CHAPTER 9

12 1 0
                                    

Y/N's POV

"Excuse me." Alam ko kung kaninong malamig na boses 'yon. At sya 'yon. 

"Sino ka? Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Tanong nila sa lalaking nakatayo sa bungad ng bakod. 

"Sinong kailangan ko? Sya." Sabay turo sakin. Bakit ako? 

"Bakit may utang ba sya sayo? Pinapalayas na nga namin yan dito. Wala naman yang kwenta." Dagdag pa ni Mama. 

Sumasakit yung tenga ko sa mga naririnig ko. Kaya yumuko ulit ako gaya ng lagi kong ginagawa pag ayokong may nakakakitang mahina ako. 

"None. But I'm keeping her." Mahinahon nya paring sabi. 

He's wearing a simple clothes. A t-shirt ,pants, converse and cap. Lalong lumabas ang kaputian nya. 

Ang malaking tanong sakin paano nya nalaman saan ako nakatira. 

"Oh, sayo na yan." Kung ibigay ako para lang akong bagay na wala ng kwenta. Sabagay never nya kong trinatong tao. 

Tumayo ako at lumabas kasabay ng paglagpas ko sa lalaking yun. 

"Y/N." Naestatwa ko sa pagtawag nya. Napakalakas ng dating. 

Pero nanahimik lang ako. 

"Y/N-ah." Tawag nya ulit pero hindi ako lumingon. 

"S-salamat." My voice cracked. 'Yon lang ang nasabi ko bago ako magpatuloy sa paglakad. 

Hindi na ako mag-aaral, wala akong matitirhan at wala din akong trabaho. Yan ang mga tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. 

May biglang ilaw na nagpasilaw sa mata ko. Bwiset na sasakyan to masakit sa mata! 

Kakalabugin ko sana yung kotse pero biglang binaba ng kung sino yung bintana. 

"Hoop in." Maikli nyang sabi. Si Mr. Sungit. Bakit naman ako sasakay? 

"Wag na." Pagtanggi ko. 

"Papasok ka o ako ang hihila sayo papasok?" Pagbabanta nya. Brutal din talaga to eh. 

Bakit ba ako isasama nito. Aba hindi porket masungit sya magagamit nya sakin yun. 

"Neknek mo. Sinong tinakot mo?" Pagmamatigas ko. 

"Ginagalit mo ba ko? Masarap ako magalit Y/N. If you don't want to enter here, then I'm the one to enter you instead." Nangilabot ako sa sinabi nya. 

Binuksan nya yung pinto, kaya pumasok ako. Hindi pa nagsink-in sakin yung sinabi nya. Tama ba yung iniisip ko? Bastos ba talaga ibig sabihin nun? 

"Don't think to much. Tinakot lang kita. Tsk." Sabi nya habang patuloy sa pagdrive. 

"A-ahh." Utal kong sabi. 

Wala na sa isip ko kung saan nya ko dadalhin. Kung papatayin nya ako. Sige go. Para tapos na tong pesteng buhay na to tutal wala naman may gustong buhay ako. 

"If you will going to kill me. Sana hindi sobrang sakit ah." Bigla kong basag sa katahimikan. 

"Mukha ba 'kong killer?" Yan na naman sya sa masungit nyang boses. 

"Aba, malay ko. Pwede mo naman akong patayin. Suggestion ko lang." Sabay fake smile. 

"Matagal ka na bang nagtitiis sa kanila?" Bigla nyang tanong sa kawalan. 

"Since buhay pa si Papa. Pag wala si Papa ginagawa nya kong katulong. Bata pa ko nun. Suppose to be dapat naglalaro pa dapat ako. Pero maaga kong namulat sa katotohanan." Tahimik lang sya habang sinasabi ko yun. 

Bakit nga ba ko magkekwento sa kanya. Isa pa tong walang pake. 

"Pangdrama yung buhay ko diba? Pait ng kapalaran ko eh. Mas mapait pa sa ampalaya."

"Nagawa mo pa talagang magpatawa ah. Ibang klase." 

Napansin ko na parang ang tagal naman ng biyahe. 

"San ba tayo pupunta?"

"Sa Magic Shop." Huh? Eh ang lapit lang nun kung tutuusin. 

"Ahh." Maikli kong sagot. 

"You should stay with me from now on."

A/N: Anything to say? Sanaol nags-stay.

🌻

021421

Magic Shop [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon