CHAPTER 6- Caféteria

9 1 0
                                    

Y/N's POV

KASALUKUYAN kaming naglalakad ni Sam kasi dismiss na at recess nadin. Naglalakad kami sa hallway. 

"Y/N. Upo na tayo doon." Sabay turo sa may gilid na malapit sa pinto. 

"Sam, a-ano eh. Hindi naman ako kakain. Hehe." Yung tinapay lang na binigay ni Kuya Dan yung kakainin ko. 

"Bakit naman? Lunch na oh." Pagtatakang tanong nya. 

"A-ahh kasi busog pa ko. Magtitinapay nalang ako." Sabay fake laugh na naman. 

"Ahh alam ko na Y/N. Sige ako na bahala. Umupo kalang dyan."

Napahawak na naman ako sa ulo ko. Nakakahiya. Alam na naman nyang wala akong pambili. Hays ang dami nya ng naitulong sakin. Kailangan ko na sigurong maghanap ng trabaho para hindi na ako umaasa sa kanya. Magiging part timer na ako sa gabi. Pero saan naman? 

"Oh Y/N. Ito na pagkain natin. Wag kang mahiya sakin. Magkaibigan tayo. Ano kaba." Sabay ngiti nya sakin.

"Parang sobra na kasi Sam. Parang nakaasa na ako sayo. Salamat talaga. Hahanap nako ng trabaho para may sarili akong pera." Sunod sunod kong saad. 

"May pasa ka sa labi. Sinaktan ka ba ulit nila?" Pag-aalalang tanong nya. 

"Ahh hindi alam mo namang lampa tong kaibigan mo. Yan nagkasugat. Hehe." Kahit kailan ka talaga Y/N. 

Kumain na kami ng bigla kong napansin yung bracelet. Oo, sinuot ko. 

"Tsaka nga pala Y/N. Ang ganda nyang bracelet na yan. At sa tingin ko, mamahalin yan. Sino nagbigay?" Tapos hinawakan nya. 

Patuloy nyang pinagmamasdan ang kabuuhan ng bracelet. 

"H-hindi hindi. Napulot ko yan." Ang sinungaling ko naman. 

"Woah, ang swerte mo. Magandang klase ng bracelet to." Himala hindi nya pinansin yung pangalan na nakaukit sa bracelet. 

"Hindi mo nakita yung pangalan?"

"Anong pangalan?" Nagtaka naman ako. 

Wala ngang nakalagay. How come? Eh kagabi nandito pa yun. Namalikmata lang ako ganun? 

"A-ahh wala wala." Nagpatuloy na kami kumain. 

May dadaangang grupo ng mga babae. 

"Look who's here? Yung hampaslupang napadpad dito. Ginagamit pa si Sam para makuha ang gusto." Alam kong ako ang pinapatamaan nya. 

Hindi nalang ako sumagot. At nagpatuloy kumain ng biglang makaramdam ako ng malamig sa ulo. Takte. Buhusan ba naman ako ng juice. 

"Trixie. Ano sa tingin mo yang ginagawa mo huh?" Naiinis na tanong ni Sam. 

"What Sam? Ginagamit kalang nitong babaeng to. Tapos nagpapagamit ka naman?" 

Nagpatuloy akong mawalan ng pake. Pero huminto na ako sa pagkain. 

"Umalis na kayo." Mahinahon na sabi ni Sam. 

"No we're not go--." 

"I order you all to please get out! You will obey me or not? I'm your SSG President. Pwede ko kayong dalhin sa guidance. In the count of three! One! Two!" Malakas na ang boses nya. 

Agad naman silang nagsialisan. Alam nyo kung bakit hindi nya pinapunta ng guidance yun? Kasi hindi iyon ang alam nyang gusto ko. 

"Hey Y/N are you okay?" 

Yumuko lang ako habang pinipigilan ang mga luha kong nagbabadyang lumabas. Tumango ako habang nakayuko. 

"Don't worry. Nandito lang ako." Alam ko Sam. 

Humikbi ako ng mahina yung hindi nya ako maririnig. Hindi sya pwedeng madamay sa kamalasan ko sa buhay. 

🌻

Magic Shop [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon