CHAPTER 49

3 0 0
                                    

Y/N's POV

"You're not happy being with me?" Paano naman kasi. 

Nasuspend kami dahil akala nila may namamagitan samin tapos ito na naman magkasama na naman kami. 

Parang ginawa naming dating day yung pagkasuspend namin. 

"Sir naman kasi. Nasuspend tayo tapos nagsasaya tayo dito? "

"And what are we supposed to do? Magmukmok sa sulok. Ipag
dalamhati yung pagkasuspend natin? Oh come on Y/N." Tama naman sya. 

"Oo na nga po. Pero ngayon araw lang may trabaho nako bukas. Hindi na pwede petiks petiks. Hindi naman ako kasing yaman mo Sir no."

"Got it. Kaya halika na sa arcade." Wala na kong nagawa. 

Akala ko sobrang mature nya na pero akalain mo may ganto pala syang side? 

"HAHAHA. I got many points." Sigaw nya. 

Yung sa bola. Ako onti lang ewan ko hindi naman ako duling.

"Ayaw ko na. Tignan mo points ko. Nakakapagod lang to. " Reklamo ko. 

"Okay lipat tayo doon." Sabay turo sa racing. 

"Hindi ako marunong magdrive."

"Edi tuturuan kita. What's my purpose if I'm not going to teach you."

Hinila nya na naman ako. 

"Upo. Ganto ito yung break tapos ito yung accelerator." Tumango naman ako. 

Akala ko hahayaan nya kong maglaro pero nakihawak sya sa manubela. 

"One two three go!"

Ang hirap amp. Masyadong magalaw yung manubela. 

Tawa kami ng tawa kasi nakakaskas yung kotse sa pader. Naiimagine ko na kung magkakaroon akong kotse years from now. 

Kanina nakahawak lang sya sa manubela. Hanggang sa bumaba ito para hawakan ang kamay ko. 

"Ikot mo sa kanan." Ginawa ko kahit medyo nag-aalangan ako sa hawak nya. 

Sa wakas. Natapos rin. Sumakit yung likod ko. 

"Jusko. Hindi nako magkokotse." Natawa naman sya. 

"You will learn it soon. Pero sa ngayon huwag na nga muna. Nakakatakot kang magdrive." Napanguso naman ako. 

"Gutom ka na? Kain na muna tayo." 

Nagpunta kami sa fast food chain. Sinasanay nila ko sa libre. 

"Sir. Hindi kana nalulungkot? Na hindi ka nakakapasok ngayon dahil sakin?" 

"Why would I? Okay lang as long as alam natin wala talaga tayong mali. Tsaka pahinga narin. This week is a bit stressful and hassle. Mas magandang magsaya kahit minsan diba?" Sagot nya habang kumakain. 

Naglalakad sa kami sa isang playground ngayon. Marami akong nakikitang mga bata na tumatawa at masaya. Nakikita ko sarili ko sa kanila. Nung buhay Pa si Papa. Lagi kaming nandito sa mga playground. 

"Reminiscing something?"

"Naaalala ko lang po Papa ko. Namimiss ko na kasi." Then I give him a fake smile. 

"Nagsisisi kaba sa buhay mo ngayon? Kasi hindi ka kasing gifted ko, I mean. Sa edad mo ang dami ng pinagkait sayo."

"Naisip ko nadin yan Sir. Naisip ko kung bubuhayin din naman ako sa hirap at sama ng loob sana nga hindi nalang. Mahirap haha." 

Magic Shop [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon