KABANATA XX

13 5 0
                                    


AGNES'

"It does now." Rinig kong sabi ni Flaire kay William sa labas ng Rubas at tumayo na. "I'm still curious sa best friend mo na si Fracio, pero sa tingin ko kailangan mo munang mag isip-isip." Nag unat siya ng likod bago pumasok dito sa Rubas at nagulat nang makita ako. "Miss, kanina pa po kayo dyan?" Tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya, "Oo." sagot ko. "Hinahanap ka na nila Agos, kailangan mo na daw mag pahinga."

"Kayo po?" Tanong niya

Tinaas ko ang mga dala kong tela, "Sasamahan ko sa labas si William." sabi ko at nilampasan siya.

Umupo ako sa puwesto ni Flaire kanina at tumingin kay William, nagulat siya nang makita ako. "Hindi mo parin pala nakakalimutan yung pangako mo kila Fracio matapos nang mga nangyari." tanong ko.

Bumuntong hininga siya, "Fracio is still my friend, at gagawin ko ang pabor na pinakausap niya sa akin kahit anong mangyari. Kailangan kong ilabas si Aira sa mundong ito. Ilalabas din kita dito." Tumingin siya sa akin, "Teka, bakit ka nandito?"

Ngumisi ako, "Dito ako matutulog." sabi ko. Tumayo ako at pumunta sa isang puno para dun mag latag ng sapin.

"Dito ka matutulog?" paguulit niya.

"Oo." sagot ko ng hindi siya nililingon.

"Pinili mong matulog sa lupa kaysa sa maayos na higaan sa loob?" Tanong niya at natawa ako.

"Nope, I choose you." Sabi ko at tumingin sa kanya at hinintay ang magiging reaction niya pero wala. Ngi? Banat yun eh.

"Masyadong delikado dito." sabi niya pero nag kibit balikat lang ako at inayos na lang ang hihigaan namin. Gusto ko siyang katabi sa ilalim ng buwan.

Umupo ako sa tela at tumingala, "Iisa lang ba ang buwan na nandito at sa mundo ng mga tao?" tanong ko.

"Oo." sagot niya.

Ngumiti ako, "Kahit papaano may koneksyon parin pala tayo kahit sobrang magkaiba ng mundo natin." Pumikit ako at tahimik na humiling na sana hindi ganito kakomplikado ang sitwasyon naming pareho.

Tumingin ako kay William na ngayon ay nakatingala na rin, he's so cute, kung may dala lang sana akong phone baka napicturan ko na siya.

"You happy?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin, "I am." sabi niya, "Kaso hindi pa ito yung Laparza na gusto kong uwian." bigla siyang ngumiti, "Pero naniniwala ako na magiging maayos din ang lahat."

Ngumiti din ako at muling tumingala. Ayos din pala na sinundan ko siya kahit na sobrang nahohome sick ako, at least kasama ko siya.

Bigla siyang tumayo sa puwesto niya at tumabi sa akin at sumandal sa may puno, sumandal ako sa balikat siya at pumikit. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay kaya napatingin ako dun.

"Gusto kitang pakasalan." rinig kong sabi niya na ikinagulat ko kaya tumingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Gusto kako kitang pakasalan." pag uulit pa niya.

"Pero..."

"It's not a question." singit niya at tumingin sa akin. "Hindi ko maintindihan kung bakit yun ginagawa ng mga tao pero gusto ko siyang maranasan sayo." ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. Hindi naman ako nakasagot at agad siyang niyakap ng mahigpit.



FLAIRE's

"So, kayo po talaga?" tanong ko kay Ms. Agnes matapos niyang ikuwento yung story nila ni Sir. Sabi ko na nga ba may something sila.

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon