doon at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang isang malaking buhawi ang papalapit sa puwesto ko. Maya-maya pa ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

Muli kong inilibot ang paningin sa paligid, at nanlaki ang mata ko nang may malaking bato na umaapoy ang bumagsak sa isang bahay.

Tumingala ako at hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makitang may malaking bato na umaapoy ang pabagsak sa aking puwesto. Pumikit ako at hinintay na bumagsak ang bagay na iyon sa akin pero ilang sigundo na ang nakakalipas ay wala parin.

'Nos ad occidendum!'

'Im 'iens ut te.'

'Nunc ea facere!'

'Curre!'

Ang daming boses ang sumisigaw sa paligid ko na hindi ko maintindihan kaya naisipan kong imulat ang mata ko. Pero kasabay ng pagmulat ng mata ko ay siya ding pag laho ng mga boses.

Pinagmasdan ko ang paligid at napagtantong nandito na ako sa kuwarto ko.

Panaginip na naman.

Umupo ako sa kama at hinawi ang buhok ko, ramdam ko din ang mabilis na tibok ng puso ko kaya pinakalma ko muna ang sarili bago tuluyang tumayo.

Halos dalawang buwan na akong nanaginip ng kung anu-ano. Oo alam kong normal lang magkaroon ng weird dreams pero habang tumatagal, palala sila ng palala. Parang totoo at parang may something.

Isa sa pinaka weird yung napanaginipan ko noong nakaraang linggo. Nasa ilalim ako ng tubig at hindi ko magawang makaahon, tapos pag gising ko hinigit ko kaagad ang hininga ko. Hindi lang yun, dahil sobrang hapdi ng balat ko nung mga oras na yun kahit na natulog lang naman ang ginawa ko. Mukhang kahit sa pag tulog ay hindi na ako puwedeng mag pahinga, tss.

Umiling ako ng mariin para mawala iyon sa isip ko bago tumayo at nag simula ng kumilos.

Agad naman akong natapos at lumabas ng kuwarto, pero napansin ko ang kamay ko na para bang namumula. Hahawakan ko sana pero bigla na lang iyon nawala.

'Yung Laparza... iyon ang mundo kung saan ka nabibilang.' muling nanumbalik ang mga katagang iyon sa utak ko.

Napalunok ako ng laway at bababa na sana nang mapansin si Nana na nasa harap ng kuwarto ng kapatid ko.

"Nana?" tawag ko sa kanya. "May problema ba?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin saglit bago muling tumingin sa loob ng kuwarto. "Wala naman Flaire, iniisip ko lang kung para saan 'tong kuwarto na 'to." tanong niya na nag pataas ng kilay ko.

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon