KABANATA VII

9 6 0
                                    


Nag talukbong ako ng kumot nang marinig na may kumatok sa pinto ng kuwarto ko, agad ko ring niyakap ng mahigpit ang unan ko

Narinig ko ang pag bukas ng pinto at ang footsteps niya papalapit sa puwesto ko. Maya-maya pa ay umalog ang kama ko sa bandang likod.

"Flaire." boses ni Dad pero hindi ako sumagot. "Hindii ka pa kumakain, anak." sabi pa niya. Paano ako mag kakagana kung nawalan ako ng kapatid tapos ako lang ang nakakaalam.

"Nag aalala na ako sayo Flaire, lahat kami. May problema ba? Puwede mo bang sabihin?" hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa unan ko habang pinipigilan ang pag hikbi ko.

Paano ko sasabihin kung hindi naman nila kilala si Francis?

Lumunok ako ng laway bago mag salita, "O-Okay lang ako D-Dad." pag sisinungaling ko.

Narinig ko ang malalim na pag buntong hininga niya, "Flaire, baka puwedeng makatulong sayo ang Uncle Ethan mo?" aniya na nag pakunot ng noo ko.

"D-Dad, hindi ako baliw." halos pabulong kong sabi.

"Alam ko, pero--"

"Maybe this is just a nightmare Dad and I just need to--"

'I had a nightmare last night.'

'Tell me.'

'Naging invisible daw ako.'

'Oh? That's cool ah.'

'Hindi siya cool ate, hindi niyo ako nakikita. Di niyo ako pinapansin, tapos di ko na rin kayo mahawakan. Akala ko patay na ako.'

Nanlaki ang mata ko nang maalala yung gabing iyon. Hindi kaya...

Agad kong inalis ang kumot sa pagkakatalukbong sa akin at umupo sa kama. "I need to find him." sabi ko at kinuha ang tsinelas ko sa gilid ng kama.

"Who?" kunot noong tanong ni Dad.

"Francis." sabi ko at dali-daling lumabas ng pinto.

"Flaire!" rinig kong tawag ni Dad sa akin pero hindi ko siya pinansin at dumiretsyo na sa pagbaba ng hagdan.

'Wag kang mag alala Francis, hindi kita kakalimutan, hahanapin ka ng ate.'

"Francis!" sigaw ko nang makarating ako sa sala. "Nandito ka ba? Naririnig mo ba ako?" tanong ko at nag palinga linga. "Hahanapin kita!"

"Flaire?" lumingon ako sa hagdan at nakita sila Dad, Mom, at Nana na pababa doon. Si Mom naiiyak habang nakatingin sa akin.

"Anak, tama na." sabi ni Mom. "Walang Francis." aniya pero umiling ako.

"N-No, hindi s-siya puwedeng i-imagination lang. Please maniwala naman kayo." sabi ko habang papalapit sa akin. "Mom, Dad? Talaga bang makakaya niyong kalimutan yung nag iisa niyong anak na lalaki?" tanong ko. Maya-maya ay dahan-dahang umiling si Dad.

Huminga ako ng malalim. Kung puwede lang talaga ibalik ang oras na kasama ko pa ang kapatid ko, hindi ko talaga hahayaan na mangyari 'to.

Sandali... Oras.

Para akong nabuhayan sa naisip ko. Tama! Kung kaya niyang ihinto ang oras, baka posibleng kaya rin niyang ibalik ito.

Lumingon ako sa pinto at dali-daling lumapit dun.

"Anak saan ka pupunta?" tanong ni Dad pero hindi na ako nag salita at agad na lumabas nang buksan ko iyon.

Doon ko lang napagtanto na umuulan pala. Wala akong payong pero bahala na. Tumakbo na ako palabas ng gate pero huminto ako saglit dahil para bang may tumutusok sa balat ko pero hindi ko na lang din iyon pinansin at muling nag patuloy sa pag takbo.

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon