KABANATA XVII

7 5 0
                                    


"Agos?" Tawag ko sa kanya nang mapagtanto na siya yung naka indian sit sa ibabaw ng tubig. Bigla siyang lumingon sa akin at nagulat kaya bigla siyang nahulog sa ilalim ng tubig. "Hoy!" lumapit ako sa lawa pero agad siyang umahon.

"Dyan ka lang!" sabi niya at pinunasan ang mukha niya gamit ang kamay niya. "Wag kang lalapit sa tubig, ayos lang ako." aniya at tumango naman ako. Bigla naman siyang umahon sa tubig pero... hindi yun yung normal na pag ahon. Binuhat siya ng tubig at dinala sa harapan ko, nag lakad siya papunta sa isang puno kung nasaan ang isang tela, kinuha niya yun at pinunasan ang mukha niya tapos buhok. Nanatili akong nakatulala sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina.

"H-How did you..." di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumingin siya sa akin.

"Hmm?" lumapit siya ng kaunti sa akin at naupo sa damuhan.

"Paano mo nagawa yun?" tanong ko.

"Yung?" tanong niya habang nakatingin parin sa lawa.

"Yung... sa tubig?" sabi ko at tumingin naman siya sa akin.

"Oh." aniya, "Hindi mo nga pala alam." ngumisi siya tapos tinapat ang palad sa may lawa, "Isa akong Aqua. Tubig ang kapangyarihan ko." sabi niya at tumingin naman ako sa lawa, may pinapalutang siya doong mga tubig tapos pinapagalaw.

"Oh? Akala ko oras ang hawak mo?" tanong ko.

Umiling siya, "Napag aralan ko lang ang mahika tungkol doon, ngunit aqua na ako simula noong maisilang." pinahinto na niya ang ginagawa sa tubig at tumingin sa akin. "Iyon din ang dahilan kung bakit hindi kita puwedeng hawakan." aniya at doon lang nag sink in sa akin kung bakit ang layo niya sa akin minsan at kung bakit gano'n na lang ang naging reaction niya nung natuwa ako sa kapangyarihan na meron ako. Umupo ako at hinawakan ang braso niya, agad ko ding inalis ang kamay ko dahil para akong napaso, nagulat siya at hinawakan ang braso niya. "Ano ba? Kasasabi ko lang ah."

"Sorry." sabi ko habang nakatingin sa kamay ko na namumula na ngayon. "I'm sorry din for what I did last time." Sabi ko din sa wakas.

"Ayos lang." aniya at bumuntong hininga. "Malalim na ang gabi, bakit gising ka pa?" tanong niya.

"Napanaginipan ko ang pamilya't mga kaibigan ko." tumingin ako sa kanya. "Bakit gano'n? Akala ko ba hindi na sila nag iexist? Pero bakit naalala ko parin sila?" tanong ko.

"Iyon ay dahil hindi naman tayo katulad ng mga tao. Ang ginamit na mahika sa kanila ay galing lang din sa Laparza kaya hindi iyon umuubra sa mga nilalang na taga Laparza." paliwanag niya.

Niyakap ko ang tuhod ko, "Bakit mo pala ako pinapabalik dito eh hindi pa naman ako nanggagaling dito. At kung ito ang tirahan ko, bakit ako nasa mundo ng mga tao? Sino ako? Sinong totoong mga magulang ko?" sunod sunod na tanong ko. Tumingin ako sa kanya at nag hintay ng sagot pero nanatili siyang nakatingin sa harapan. "Hindi mo rin alam no?" tanong ko pero hindi ulit siya kumibo. "Ilang taon ka na pala?" pag iiba ko ng tanong dahil parang mas bata ang hitsura niya kay Sir. William.

"Mas matanda lang ako ng isang taon sayo." aniya.

"Oh? So magkaiba kayo ni Sir. William? Hindi mo naabutan kung paano nabuo ang Laparza?" umiling siya bilang sagot. "Paano ka nabuo?" tanong ko at tumingin siya sa akin ng nakakunot noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Kino kasi sabi niya meron daw siyang mama sa mundo ng mga tao pero patay na. Eh kung hindi mo naabutan kung paano nabuo ang Laparza, paano ka nabuo? Eh diba hindi required ang romantic love dito? Except kung nag mamake-love din kayo?"

Nanatiling nakakunot ang noo niya na parang naguguluhan sa sinasabi ko. "Hindi kami tulad ng mga tao na nakikipag talik para makabuo ng buhay." aniya.

"Eh paano nga kayo nabuhay?"

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon