KINO's
[3 days earlier]
Binuksan ko ng dahan-dahan ang silid kung saan naroon si Agnes. Nang makapasok ako ay natanaw ko siyang nakaupo sa isang upuan na nasa harapan ng bintana. Tumingin siya sa akin at nasilayan ko ang pagkagulat niya nang makita ako.
"William." Banggit niya sa aking pangalan at tumayo para makalapit sa akin. Pero matapos ang ilang hakbang ay bigla siyang nawalan ng balanse dahil sa panghihina pero agad ko naman siyang nasalo.
Inalalayan ko siyang maupo sa kama at hindi ko maiwasang pagmasdan lamang siya.
"A-Anong problema?" tanong niya dahil siguro sa pagkailang sa ginagawa kong pagtitig sa kanyang mukha.
Umiling ako at umatras, "Wala, kinakabisado ko lang ang mukha mo." Sabi ko. Kahit na anong gawin kong pag titig sa kanya ay hindi ko magawang makabisado ang mukha niya... isa sa rason kung bakit gustong gusto ko siyang nakikita, ni ayokong mawala siya sa aking paningin.
"Huh? Bakit?" tanong niya.
Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin, "Baka ito na ang huling araw na masisilayan kita." Sabi ko at lumunok ng laway.
"Babalik ka na?" tanong niya.
Tumingala ako at kinagat ang ibabang bahagi ng aking labi. Tangina. Matagal ko ng gustong bumalik sa Laparza pero hindi ko naisip nag ganito pala kahirap na mag paalam sa kanya.
Siya lang ang nag iisang tao dito na nakakaalam tungkol sa akin at sa aming mundo. At nag iisang tao na naniwala sa akin na kaya ko pang itama ang mali na nagawa ko.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko dahilan para tumingin ulit ako sa kanya, "Gusto kong sumama." Sabi niya na ikinagulat ko.
"Agnes, hindi—"
"William, gusto kong sumama." Kalmadong sabi niya at ngumiti, "Gusto kong makita yung mundo na palagi mong kinukuwento sa akin. Gusto ko maging parte ng mundo mo." Sabi niya.
"Matagal ka ng parte ng mundo ko." Yumuko ako, "I am so sorry for what happened last month."
"Di ko masasabing hindi na masakit, but I understand and I forgave you."
Pinigilan ko ang sarili ko na yakapin siya at umiwas na lang ng tingin. "Hindi kita puwedeng isama sa Laparza."
"William, please."
"Masyadong delikado Agnes. At alam mo naman kung paano nag simula ang lahat ng ito hindi ba?" Sabi ko na nag patikom sa kanya.
Tumalikod ako at napasuklay sa buhok ko.
"Naiintindihan ko," rinig kong sabi niya, "Pero."
"Agnes nakikiusap ako. Mas mabuti kung dito ka na lang." Matapos kong sabihin iyon ay binalot kami ng katahimikan. Nanatili akong nakatalikod sa kanya habang nakakuyom ang kamao ko. naisip ko bago humarap sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang baril na nakatago sa pantalon ko at inabot ito sa kanya.
"Protektahan mo ang iyong sarili." malumanay kong sabi at hinawakan ang kamay niya upang ilapag doon ang armas na hawak ko. Narinig ko ang mahina niyang hikbi at agad akong niyakap.
"M-Mag iingat ka."
Niyakap ko din siya pabalik ng mas mahigpit. Hinding hindi ko siya makakalimutan.
FLAIRE's
BINABASA MO ANG
LAPARZA
FantasyFlaire lives a wonderful life with her family, friends, and her boyfriend. But her life turns upside down when her dreams turn into reality. Out of a sudden, her life became a nightmare. Will she be able to change it back? Or will she accept the rol...