"Mag pahinga muna tayo." biglang sabi ni Agos habang nag lalakad kami. "Dumidilim na." aniya.
Sa totoo lang ay sobrang pagod na ako dahil ilang oras na kaming nag lalakad. Idagdag pa na gising ako simula nung umaga hanggang sa gabi nung nasa mundo pa kami ng mga tao tapos nung nakarating kami dito ay umaga na ulit. Kaya halos dalawang araw na kaming gising.
"Sang ayon ako. Kailangan nating mag ipon ng lakas para bukas." sabi naman ni Sir William. "Agnes, samahan mo akong humanap ng panggatong." ani nito at iniwan kaming tatlo nila Agos at Ilus.
"Susundan ko sila. Baka kung anong gawin ng Romdonong iyon sa taga lupa." suhisyon ni Ilus at lumipad bago pa kami makapag salita. Kanina pa nag iinit ang paningin niya kay Sir William, napapaisip tuloy ako kung anong ginawa nila sa kanya.
Napatingin naman ako kay Agos nang mag simula na siyang mag alis ng mga tuyong dahon at kahoy sa lupa.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko dahil hindi ko naman ineexpect na mag lalakbay pa kami. Akala ko kasi pag dating namin dito ay may gera na.
"Sa Rubas." Sagot niya. "Kailangan natin ng basbas mula kay Ina Lira." dagdag pa niya.
"Para saan?" muli kong tanong sa malamig na tono at tinulungan na siyang mag alis ng mga dahon at kahoy. Mukhang sa damuhan kami matutulog ngayong gabi.
"Para sa lakas at kaligtasan." lumingon siya sa akin. "Lalo ka na. Hindi mo pa alam kung paano gamitin ang kapangyarihan na nasa iyo."
Pinagmasdan ko ang palad ko. "Talaga bang kaya ko mag palabas ng apoy?" tanong ko habang nakakunot ang noo. Ang hirap kasing paniwalaan.
Narinig ko ang pag buga ng hangin ni Agos kaya tumingin ako sa kanya, "Subukan mo sa akin." Aniya dahilan para taasan ko siya ng kilay.
"What?" tanong ko,"I don't know how."
"Isipin mo na kaya mo." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Paano?" tanong ko.
Umiwas siya ng tingin, "Isipin mo lang na kaya mo." Sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay. Tingin ba niya na gano'n kadali yun? Ginagago ba niya ako?
Muli kong pinagmasdan ang palad ko habang nakataas parin ang kilay ko. Unti-unting kumunot ang noo ko dahil feeling ko ay ginagago na naman niya ako. Itinapat ko ang palad ko sa kanya para ipakita na walang nalabas. Kasi kung gano'n lang kadali yung sinasabi niya siguro tinutusta ko na siya ngayon---
"Oh my gosh!" sigaw ko nang biglang nag liwanag ang palad ko at nag labas ng bolang apoy papunta kay Agos. Agad siyang umilag at tinignan ako nang nanlalaki ang mata dahil sa gulat. "Oh my gosh!" sabi ko at tinignan ang palad ko bago tumingin kay Agos. "What did just happen?" muli kong pinag masdan ang palad ko at ngumiti. Damn! "Nakita mo yon?!" tanong ko.
"Muntikan mo na akong tamaan, paanong hindi ko makikita yun?" tanong niya pero nag kibit balikat lang ako. Malay ko bang hindi pala siya alerto, tss. Hindi ko na siya pinansin at pinaapoy ang palad ko. Bigla ko ulit naramdaman yung feeling habang pinagmamasdan yung apoy sa drumstick ko nung battle of the bands, yung para bang bigla akong kumalma.
Muli akong nag bato ng apoy sa isang puno dahil sa excite, tapos sa isa pang puno at sa sahig. I can'thelp myself; fuck this is so satisfying!
"Flaire, tama na."
"What? I can do this all day!" sigaw ko at nag patuloy sa pag bato ng apoy. Man, this is so easy!
"Flaire—" natawa ako at pinaapoy ang paligid namin ni Agos. I swear to myself na hindi na ako mag lalaro ng apoy, pero sino bang niloloko ko? This is fun. Para bang nakalimutan ko ulit yung mga problema ko at gumaan ang pakiramdam ko. I feel... happy.
BINABASA MO ANG
LAPARZA
FantasyFlaire lives a wonderful life with her family, friends, and her boyfriend. But her life turns upside down when her dreams turn into reality. Out of a sudden, her life became a nightmare. Will she be able to change it back? Or will she accept the rol...